Chapter 14

1.7K 34 2
                                    


Chapter 14: Sumama


Hindi ko alam kung totoo iyong sinabi noong kaibigan ni Symon tungkol sa pag-alis nila ulit pabalik ng Europe. Pero nang nakausap ko si Mommy nang magkita ulit kami ay doon ko nakumpirma na totoo nga iyon. 

Last week ng September dumating sila Mommy at ang sabi niya ay mga third week ng December ang balik nila doon. Siguro ay mga bago mag-Christmas.

"Your Tito Anton is expected us to be there on Christmas. I'm sorry, Aizelle.", ani ni Mommy ng tinanong ko siya kung hindi ba pwede na i-move ng kahit na kaunti ang flight nila. Say, mga after Christmas na sila umalis. Kaso lang ay iyan ang naging sagot niya.

Kung nagiging mas madalas ang pagkikita namin nila Mommy dahil sa nalalapit nilang pag-alis ay mas napapadalas din ang pangungulit ni Chuck sa'kin ng tungkol sa pagreresign ko.

"Babe, it's been weeks. Ano na? Any news about your flight?", aniya at agad kong nahimigan ang pagtatampo sa boses niya ng minsan kaming mag-skype. Nakikita ko mula sa camera na nasa isang kwarto siya. Maybe his office. Ang mokong ay masyado nang bigatin. Mayroon pang sariling opisina!

Ngumuso ako at ibinaon ang mukha sa unan. Nasa bahay kasi ako ngayon dahil day-off ko.

"Sa Monday. Aayusin ko na. Wag ka ng magtampo.", panlalambing. Nakita ko ang pag-irap niya kaya natawa ako.

Miss na miss ko na talaga ang isang 'to. Mabuti na nga lang at naging busy din ako sa trabaho at sa pakikipag catch-up kay Mommy kaya kahit na papaano ay nakakalimutan ko iyon.

Lunes ng umaga ay ginawa ko nga ang ipinangako ko kay Chuck. Maaga agad ako sa office dala dala ang resignation letter ko. Balak ko sana na bukas ay mag-aayos na ako ng papers ko.

"Are you sure, Aiz? Hindi ba sabi mo magtatagal ka dito?", ani ni Monica nang magkausap-usap kami pagdating ko sa office. Hinihintay ko kasi iyong pagdating ni Sir Sullivan para maipasa ko na itong resignation ko.

"Oo. Nangako kasi ako kay Chuck."

Hindi na rin naman nagtagal ang paghihintay ko dahil maya-maya lang ay dumating na rin si Sir. Kasunuran niya ang pagdating noong intern na secretary din yata niya. Palagi kasi silang magkasama.

Naghintay lang ako ng ilang sandali bago ako nagtungo sa office niya. Dumiretso muna ako doon sa may desk sa labas ng office niya bago pumasok.

"May iaabot lang ako kay Sir.", saad ko doon sa babae na naroon. Tumango lang siya bago ako sinamahan.

Nang bumukas ay unang bumungad sa'kin ang medyo malaki niyang office. Nakita ko pa na napatalon iyong babae na kasama niya sa loob bago ito bumalik sa may isang table sa gilid at may kung anong inayos yata doon sa MacBook.

"Goodmorning, Sir.", bati ko. Nakita ko na napunta ang mata niya sa'kin bago ngumiti.

"Come in.", aniya.

Nasa likod ko ang dalawang kamay ko na hawak-hawak iyong resignation letter ko. Kung ako ang tatanungin ay ayoko naman talaga na umalis dito kasi bukod sa magandang kumpanya ito ay ayoko talaga ng papalit-palit ng office kaso lang ay nakapangako na ako kay Chuck.

"Sir, I'll just give this to you.", iniabot ko na iyong resignation letter ko.

Nakita ko na napatitig siya doon bago niya inilapag iyong letter ko sa may lamesa niya. Tapos noon ay tumaas ang tingin niya sa'kin. Hindi ko alam kung may hinihintay siyang sabihin ko pero wala akong masabi. Sigurado na ako sa desisyon ko at hindi na magbabago pa iyon.

Akala ko ay mahihirapan ako sa pagsagot ng kung anong itatanong ni Sir pero nagkamali ako. He just asked me if I'm sure about my decision. Nang sinabi kong oo ay he let me go easily. No further questions asked.

"Your resignation is effective tomorrow.", ngumiti pa siya sa'kin bago ako tuluyang lumabas.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako sa office ni Sir. Phew! Buti ay hindi na siya nagtanong ng kung ano-ano.

Nang araw na iyon ay pumasok pa rin ako sa trabaho kahit na naipasa ko na ang resignation letter ko. Baka siguro bukas nalang ako dadaan dito para kuhanin iyong mga gamit ko. 

"Oh, ano? Kailan ang ayos mo ng papers mo? Mag-jowa talaga kayo! 'Di niyo kayang mabuhay ang isa't-isa!", natatawang saad ni Monica.

Umiling ako at hindi ko maitago ang ngisi ko.

I'll surprise Chuck. Siguradong magbubunyi ang lintik na iyon kapag nasabi ko sa kanya ang balitang ito.

"Don't tell him yet. Ako nang magsasabi kapag naayos ko na lahat.", kinindatan ko silang dalawa.

Nang matapos ang working hours ko ay maaga na din akong umalis sa opisina. May usapan kasi kami ni Mommy na magdi-dinner around Eastwood kaya halos six pa lang ay nasa daan na ako.

Ako:

Mom, on the way na ako. See you po!

Sinend ko na ang text at inabala ang sarili sa panunood ng mga ilaw sa daan. Marami ng mga parol na naka-display hudyat na malapit na talaga ang pasko. Dapat siguro ay mamili na ako ng gifts para kay Mommy at Rafael, nang may maibigay manlang ako sa kanila kahit bago sila umalis.

Maging nang bumaba ako sa may Eastwood ay marami na ring mga Christmas decor. Marami na ring tao. Iba talaga kasi ang pasko dito sa Pinas. Mas masaya kasi kasama iyong buong pamilya.

Dumiretso na ako sa lugar kung saan kami magkikita nila Mommy. Malayo pa lang ay nakikita ko na si Rafael na kumakain ng icecream habang nakikipagtawanan kay Symon. Kasama pala siya?

"Ate!", sigaw ni Rafael agad ng makita ko. Tumakbo siya papunta sa'kin kaya agad kong sinalubong ng yakap.

"Hi, I missed you!", bulong ko at agad na hinalikan ang pisngi niyang namumula-mula pa.

Hawak-hawak ko sa kamay si Rafael ng lumapit kami kila Mommy. Agad ko siyang hinalikan sa pisngi at agad din na binati si Symon.

"Bakit ang dami mo yatang dala? Dapat sinabi mo para nasundo ka ni Symon sa office.", ani ni Mommy ng mapansin ang dalawang bag na dala ko. Dito ko kasi inilagay iyong ibang gamit ko para bukas ay kaunti nalang ang babalikan ko doon.

"Kaya ko naman po.", saad ko. "Mga gamit ko lang ito sa office."

Sumulyap si Mommy sa'kin. Naghihintay pa nang sasabihin ko.

"Nag-resign na po kasi ako.", saad ko.

Nakita ko na nagulat si Mommy sa sinabi ko pero ganun pa man ay wala nang sinabi. She didn't ask me kung ano ang dahilan at kung bakit biglaan.

Tumuloy na kami sa restaurant kung saan mayroong nang reservation si Mommy. Nang nakaupo na kami ay panay ang laro ko sa kapatid ko na medyo naging moreno. Siguro ay nagbabad na naman ito sa init sa kakabasketball.

"Nag-basketball ka na naman ano?", sabi ko sabay kurot ng pisngi niya.

Ngumuso ito. "Yes! Kuya and I played!", aniya at itinuro si Symon.

"Ikaw kaya ang nag-yaya sa'kin! I told you may lakad ako kaso you don't want me to leave!"

Tumatawa ako habang pinapanood ko silang dalawa doon na nagtatalo. Hay, I'll surely miss this boy when they leave.

Maya-maya ay dumating na rin iyong waiter para kuhanin na ang mga orders namin. 

"Beef medallion steak.. Chicken parmigiana.."

Si Mommy ang naging abala sa pag-order doon. Nang makuha na noong waiter ang lahat ng orders ay inulit niya lang iyon ng isang beses bago kami tuluyang iniwanan ulit. Habang naghihintay doon ay nagkukulitan pa rin sila Symon at Rafael, nanonood lang naman ako sa kanila at nangingiti sa kulitan nila, nang biglang nagsalita si Mommy.

"Aizelle, I'm thinking of asking you..", aniya. 

Nilingon ko si Mommy at, "Hmm?", saad ko.

Nakita ko ang pagseseryoso niya kaya ibinaling ko na ang buong atensyon ko sa kanya. She smiled ng isang beses bago ko nakita ang paglambot ng ekspresyon niya.

"Sumama ka sa'min sa Europe."


One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon