Chapter 17

1.7K 38 2
                                    

Chapter 17: Issues

Nang mga sumunod na araw ay palagi kaming namamasyal. Well ako lang, sinasamahan lang ako ni Symon at Rafael. Hindi nakakasama si Mommy at Tito Anton sa mga pamamasyal namin dahil busy sila parehas.

Ngayon ko lang rin kasi nalaman na may sarili pala silang negosyo dito. Pamana daw noong parents ni Tito Anton. It's a restaurant na sila ni Mommy ang nagmamanage.

"Matagal na kayo ni Chuck?", nagulat ako ng nagtanong si Symon. Nakaupo siya sa tabi ko. Nandito kami sa park at nagpapalipas ng oras.

Tumango ako. "Matagal na kaming magkakilala. Simula first year college. Pero one year palang kaming mag-on."

Ang akala ko ay hindi na muling magtatanong si Symon pero nagulat ako ng masundan pa ang mga tanong niya. Di naman ako naiilang magkwento so I answered all his questions. Hindi ko nga namalayan na nakangiti na pala ako habang nagkukwento sakanya, e. It's just so good to remember kung paano kami nagsimulang dalawa ni Chuck. As bestfriends.

"Does he know that you're here?"

Doon ako napaseryoso. Marahan akong umiling. Ilang araw na rin akong nandito at hindi ko alam kung magiging masaya ba ako na hindi siya nakakahalata na nasa ibang lugar ako. Puro iyong tungkol lang sa papeles ko ang tinatanong niya na lagi kong nagagawan ng palusot.

"I'll tell him. Naghahanap lang ako ng tyempo.", saad ko. Pero ang totoo ay hindi ko na alam kung kailan ko talaga masasabi. Palagi kasing natatapos ang pag-uusap namin ng naiirita siya dahil ang bagal daw ng sistema.

Habang tumatagal ay mas lalo akong nahihirapan na magsinungaling. Nang hindi ko na kaya ang mga pagpapalusot ko ay ako na mismo ang nagchat kaagad sa kanya na magchat kami agad pagkauwi niya.

Buong araw ang kaba ko hanggang sa narinig ko na ang pag-ring ng phone ko. Nang makita ang pangalan niya ay mas lalo akong kinabahan. Matagal kong pinraktis kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat pero sobrang kaba pa rin ang nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag niya.

"When do you fucking plan to tell me that you're in Europe?", mariin nyang tanong pagkabungad ko sa video. Seryoso ang mukha nya at kitang-kita ko ang frustration sa mukha nya.

Kumalabog ng husto ang puso ko. Fuck! Paano niya nalaman 'to?

Kinalma ko ang sarili ko bago nagsalita.

"I'm s-sorry. Sasabihin ko naman-"

"Kelan, huh? Kapag nakauwi na ako ng Pilipinas? Kapag nag-resign na ako dito kasi wala ka pa?", galit nyang saad. Kitang-kita ko ang pamumula ng mata niya. Napapikit ako ng mariin.

"Chuck! I'm sorry, okay? I lied.. Pero kasi alam ko na hindi ka papayag."

"Talagang hindi kasi napag-usapan na natin lahat ng plano! Why suddenly change our plans, Aizelle?!", iritado nyang sigaw at inis na nasabunutan ang sarili. "At nagsinungaling ka sa'kin! Ilang beses, Aiza! Ilang beses mo akong niloko. Tangina!"

Tinitigan ko sya mula sa monitor at kitang-kita ko ang pagkakabadtrip nya ng husto.

"I wanna be with my Mom, Chuck.", I honestly told him.

"And you don't wanna be with me? Is that it?", galit nyang sigaw.

Sa sinabi nyang iyon ay nabadtrip na akong bigla. Alam ko na may kasalanan ako kasi itinago ko sa kanya ito. Pero ang papiliin ako ay hindi ko matanggap.

"Are you asking me to choose?", mariin kong saad. Nakita ko mas lalo lang nairita ang mukha nya.

"Oh fuck!", mura ko ng hindi sya magsalita. "Of all people ikaw ang pinaka may alam kung gaano ako nanabik kay Mommy, Chuck. Alam mo iyon!"

"Alam ko! Pero napag-usapan na natin lahat ng plano, Aiza! The plan is you're going here not in Europe! The plan is you're going to be with me!"

I can't believe him. I can't believe na nagtatalo kami ng dahil dito. I get it kung bakit sya galit. I lied. Pero he sound like he's asking me to choose. Leave me Mom and be with him.

"Alam mo ang childish mo!", irita kong sigaw. "This is my Mom, Chuck! Can't you undertand that?!", nanggagalaiti kong sigaw. Sa sobrang inis ko ay pakiramdam ko maiiyak na ako.

"I can't understand any damn thing!", aniya at narinig ko na pinalo nya iyong pinagpapatungan ng laptop nya. Rinig na rinig ko iyon at siguradong nasaktan siya dahil sa lakas noon. Pero hindi siya nagreklamo.

"That was it!", sigaw ko. "Kung hindi mo kayang intindihin itong desisyon ko, maghiwalay na lang tayo. You're so childish! You're so selfish! Sarili mo lang iyong iniisip mo! You only want everything for yourself!", sigaw ko sabay patay ng videocall.

Pagkapatay noon ay bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig ang kamay ko at gusto ko na tawagan ulit sya para bawiin ang sinabi ko pero hindi ko ginawa.

Of all the people ay siya pa iyong hindi makaintindi sa'kin. Naiiyak ako dahil buong akala ko ay maiintindihan niya kung bakit ako nandito, pero iyon pala ay hindi.

Kung hindi nya matanggap ang mga desisyon ko para sa pamilya ko ay mas mabuti pa na wag muna kaming mag-usap. And besides, he should just focus on his work.

Alam ko na noon pa lang ay masyado na syang possessive sa'kin. Inintindi ko iyon dahil mahal ko rin sya. Pero minsan pala nakakasakal na din. Iyong tipong nakakapagod kasi parang sayo lang umiikot ang mundo niya. I think it's not good. I think it's dangerous.

Nang araw na iyon ay nagkulong ako sa kwarto ko. Panay ang ring ng phone ko dahil sa mga tawag ni Chuck pero hindi ko sinasagot. Hindi pa humuhupa ang galit ko at kung kakausapin ko siya ngayon ay magtatalo lang kami.

Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay tumigil na sa pagtunog ang cellphone ko. Tumigil na siya sa pagtawag. Alam niya na hindi pa niya ako makakausap.

Nang sumapit ang gabi ay hindi pa rin ako lumalabas. Nasa kwarto pa rin ako at nakahiga lang. Sobrang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay dahil iyon sa pag-iyak ko kanina.

Nakahiga ako at nag-iisip ng marinig ko na mayroong kumatok sa pinto ko. Mabigat man ang katawan ay bumangon pa rin ako at inayos ang sarili ko.

"Pasok!"

Bumukas ang pintuan at nagulat ako ng iniluwa noon si Symon. Mayroon siyang dalang plato at isang baso ng tubig. Mapanuring mata niya ang kaagad na sumalubong sa'kin. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"I brought you some foods. Hindi ka lumalabas e. Mabuti nalang wala sila Mommy.", makahulugang sabi niya habang inilalagay iyong pagkain sa may ibabaw noong study table.

Ang akala ko ay aalis na sya pagkatapos na gawin iyon pero nagulat ako ng bahagya siyang lumapit hanggang sa nasa may dulo na siya noong kama ko. Nagulat ako ng maupo siya doon.

"I heard you a while ago.", saad niya. "Nag-away kayo?"

Pumikit ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Marahan nalang akong tumango.

"Pag-usapan niyo 'yan. You two should talk to settle your issues. Wag pabigla-bigla."

Nagtagal pa si Symon doon ng ilang sandali bago niya ako iniwan. Sinulyapan ko pa iyong dinala nyang pagkain at nakita ko na mayroon pa siyang iniwan na gamot para sa sakit ng ulo.

I smiled. He's right. Hindi dapat ako pabigla-bigla. Oo galit ako kay Chuck kasi pinapapili niya ako. Pero hindi naman masusolusyonan ang pag-aaway namin na ito kung idadaan ko lang lahat sa pakikipaghiwalay o sa pagii-snob ng mga tawag niya o sa hindi pakikipag-usap sa kanya. It can't be solve like that.

So tomorrow, ako na mismo ang tatawag sa kanya.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon