Chapter 7

2.1K 55 1
                                    


Chapter 7: Happy


"You'll meet her today?", napanguso ako at tumango sa tanong ni Klarisse kahit na ang buong atensyon ko ay nasa phone na hawak ko. 

Chuck:

What time kayo mag-mimeet? Shall I fetch you?

Tumingin ako sa wrist watch ko at agad nakita na magfa-five na ng hapon. Hindi pa niya out kaya paano niya ako masusundo? Silly.

Ako:

You have training until eight diba? I'll just text you when we're done. 

Binasa ko ulit iyong text ko kay Chuck bago iyon tuluyang isinend. Pagkatapos noon ay tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko na iuuwi ko sa bahay para doon sa trabaho ko. Pati ang cellphone ko ay inilagay ko na rin sa bag. 

Mom and I are going to meet today. Siya iyong nagyaya kung pwede daw ba kaming mag-dinner tonight or maybe magshopping. Wala naman akong nakikitang masama kaya pumayag na ako. Maybe this is her way of catching up, ayon kay Chuck.

"Aalis na ako.", paalam ko sa mga kaibigan ko at tumayo na. I just kissed their cheeks bago umalis sa office. 

Bumaba na ako at napagdesisyunan na magta-taxi nalang papunta sa pinagkasunduan namin ni Mommy na magkikita. Habang nasa loob ng taxi ay doon ko lang tinignan ulit ang phone ko na mayroong dalawang text. Iyong isa ay galing kay Chuck at iyong isa ay kay Mommy. Una kong binuksan iyong kay Chuck.

Chuck:

Yup. Pero baka mapaaga. My mentor's in a hurry or something. Text me when you're done. Enjoy the night. I love you so much. :)

Nag-tipa ako kaagad ng reply sa kay Chuck at hindi ko maiwasan na hindi mapangiti habang nagta-type.

Ako:

Alright. Enjoy sa training! Listen to your mentor well. I love you. :)

Nang maisend ko na iyong reply ko ay saka ko binuksan iyong text ni Mommy na nagsasabi na nasa mall na raw siya at hinihintay ako. Agad akong nakaramdam ng hiya at agad nagtype ng reply sa kanya.

Ako:

Sorry, po. Late ako nakapag-out sa work. I'll be there in fifteen.

Ibinaba ko na rin pagkatapos ang phone ko. Inabala ko nalang ang sarili ko sa mga tanawin sa labas habang nasa byahe. Buti nalang ay medyo hindi traffic kaya mabilis akong nakarating sa mall.

Halos tumakbo ako papunta sa mall at sa lugar kung saan kami magkikita ni Mommy. Nang mamataan ko siya sa loob ng restaurant na nakaupo at may kausap sa phone ay nakahinga na ako ng maluwag. Pumasok na ako agad sa loob at nakita niya naman ako kaagad.

"She's here, Sy.", aniya doon sa kausap niya. Ngumiti siya sa'kin at agad inilahad iyong upuan sa harap niya. 

"Yes. I'll call kapag magpapasundo na ako. Thank you. And take your meds, alright?"

Nakikinig lang ako sa usapan nila noong kausap niya sa phone. Sino kaya iyon? Iyong asawa niya?

Nang ibinaba niya ang phone niya ay agad siyang humingi ng pasensya dahil doon. 

"I'm sorry about that.", aniya na agad kong tinanguan at sinabing okay lang.

Nagtawag siya ng waiter at agad na umorder ng mga pagkain kahit na sinabi ko naman din sa kanya na hindi ako nagugutom. Nakapag-snacks kasi ako kanina sa office bago ako mag-out.

"I ordered your favorite foods.", aniya at agad kong nakita iyong mga inilalapag na pagkain ng waiter. Adobo, sweet and sour fish, at kung anu-ano pa.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon