Chapter 13

1.8K 42 2
                                    


Chapter 13: Bukam-bibig


"Nakabihis ka, ah. Where are you going?", bungad ni Chuck ng sinagot ang video call.

It's been a week since umalis siya. Everyday pa rin naman kami na nags-skype. Kaso lang kung noon ay every morning at every night ay ngayon ay sa gabi nalang. He's busy with his work kaya hindi siya pwede ng umaga dahil maaga rin ang pasok niya.

Tumango ako at inayos ang suot kong black na dress. Yup, dress.

"I'm going out with our friends, po.", saad ko at dumiretso sa may closet ko.

What shoes should I wear? I'm thinking of wearing pumps para bagay sa suot ko. Kaso nang naisip na hanggang hating gabi kami doon ay naisip ko na it's a bad idea. 

Kinuha ko ang isang plain white sneakers ko doon at lumabas na.

"And you're wearing that?", narinig ko na saad ni Chuck. "Seriously?"

Sinuot ko na iyong sapatos at saka naupo ulit sa upuan sa harap ng laptop ko. Tinaasan ko siya ng kilay at ngayon ko lang napansin na naka-long sleeves pa siya. Gwapo talaga nito! Kakainis ang pagiging gwapo niya, effortless! And his messy hair? Damn!

Tumango ako, "Kasama naman sila Kevin, eh.", paliwanag ko.

Ngumiti ako ng nakita na bahagya pa siyang nag-isip doon. Siguro ay tinitimbang kung papayagan ba niya ako. In the end ay pumayag rin naman siya. If I know ay naibilin niya na ako sa mga kaibigan namin noong bago pa lang siya umalis.

"Vibe me when you got home, okay?", saad niya habang nakikita ko na hinuhubad niya na iyong damit niya.

"I love you."

Ngumiti ako. "I love you too.", at pinatay na ang tawag.

Kasama namin sila Andrew at Lucas sa night out na ito kaya walang naging problema sa'kin ang sasakyan. Habang nasa daan ay inabala ko lang ang sarili ko sa pagti-text sa kila Monica na naroon na raw. They're early.

Nang dumating kami sa bar ay medyo madami na ngang tao. Hindi pa naman ganoon kadilim sa loob since it's just seven pero maingay na doon. The party's starting.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar at namataan agad sila na nasa may isang table hindi kalayuan. Habang naglalakad kami ng mga pinsan ko papunta doon ay marami din kaming nakasalubong na kakilala.

"Andrew! Man, what's up!", narinig ko na sabi noong isa at nakipag high five pa kay Andrew.

I know the guy. He's one of the varsity doon sa college namin noon. Ka-batch din namin siya pero iba ang course niya dahilan para hindi namin siya madalas na makasama sa mga night out namin.

"Leo! Nice seeing you here!", aniya. "I'm with my cousin."

Napunta ang tingin ni Leo sa'kin at nginitian ako. Sinuklian ko ang ngiti niya at nagulat ako ng pati ako ay ambahan niya ng high five.

"Aiza!", bati nito. Tinanggap ko ang kamay niya bago niya binalingan si Lucas at ganoon din ang ginawa.

Naulit ang ganoong eksena bago kami makarating sa table nila Monica. The whole gang is here. Si Chuck lang yata iyong kulang dito, eh.

Kasabay ng pag-upo ko sa tabi ni Klarisse ay mas lumakas iyong music sa buong bar. Naghiyawan iyong mga tao at may iilan pa akong nakita na nagwala na ng pagsayaw sa may dancefloor. Umiling ako at ininom nalang iyong nakahanda na beer sa mesa.

"Don't drink too much, Aiza.", narinig ko na pangaral ng pinsan ko, si Lucas. 

I nodded.

Yup. I get it, okay? Halos lahat ng kasama ko dito ay binilinan ni Chuck na bantayan ako. That guy! Siguro ay iniisip noon na hindi ko kaya ang sarili ko ngayon na wala na siya!

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon