Chapter 37

1.8K 51 4
                                    

Chapter 37: Tired

Dumiretso ako sa isang bar imbis na ang umuwi. Kahit na may iilan akong nakitang kakilala at inaanyayahan ako na sumama sa kanila ay tinanggihan ko. I didn't went here to have fun, I'm here to spend my time alone.

Sa bar ako kaagad pumunta ng makarating doon. Umorder ako ng shots at binalingan ang phone ko na mayroong dalawang text galing kay Symon at Andrew. Una kong binuksan ang kay Symon.

Symon:
Where are you?

Agad akong nagtype ng message sa kanya at sinabi ang bar kung nasaan ako. Pagkasend ng text ko ay iyong kay Andrew naman ang binuksan ko.

Andrew:
Hey couz! Saan ka? Dito kami nila Lucas sa Prive.

Luminga ako agad ng mabasa ang text niya. They're here too.

Ako:
I'm here.

Nang dumating na ang order ko ay nawala na ang atensyon ko sa phone ko. Ibinalik ko na iyon sa bag na dala ko at hinarap ang shots na inorder ko.

Tinungga ko iyon. Diretso. Ni hindi manlang ako natinag sa pait noon. Nang ilapag ko ang baso ay agad pa akong umorder ng isa pang shot.

Hindi ko na alam. Dapat ay maayos na ako, matagal na. Ako naman kasi talaga ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sa amin ni Chuck. I won't deny that. It's me who choose to end our relationship na hanggang ngayon ay pinag-sisisihan ko pa rin.

Kung sana ay nakinig muna ako sa paliwanag niya. Kung sana ay inintindi ko siya. Kung sana ay hindi ako nagsinungaling sa kanya ay sana hindi ako nasasaktan ng ganito. I did this all to myself. Siguro nga, ito na ang karma ko sa lahat ng ginawa kong pagsisinungaling sa kanya noon.

Maybe I really deserve this pain. And maybe that's how it supposed to end for the both of us.

Nilapag na ulit ng waiter ang order ko. Katulad kanina ay diniretso ko ng inom iyon at agad na ulit nag-order ng isa pa. Kung malalasing ako ngayon ay okay lang, Andrew's around so I know I'll be safe.

Muling naglapag ang waiter ng shot ko. Ginawa ko ang mga naunang ginawa ko doon. I'll consume it all then I'll order again.
Hindi ko na alam kung nakaka-ilang shots  na ako. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang pag-ikot ng paningin ko. My head feels light too.

"Another one..", saad ko sa waiter. Nakayuko na ako para pigilan ang pagkakahilo.

Nang narinig ko na nilapag na ulit ng waiter ang order ko ay agad ko na iyong kinuha. Dumiretso ako ng upo at iinomin na sana ang shots ko nang biglang may marahas na umagaw noon sa'kin. Naging dahilan pa iyon para medyo matapon ang halos kalahati ng laman ng baso.

Medyo umiikot man ang paningin ko ay agad ko pa rin tinignan kung sino ang gumawa noon. Para akong naitulos sa kinauupuan ko ng makita ko ang magkasalubong na kilay at madilim na mukha ni Chuck.

"Give me that.", mariin kong sinabi at pinilit agawin ang baso ko sa kanya.

Padabog niya iyong inilapag malayo sa'kin. Tinabig niya ang kamay ko at muli akong tinignan ng diretso.

Gusto kong maiyak. Gusto ko siyang saktan at sabihin na bakit hanggang sa ngayon sinasaktan niya pa rin ako. Pero walang salitang lumabas sa bibig ko.

"Another glass, waiter.", imbis ay iyon ang sinabi ko.

Agad na tumalikod ang waiter para ihanda ang order ko nang biglang magsalita si Chuck.

"No please. She's drunk, she had enough.", aniya ng 'di manlang hinihiwalay ang tingin sa'kin.

"Waiter, isa pa."

"No. Hindi na."

Nalilitong tumingin ang waiter sa aming dalawa bago ito tumango at binalingan ang ibang customers.

I sighed. Damn it!

Hindi nalang ako kumibo doon. Pakiramdam ko ay mas lalo lang umiikot ang paningin ko. What is he doing here anyway?

Maya-maya ay nakaramdaman ako na para akong masusuka. Napahawak ako agad sa bibig ko at sinubukan na bumaba mula sa highstool na kinauupuan ko. Pero dala yata ng kalasingan kung bakit halos matumba ako. Bago pa ako tuluyang bumagsak ay naramdaman ko na na mayroong humapit sa bewang ko at agad akong inalalayan patayo.

Agad na kumabog ang dibdib ko ng marealize kung gaano kami kalapit ni Chuck sa isa't-isa. Simula ng bumalik siya ay ngayon lang kami nagkalapit ng ganito.

"See? You're drunk.", narinig kong saad niya. "Are you alright?"

Para kong nakain ang sarili kong dila. Sobrang lakas at bilis ng kabog ng dibdib ko. At pakiramdam ko nababaliw na ako dahil sa nagugustuhan ko ang distansya na mayroon kami ngayon.

"I need to go to the comfort room.", saad ko.

Tumango siya at naramdaman ko pa ang lalong paghapit niya sa bewang ko. Inaalalayan niya ako na maglakad pero bago pa kami makalayo ay napangiwi na ako ng mayroong marahas na humablot ng braso ko. Nang humarap ako ay halos mabingi ako sa lakas ng sampal na dumampi sa pisngi ko.

"Bitch!", sigaw nito. "You know he's already taken pero nilalandi mo pa rin!"

Gigil na gigil na mukha ni Jasmine. Dinuro niya pa ako pero agad siyang hinila ni Chuck palayo sa'kin. Hindi siya nagpaawat at nagsalita pa doon ng kung ano-ano.

"Ano? You want him back? Kaya ngayon ay nilalandi mo?", sinugod ako nito.

"Jasmine, stop it!", Chuck tried to stop her pero huli na dahil sa nakalmot na ako nito.

Tinignan ko ang braso kong may marka ng kuko niya at unti-unting namumula at medyo dumudugo.

I want to slap her. Gusto ko na gantihan siya sa ginawa niya. Pero I know better, sa oras na pumatol ako sa kanya ay para ko na ring sinasabi na tama iyong sinabi niya.

I won't step down to her level. No.

"Akala ko ay cool na kayo. That you're already over him! Pero iyon pala ay palihim ang pag-landi mo sa kanya! Bitch-"

"I SAID STOP IT!", biglang sigaw ni Chuck na naging dahilan para matahimik si Jasmine. Nakita ko rin ang tinginan ng mga ibang nandito malapit sa'min. Napunta ang tingin ko sa kanya at nakita kong galit na galit ang itsura niya.

Natulala ako. Kitang-kita ko ang paghila niya palabas kay Jasmine at kung paano pumalag si Jasmine dito. She faced me once again.

"Sulutera ka-"

"Shut your pathetic big mouth, woman!"

Napalingon ako sa likuran ko at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si Andrew na pasugod na. Sa likod niya ay si Lucas na sinusubukan siyang pigilan at si Symon na galit din ang itsura.

"Bring her out.", malamig na saad ni Symon.

Hinila ulit ni Chuck si Jasmine palabas. This time ay sumunod na si Jasmine palabas. Nakita ko pa ang matagal na pagtitig niya sa'kin bago sila tuluyang nawala.

Agad namang dumalo ang mga pinsan ko at si Symon sa'kin. Symon immediately hugged me habang naririnig ko ang mga malulutong na mura ni Andrew at ni Lucas.

I want to cry. Pero wala nang luha ang lumalabas sa'kin. I guess I'm just so tired.

Tired of crying. Tired of everything.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon