Chapter 50

3.1K 63 3
                                    

This is the last chapter. Thank you so much for your support! Enjoy reading!

Chapter 50: Greatest Love

Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na akong umiiyak sa dibdib ni Symon. He fetched me. Ngayon ay narito lang siya at tahimik na pinapakinggan ang bawat saloobin ko.

"Natatakot ako.. Alam mo naman ang nangyari kay Mommy at Daddy noon." Saad ko at humikbi. I felt Symon rubbed my back.

"Do you love him?" Tanong niya.

""Oo I love him.. So much.." Saad ko. Nanahimik siya ng ilang sandali bago ko naramdaman ang paghaplos niya ulit sa likod ko.

"Then why don't you give him a chance?" Saad niya. Hindi ako kumibo at mas lalo pang naiyak.

I really really wanted to say yes to his proposal. Pero pinangunahan ako ng takot ko. Takot na baka dumating ang panahon na marealize niya na hindi naman talaga ako ang gusto niya pang habang-buhay. Na baka mapagod siya sa kakasuyo sa'kin dahil sa mga personal issues ko.

Natatakot ako dahil baka magaya kami sa parents ko. At hindi ko kaya iyon. Kung si Daddy noon ay nakaya ang pang-iiwan ni Mommy, ako ay hindi ko makakaya kung sakaling iiwanan ako ni Chuck.

"Ikaw na rin ang nagsabi. You both love each other. So bakit mo pinapahirapan ang sarili mo, Aizelle?" Aniya.

Hindi ako ulit kumibo. I'm thinking about everything he's saying.

"Isipin mo nalang ito, kung hindi ka ba nya talangang mahal aabot kayo sa ganito? Coz I think kung totoo na hindi ka pa niya talaga ganoon kamahal, noong naghiwalay pa lang kayo nagkaroon na siya ng iba. Pero you see.. It's still you. Ikaw pa rin. Hanggang ngayon." Saad ni Symon. "He even proposed to you! He's offering you his name! Hindi pa ba iyon sapat?"

Napaisip ako sa lahat ng sinabi ni Symon. Iyon lang ang naging laman ng isip ko nang mga sumunod na araw. I kept on thinking things. Chuck. Our relationship. His proposal. Everything.

"How are you, sweethear?" Malambing na ngumiti si Daddy sa'kin. Magkasype kami ngayon dahil na rin sa pagkamiss ko sa kanila.

"I'm fine, Dad. Ikaw?" Saad ko at ngumiti. Nakita ko na matagal akong tinignan ni Daddy bago siya sumagot.

"Are you really fine? Tell me, sweetheart."

Nawala na ang tapang na kanina ko pa pinapakita. Napatakip ako sa mukha ko nang magsimula na naman akong umiyak.

"Aiza, anong problema?" Malambing pa rin na saad ni Daddy.

"Dad, Chuck asked me to marry him.." Nagulat ako ng buo iyong lumabas sa bibig ko kahit na umiiyak ako.

Dad didn't speak. He's like waiting for me to continue.

"Nagkaayos na kami. And then noong isang gabi, he proposed to me." Saad ko.

"And I guess you turned down his offer?"

Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahan na tumango. Ang akala ko ay uulanin ako ng tanong ni Daddy dahil doon pero nagulat ako ng isang salita lang ang binitawan niya.

"Why?"

Hindi ako umimik. I wanted to tell him that I'm afraid that we might end up just like him and mom pero pinigilan ko na sabihin iyon. Pero ganun pa man ay nakumpirma pa rin niya na iyon ang dahilan ko.

"Is it about me and your mom?" Aniya. Dahan-dahan ang naging pagtango ko.

"Aizelle, sweetheart. You listen to me okay?" Aniya. Nagsimula na naman akong maiyak sa tono ng boses niya. I missed him! I miss my Dad!

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon