Chapter 8

2.2K 52 1
                                    


Chapter 8: Naisahan

The following weeks ay palagi pa rin kaming nagkikita ni Mommy. Minsan ay kasama si Rafael at Symon pero madalas ay kaming dalawa lang. Sinusulit daw niya iyong mga time na nawala at bumabawi daw siya sa mga past birthday ko na wala siya. Kaya tuwing lumalabas kami ay palagi siyang mayroong binibili sa'kin.

About kay Chuck ay busy siya palagi sa training niya pero palagi pa rin niya akong pinupuntahan sa bahay kapag 'di niya ako nasusundo. Minsan nga nakakaawa dahil minsan gabi na siya nag-a-out tapos ay dito pa siya didiretso para lang magkita kami. Katulad nalang ngayon.

"Chuck!", pinilig ko ang ulo habang natatawa dahil sa pagpapaulan niya ng halik sa'kin.

"Hmm..", marahan niyang saad at naramdaman kong dumampi iyong labi niya sa panga ko. Napapapikit ako at nakagat ang labi ko. Tangina talaga neto! Kapag hindi 'to tumigil ay tyak mahuhuli na kami.

Sunod-sunod ang halik niya bago ito muling bumalik sa labi ko. Hindi na ako nakapagrelamo ng malalalim agad na halik ang ibigay niya sa'kin. Nararamdaman ko pa ang pagngiti niya sa pagitan ng halikan namin.

"Aiza!", biglang mayroong sumigaw mula sa labas ng kwarto ko at agad na kinalabog ang pinto. Napahinto ako sa paghalik kay Chuck at agad siyang naitulak dahilan para malaglag siya sa kama. 

"Tang ina mo Andrew! Fuck you!", sigaw ni Chuck habang tumatayo. Mula sa labas ng pinto ay rinig na rinig namin ang paghagalpak ni Andrew ng tawa.

"Huwag mong patagong tukain ang pinsan ko, gago!", aniya ng tumatawa. "Lumabas na nga kayo. Mga immoral!", kinalabog pa niya ng isang beses ang pinto bago namin narinig na unti-unting nawala ang tawa niya.

Fuck! Nag-iinit ang buong mukha ko. Hindi man nakita ni Andrew na ganoon nga ang ginagawa namin ay pakiramdam ko alam niya na ganoon nga ang ginagawa namin dito. Peste kasi itong si Chuck!

Naramdaman ko ang muling paglakbay ng kamay ni Chuck sa bewang ko. Nang lingunin ko siya umaamba na naman siyang hahalikan ako. Ngumisi ako at agad na sinalo ang mukha niya gamit ang palad ko.

"Stop na nga. Kakahiya kay Andrew!", saad ko at tumayo na. Nakita ko ang bigong mukha niya dahil doon.

"Damn. Miss na miss na kita.", aniya ng seryoso. 

I just stared at him at kitang-kita ko nga ang pagod niya. Mapungay na ang mga mata niya at para na rin siyang inaantok. Ngumiti ako sa kanya at nilapitan siya na ngayon ay nakaupo sa ibabaw ng kama ko. As soon as makalapit ako ay mabilis niyang hinawakan ang bewang ko at hinila ako paupo sa hita niya.

Kinagat ko ang labi ko habang kitang-kita ko ang paninitig niya sa labi ko. Tangina! Kahit kailan talaga ay hindi ako masasanay sa kanya. 

"Aiza, ano ba? Tang ina ang tagal niyo ah?", narinig na naman namin na boses ni Andrew mula sa labas. Kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Chuck nang tumayo na naman ako.

"Sorry, wrong timing ka.", tumawa ako at nagtungo na sa may pinto. Binuksan ko na iyon at naramdaman ko kaagad ang presensya ni Chuck sa likod ko.

"Ano bang problema mo? Nagpuputok na naman ang butchi mo.", saad ko at nilagpasan na ang pinsan kong nakangising aso sa'min.

"Kanina pa kasi tinatawag ayaw magsibaba. Pwede namang ituloy mamaya iyong ginagawa.", bulong-bulong niya.

Napairap nalang ako sa kawalan habang bumababa ng hagdan at kasunod si Chuck. Ang dami talagang sinasabi nitong si Andrew daig pa ang babae!

"Na-iinggit ka no? Di ka pa ba nakaka-score sa nililigawan mo?", narinig ko na saad ni Chuck at agad na natawa. Minura lang siya ni Andrew at kung ano-ano pa ang sinabi. 

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon