Chapter 39

2K 52 2
                                    

Chapter 39: Bakit

"I signed up, Aiza. Di ko lang talaga inexpect na may appointment ako sa mismong araw na iyon."

Linggo ng umaga ng tumawag si Symon sa'kin para i-inform ako sa isang seminar na pinalistahan niya ng pangalan niya. Seminar iyon for young entrepreneurs who're just starting to manage their own business.

"I can go, don't worry. Free din naman ako."

I checked my schedule at nakita naman na free ako sa mismong araw ng event. So I volunteered to go to be his representative.

"Thank you so much, Aiza. I owe you this," I heard him chuckled. "Sige na, bye na. I just called para sabihin sayo."

Tumango ako. "Sige, ingat kayo ng mga pinsan mo sa byahe."

"Okay. I love you. Take care too.", hindi ko napigilan na mapangisi sa ka-sweetan niya.

Ibinaba na rin niya ang tawag at nanatili ang ngiti ko. I never really imagined myself having a brother older than me, pero look at it now. May mga younger brothers ako may older pa!

Inabala ko ang mga sumunod na araw sa trabaho. Aside from office works ay naging mas abala ako sa pagtulong sa kitchen. It's also the time of the year kung saan nagkakaroon kami ng mga taste-test ng mga pwedeng idagdag sa menu at iyong mga pwedeng alisin.

"Oh? Bakit bihis na bihis ka?", ani ni Andrew. Sababo ng umaga, araw ng pagpunta ko sa seminar.

"May pupuntahan akong seminar, e."

Tumango ang pinsan ko sa'kin bago siya dumiretso sa baba. We ate breakfast together bago ako umalis.

The seminar would took place in a hotel. Medyo malayo iyon at alam ko na may possibility na matraffic ako kaya inagahan ko talaga ang alis ko sa bahay. Nang dumating ako doon ay mayroon pang fifteen minutes. Mabuti nalang talaga at maaga ako.

Dumiretso na ako sa hall kung saan ang magaganap ang seminar. Pagkatarating ko doon ay medyo marami ng tao. I even saw familiar faces na nakikita ko sa mga magazines and newspapers.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. I don't know kung ilan ang mga dadalo rito pero sa luwang ng venue ay sa tingin ko malaki ang capacity nito.

"Ma'am, would you like some refreshments ?"

Nilingon ko agad ang nagsalita sa likuran ko at agad na nakita ang isang waiter doon na may dala-dalang mga inumin. Ngumiti ako bago kumuha ng isa doon.

"Thank you."

Umalis na rin ang waiter kaya naglakad na muli ako patungo sa mga table na nakahanda roon para sa mga panauhin. I took out my invitation at binasa ang assigned table na para kay Symon.

Number 13 ang table niya so I walked towards that table at agad ng naupo. Noong umupo ako ay wala pang naroon pero ilang minuto pagkatapos ko na maupo ay isa-isa na rin na napuno ang lamesa.

"Hello there, pretty lady."

Lumingon ako sa nasa gilid ko at nakita ang isang mukhang foreigner na lalaki. I don't want to be rude pero hindi ko rin naman gusto ang kausapin siya, sa huli ay mas pinili ko na lang ang ngumiti.

Sa buong lamesa ay mayroong anim na upuan. Two boys are already seated at tatlo naman kaming babae na narito. The seat beside my right side is vacant.

"So, ano ang business na pinapatakbo mo?"

Iyon ang usapan sa lamesa namin. We don't know each other pero syempre alangan naman ay hindi kami mag-usap usap.

"Our family owns this particular clothing line.", ngumiti iyong mestiza at mukang sopistikadang babae na kasamahan namin sa table.

"Mine's winery. I inherited that from my grandfather.", ani naman noong foreigner na kumausap sa'kin kanina.

Pagkatapos niyang magsalita ay bumaling siya sa'kin. Nakita ko na ganoon rin ang ginawa noong ibang nasa table.

I cleared my throat. Handa na sana akong magsalita ng biglang naramdaman ko na may humawak sa may likuran ko.

"Sorry, I'm late.", may bumulong pa.

Agad na nagtaasan ang balahibo ko at agad na nagwala ang puso ko ng makilala ang boses ng bumulong sa'kin. Para lang makumpirma ko ang hinala ko ay agad akong lumingon sa kanya. Nakita kong nauupo na siya sa bakanteng upuan sa gilid ko habang inaayos ang pagkakabutones ng coat niya.

Nang magtama ang tingin namin ay halos manlaki ang mata ko ng ngumiti siya pagkatapos ay bumaling sa mga kasamahan namin sa table.

"Sorry, I'm late.", pag-uulit niya sa binulong niya sa'kin kanina.

Pilit ko na kinalma ang sarili ko. Paulit-ulit ko na tinatanong sa sarili ko kung bakit siya nandito. Pero narealize ko na - of course! He would be here! Sa pagkakabalita ko kasi ay siya na ang halos namamahala ng negosyo ng pamilya nila.

"Chuck? Chuck Jimenez?"

Lumingon agad ako sa babaeng nagsalita. It was the same mestiza girl. She's sitting beside Chuck.

"Yes.", ani ni Chuck.

Nagkwentuhan ulit sila doon about their career. Wala namang kakaiba, sa'kin lang parang mayroon. Naiinis ako sa mga babaeng kasamahan namin sa table. Daig pa kasi ang reporter dahil hindi mawalan ng tanong!

"How about you? What's your business?", nawala ang atensyon ko sa pakikinig sa usapan nila Chuck ng may bumulong sa'kin. Nilingon ko iyon at nakita ang nakangiting mukha noong foreigner. Bumaba ang tingin ko sa may balikat niya at nakita ang nameplate niya na naroon.

'Brent' Iyon ang nakalagay sa nameplate na suot niya.

"That.. I'm just here to represent my step-brother," saad ko. "Symon. Symon Sevilla."

Nakita ko napa-O ang bibig niya bago siya sunod-sunod na tumango.

"So, what business is he in? I heard their family owns different types of businesses. Hotels, resorts and restaurant."

Tumango ako at medyo nakipag-kwentuhan na sa kay Brent. I learned na hindi naman pala siya ganoon nakakailang kakwentuhan. He even offered me na su-supply-an niya ng wine ang Olíve. Syempre ay sinabi ko na ipapaalam ko pa sa kay Symon.

"I'll personally deliver the wines you're going to order.", tumawa si Brent ng dahil sa sinasabi. "I want to see the place you're working!", ani pa nito.

Tunango-tango ako. I think he's being friendly. Pagkakita namin ni Symon ay babanggitin ko ang tungkol dito sa kanya.

Maya-maya ay natigil na rin ang pagkukwentuhan namin ng dahil sa nagsalita na iyong host ng seminar. Sinabi na i-turn off na ang mga phones at magstart na.

May nagsasalita roon sa harap ng magsalita ulit si Brent, pero dahil sa malakas na sounds noong mic ay medyo hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Ha?", saad ko.

Ngumiti siya at bahagyang lumapit sa'kin. Bago pa ako makaiwas ay naramdaman ko na ang bibig niya sa tainga ko.

"I said, can we have lunch together after this?", aniya bago lumayo sa'kin.

Hindi ko alam kung ugali kung bakit pero kaagad akong napalingon kay Chuck matapos noon. Nagwala ang puso ko ng sobra ng makita ko ang galit na itsura ni Chuck.

Nag-iigting ang panga niya at diretso ang tingin sa'kin.

Is he mad? Kung oo, bakit?

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon