Chapter 47

2.3K 53 1
                                    

Chapter 47: Beg

Habang kumakain kami ni Chuck ay ngiti lang siya ng ngiti na animo'y kung ano ang nakakatawa. Ako naman binabaling nalang ang inis ko sa pagkain na nasa harapan ko.

Nakakainis kasi alam mo 'yun? Yung umaasa ka na marinig iyong isang bagay pero hindi mo narinig? Kakabanas diba?

Katulad ng sinabi ni Chuck ay idinaan niya ako sa trabaho ko pagkatapos. Ang akala ko nga ay aalis na rin siya pagkatapos pero nagulat ako ng sumunod pa siya sa'kin hanggang sa nasa office na ako.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay habang inaayos ang gamit ko. Wala kasing masyadong office work kaya sa kitchen ako mamamalagi.

"Ang sungit naman." Aniya, nang-aasar pa rin. "What's with you?"

Halos murahin ko na siya sa sinabi niya. Seriously, he's asking me that? Hindi ko alam kung clueless ba talaga siya o nananadya lang talaga.

"Ano pa bang ginagawa mo rito?" Saad ako habang lumalabas na ulit para pumunta sa kitchen.

Itinali ko ang buhok ko at ramdam na ramdam ko ang pagtingin niya sa'kin habang ginagawa ko iyon. Sinulyapan ko lang siya ng isang beses bago ako dumiretso ng kitchen. Nagulat ako kasi hanggang doon ay sumunod siya.

"I'll be your helper today." Saad niya na nakapagpataas na naman sa kilay ko.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Iniisip ko na kung paano ko siya papahirapan. Nangiti ako sa plano ko at pinagsuot na siya ng apron. Pero nang makita ko ang halos panghahaba ng leeg ng ilang babaeng staff na narito dahil sa pagsulyap kay Chuck na ngayon ay pawis na at seryoso sa binigay kong trabaho ay halos malamutak ko ang hinihiwa kong repolyo.

"Chuck! Halika nga rito!" Tawag ko sa kanya. Tumaas ang tingin niya sa'kin at saglit na iniwan iyong ginagawa niya para lumapit sa pwesto ko.

"Yan. Balatan mo nalang." Saad ko at itinuro ang ilang gulay na naroon. Ngumisi ako ng sinunod niya ng walang reklamo ang sinabi ko.

Much better!

Hinayaan ko siya roon sa ginagawa niya habang tinutulungan ko naman si Tristan. Isa siya sa head chef rito. Halos kaidaran ko lang kaya medyo nagkakasundo kami.

"Tikman mo nga." Aniya at nilapit ang kutsara sa bibig ko. Sinunod ko ang sinabi niya.

"Mm. Sarap nyan ah!" Nakatawang saad ko. Tumawa rin si Tristan pero agad na naputol iyon ng may biglang tumikhim sa likuran namin.

"Aiza, halika nga rito!" Boses iyon ni Chuck. Nilingon ko siya at nakita ang magkasalubong niyang kilay habang titig na titig sa'kin.

Lumapit ako sa kanya ay kunot pa rin ang noo niya. Oh anong problema ng gwapong ito!?

"Punasan mo pawis ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano raw?

"Huh?"

"Papunas kako. Nang pawis." Aniya mas lalong malakas. Napansin ko tuloy ang pagtinginan sa'min ng mga narito.

Agad na nag-init ang mukha ko sa sinasabi niya! Pwede niya naman iyong gawin ah? Bakit ako pa?

"Ano ba, Aiza? Ayaw mo ba?" Aniya at lumingon doon sa may likuran. Tumingin siya doon sa kaninang mga babae na halos mabali ang leeg sa pagsulyap sulyap sa kanya.

Wag niyang sabihing...

"Rona, pakuha naman ng towel." Malambing na saad ni Chuck.

Nalaglag ang panga ko at umulan ng mura sa isipan ko. Kitang-kita ko pa ang pagpapanic ni Rona sa sinabi ni Chuck. Ilang saglit siyang nawala at pagbalik niya ay may dala na siyang towel. Lumapit siya kay Chuck pero bago pa man niya mapunasan si Chuck ay agad na akong umeksena.

"Ako na dyan, Rona. Balik ka na sa ginagawa mo." Matalim kong saad.

Nakita ko ang bigo niyang ekspresyon ng inilahad ang towel na kinuha niya pa sa labas para kay Chuck. Nilingon ko naman ang lalaking ito at nakita ang evil smirk niya na medyo matagal kong hindi nakita.

He's playing with me! Bakit ko ba iyon hindi narealize agad?

"Thank you so much, Aiza." Nakangiti niyang nakakaloko na saad. Inirapan ko lang siya at ibanalik na ang atensyon ko sa ginagawa ko.

Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko pa rin si Chuck at nag-iinit ang mukha ko kapag nahuhuli ko na bago pa ako tumingin sa kanya ay nakatitig na siya sa'kin. Umiling nalang ako at nagfocus sa ginagawa ko.

Pagkatapos kong maghiwa ay pumunta ulit ako sa may stove para i-check ang ginagawa ni Tristan. Nang naamoy ko iyong niluluto niya ay  hindi ko napigilan na mag-komento.

"Sarap naman nyan." Saad ko. "Tapos na ba?"

Tumango siya at binalingan ako. "Yup. Tikman mo?"

Kumuha ako agad ng kutsara na nasa gilid ko ay kumuha roon sa niluto niya. Tinikman ko iyon at hindi ko maipagkakaila na talagang masarap nga.

"Anong lasa?" Aniya.

Muli ay kumuha ako ng kaunti at inilapit iyon sa bibig niya. Agad niyang sinubo ang kutsarang hawak ko.

"Ayos." Aniya. Tumawa ako at sinulyapan naman iyong nasa isang stove. Sa tingin ko ay luto na rin iyon. Magtatanong sana ako sa kanya kung pwedeng matikman iyon ng biglang may humatak sa braso ko.

Nilingon ko iyon ay tanging likod lang ni Chuck ang nakikita ko. Kasalukuyan niya akong kinakaladkad palabas ng kitchen at hanggang sa loob ng office. Nang makapasok ay agad niya akong isinandal sa pintuan at agad na nagmura roon ng kung anu-ano.

"What's your problem?" Kinakabahang saad ko. Napasinghap ako ng inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa gilid ko, tila ba ikinikulong ako. Mas lalo akong napasinghap ng inilapit niya ang sarili niya sa'kin.

"You really are asking me that?" Walang bakas ng tuwa sa boses niya. Nagsimula na akong kabahan.

"Really, Aiza?"

Halos mapapikit ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. Tangina!

"O-Oo!" Nagawa ko pang sumagot! Imbes na lumayo siya ay mas lalo akong naghuramentado ng mas ilapit niya ang sarili niya sa'kin.

Lord, helpppp!

Naramdaman ko ang hininga niya na bumababa sa pisngi ko. Sa leeg ko. Tapos pabalik sa tainga ko. Shit!?

"C-Chuck.." Jusko, tigilan mo na 'to!

"Oh?"

Napapikit ako ng maramdaman ko ang labi niya na dumadampi sa pisngi ko. Shucks! Tangina!

Is he going to kiss me!?!

Nakapikit ako at naghihintay ng halik niya pero parang na-disappoint ako ng unti-unti kong naramdaman ang paglayo niya sa'kin. Nakaramdaman ako ng hiya noong dumilat ako at naabutan ko siyang nakangisi habang tinitignan ako.

"Fuck.." Mahinang mura ko na narinig pa rin niya.

"Yeah.. Fuck." Nakangising saad niya.

Halos lumabas ako ng opisina ko sa kahihiyan. He saw me almost ready to be kissed by him! Tangina, nakakahiya!

"Do you want me to kiss you?" Nanunuyang saad niya na nagpataas ng balahibo ko sa batok.

Talaga bang kailangan na itanong!?

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at umayos ng tayo. This is embarrassing! I am embarrassing!

"Umalis ka na nga!" Saad ko at tinalikuran siya. Bubuksan ko na sana ang pintuan para makalabas at makatakas sa kahihiyan pero bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa magkabila kong braso.

Pumiglas agad ako pero....

"I will never kiss you..." Mahinang bulong niya. "Unless you beg me to."

TANGINA!? Halos magdugo na ang labi ko sa pagkakagat ko rito!

"And please.. Stop making me jealous or I'll really kiss you even if you don't beg. Do you understand?"

Para akong aso na napatango nalang sa sinabi niya. Tulala ako pero ang tanging tumatakbo sa isip ko ay,

Paano ko kaya siya mapapagselos?

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon