Chapter 32

1.9K 45 5
                                    

Chapter 32: Friend

Sinubukan ko na umakto nang natural sa harapan nila Andrew kinabukasan. They asked me why I left without saying any word last night, sinabi ko na kasama ko si Symon. After that ay hindi na rin sila nagtanong.

I'm thankful of Symon for not telling them what happened. Speaking of him ay nitong umaga lang siya umalis. Ang sabi niya ay may aasikasuhin daw siya pero babalik din kaagad.

After having breakfast with my cousins ay umalis na rin ako ng bahay. Sa Restaurant ang naging diretso ko.

Pagkarating ko doon ay nakitang abala na ang mga empleyado nang dahil sa mga customers. Medyo dumarami na kasi talaga ang kumakain rito. I can't blame them though, hindi dahil sa dito ako nagtatrabaho, pero talagang masarap dito. Iyon nga lang ay medyo mahal - but because of the quality of the product we are serving, marami pa rin ang nagiging customers namin.

"Ma'am, ako na dyan.", ngumiti si Ailene at kinuha iyong mga napagkainan na plato. Hinayaan ko nalang siya na gawin iyon.

Habang minomonitor ang buong restaurant ay kinuha ako ang cellphone ko. I took a picture at agad na sinend iyon kay Symon.

Me: Busy work days!

Nakita ko na online siya at na-seen agad ang message ko. Ilang saglit lang ay nagreply na siya. He sent me a selfie inside his car.

Symon: miss me? I'll be there at around three. Love you.

Ngumisi ako at nagtype agad ng reply ko.

Ako: Yup. Okay. Loveyou too.

Pagkasend ko nang message sa kanya ay ibinulsa ko na rin ang phone ko at dumiretso sa office. I reviewed the sales last week at nag-check rin ng emails.

Pagkatapos noon pinatay ko na rin ang laptop. Lumabas ako muli nang office at agad na nabungaran na papasok si Symon sa pintuan. Agad siyang ngumiti nang nakita ako.

"Akala ko three? Two pa lang ah?", saad ko.

"Walang traffic.", he said at agad akong niyakap.

Mas lalo akong nangiti sa inakto niya. Napangiwi naman ako ng bigla ay guluhin niya ang buhok ko.

"Symon!"

He just laugh bago may inabot sa'kin. Nang tinignan ko iyon ay nakita na pastry iyon mula sa favorite kong bake shop.

"Your welcome, Aiza.", inunahan niya na akong sagutin.

I just smiled at him. I can't express how thankful I am to him. Sobra sobra na ang nagawa niya. Simula nang nasa Paris kami hanggang dito. He's really like an older brother to me.

Nagtagal pa kami ni Symon doon ng ilang oras bago napagdesisyunan na magpunta ng mall. Nagtext kasi si Andrew at pinapapunta kami doon. Andoon rin daw si Lucas kaya baka doon na kami magdinner.

"I'll leave my car here. Iyong sasakyan mo nalang ang dalhin natin.", saad ni Symon nang nasa parking na kami.

Dinala nga namin iyong sasakyan ko. Siya ang nagdrive. Noong dumating kami nang mall ay naroon na nga sila. And I realized kung bakit nagtext si Andrew na pumunta kami doon.

Naabutan namin siyang iritang-irita ang itsura habang nakaupo sa harapan ni Lucas at ni Iea. Sobrang sweet noong dalawa at sa tingin ko ay iyon ang dahilan nang pagkakairita ni Andrew.

"Oh finally, dumating din kayo! What took you so long? Nasa daan ba si Obama? Tss."

Humagalpak kaming dalawa ni Symon habang si Andrew ay tumatayo na sa pwesto niya. Lumipat siya ng upuan at nagsimula nang umorder.

"Hi, Iea!", bati ko sa girlfriend ni Lucas nang naupo sa harap nila.

Ngumiti ito sakin. "Hello. Buti nakapunta kayo."

"Oo nga, hindi rin kasi busy sa trabaho.", saad ko.

Habang pinagmamasdan silang dalawa ni Lucas na sobrang sweet ay hindi ko maiwasan na mag-isip. Napapikit ako ng dahil doon. I should really stop overthinking.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at nagsimula na ring umorder. Hindi rin naman naging matagal ang pag-iintay namin. Nang dumating iyong pagkain ay nagsimula na rin kaming kumain.

"I heard magme-Med school ka?", I asked Iea habang naglalakad na kami palabas ng restaurant.

Tumango siya, "Oo. Ta-try ko lang."

"Diba matagal 'yun?", saad ko at napatingin kay Lucas.

"I can wait.", ani ni Lucas. Nakita ko naman agad ang pagpula ng pisngi ni Iea dahil doon.

Napangiti nalang ako. I'm happy for Lucas, for them. Alam ko na mahal na mahal ni Lucas si Iea and I can see that Iea also feels the same. And I hope that they remain like that for the next coming years.

Pagkatapos namin na kumain ay nagyaya pa ako na mamili nang kaunti. Naglibot-libot kami sa mga boutique doon at panay ang reklamo ni Andrew.

"Here and there. Shit! Papasok kayo dyan pero paglabas walang bitbit. Are you kiddig me?"

Humagalpak ng tawa sina Symon at Lucas samantalang ako ay napairap nalang sa kanya. Ang honest niya talagang masyado. Nakakainis na minsan pero yaan na nga.

"Dito tayo, Iea! Tingin tayo cosmetics!", saad ko at hila papasok si Iea.

Ito ang isa sa mga bagay na natutunan ko sa Paris. I learned how to use these things. And I learned na this is a type of art. Girls put on make ups not to impress boys but to feel confident with themselves- taliwas sa paniniwala ko noon na mga maaarte ang nagme-make up. Cosmetics is somehow a confidence boost used by ladies to improve their self confidence or to express themselves.

"You like this?", tanong ko kay Iea at itinuro ang isang lipstick doon.

Nahihiya siyang tumango. Ngumiti naman ako at ibinigay doon sa saleslady iyong mga kukuhanin namin. Habang inaayos niya iyon at tumingin-tingin pa kami ng ibang cosmetics doon.

"Bagay 'to sayo-"

Naputol ang sinasabi ko kay Iea nang mahagip nang tingin ko iyong kakapasok pa lang ng boutique. Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang magtagpo ang mata namin ni Chuck.

"Oh, you're Chuck's friend right?"

Ha . . . Friend . . .

Napunta ang tingin ko sa babaeng nasa gilid niya. Nanikip ang dibdib ko nang makita doon si Jasmin.

Bago pa ako tuluyan na makasagot sa tanong niya ay naramdaman ko nang may umakbay sa'kin. Nang tiningala ko iyon ay agad na bumungad sa'kin ang madilim na ekspresyon ni Symon.

How he get here? I have no idea.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon