Chapter 3

2.6K 55 0
                                    


Chapter 3: She's my Mother


Tulala ako sa loob ng sasakyan ni Chuck at tahimik lang din naman siya. Nakasandal ang ulo ko sa upuan at pinagmamasdan ang mga ilaw na nadadaanan namin. 

I still can't believe what had happened a while ago. Alam ko, I haven't seen her for such a long time. Pero hindi ako pwede na magkamali. Siya iyon.. I can't be wrong... Kasi kahit na hindi ko tanggap sa sarili ko ay alam na alam ko pa rin ang hitsura niya dahil... magkahawig kami.. I can see myself in her kaya alam ko na siya iyon kahit na medyo tumanda ang itsura niya ay alam ko na siya iyon.

"Are you sleepy?", narinig ko na tanong ni Chuck. Umiling ako at agad na napansin ang dinadaan namin. Hindi ito ang daan papunta sa bahay namin.

"Saan tayo?", tanong ko.

"I can't left you all alone. Sa bahay ka muna magstay..", aniya at nakita ko na iniliko niya ang manibela.

Gusto ko man na magprotesta ay hindi ko na ginawa. Alam ko na pag sa bahay namin ako dumiretso at umuwi ay mas lalo ko lang siya maaalala. Kuya Marco's still on vacation with Francesca. Si Lucas at Andrew naman ay umuwi sa San Miguel at baka sa isang araw pa ang balik. So totally, mag-isa nga lang talaga ako doon.

Hindi na ako muli nagsalita at inabala na lang ulit ang sarili sa tanawin sa labas. Maya-maya ay naramdaman ko na huminto na ang sasakyan namin. Nang tinignan ko kung nasaan kami ay nakita ko na nasa bahay na kami nila Chuck.

"Let's go.", ngiti niya sa'kin at nauna na siyang lumabas. 

Bumaba na din ako at naglakad palapit sa kanya. Nagulat ako ng mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. He intertwined his fingers into mine. Hindi ko napigilan at napangiti ako. It's like after all what happened a while ago, siya lang ang makakapagpakalma at makakapagpa-ayos ng pakiramdam ko. I know it sounds corny pero iyon ang totoo.

We entered their house at agad kaming sinalubong ng maid nila na agad na tinanong kung kakain daw ba kami dahil maghahanda sila ng food.

"Hindi na po.", sagot ni Chuck. "Si Mommy?", aniya.

"Umalis po, Sir. Mamaya pa yata ang balik.", sagot noong katulong bago kami iniwanan.

Umakyat na din kami ni Chuck sa kwarto niya matapos noon. I took of my shoes as soon as makarating kami sa kwarto niya. Sumampa na ako sa kama at nahiga doon. I don't want to tell him pero I love the smell of his bedsheets. Sobrang kaamoy niya kasi.

"Mahiga ka maayos.", narinig ko na saad niya habang nakapikit ako. I'm too tired to even move kaya hindi ako kumilos. Maya-maya ay naramdaman ko na kinumutan niya ako gamit iyong comforter. I opened my eyes.

"Thank you..", I told him. Nakita ko na nagbibihis na siya. He  smiled at me tapos ay mabilis na tumabi sa'kin pagkatapos niya na magpalit ng damit.

He also covered himself with comforter at kaagad ko na naramdaman ang pagyakap niya sa'kin. He pulled me so close with him na halos magkadikit na magkadikit na kami. Sa ilang ay mabilis ko siyang pinalo.

"Ouch! What?", reklamo niya.

"Chansing ka kasi, eh.", saad ko. "Layo. Layo kaunti!", tulak ko sa kanya pero nanatiling mahigpit ang yakap niya sa'kin. Napairap nalang ako at hinayaan na siya.

We remained like that for some minutes hanggang sa narinig ko siyang magsalita.

"Are you okay now?", tanong niya. Pumikit ako at siniksik ko ang sarili ko sa kanya. I nodded.

Hindi na siya sumagot pagkatapos noon. Naramdaman ko nalang na mas hinigpitan niya ang yakap niya sa'kin. Ang akala ko ay nakatulog na siya kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob magkwento.

"The woman a while ago.. She's my Mother.", saad ko. "Akala ko okay na ko.. It's been a long time.. Akala ko wala na kong mararamdaman kapag nagkita kami pero I was wrong.. Tanggap ko na naman.. Kaso masakit pa rin..", nabasag ang boses ko at hindi ko napigilan at naiyak na naman ako. That's when I felt Chuck hugged me even tighter. Mas lalo akong naiyak nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko. He kissed my head.

"Shh. It's alright.. I'm here..", he keeps whispering. 

Hindi ko alam paano ako nakatulog nang gabing iyon. When I woke up the next morning, mag-isa nalang ako sa kama. Bumangon na ako at nakita na mag-isa nalang ako sa kwarto. Inipitan ko lang iyong buhok ko bago ako nagtungo sa bathroom. I brushed my teeth at naghilamos na din. After that ay lumabas na din ako. I was about to open the door para makababa para hanapin si Chuck ay saka naman ito saktong bumukas. Bumungad siya sa'kin at agad ko na nakita na may dala siyang tray na mayroong mga pagkain.

"Goodmorning, babe!", aniya bago ako mabilis na hinalikan sa lips. "Breakfast?" aniya at naglakad papunta sa kama at ibinaba iyong tray na hawak niya sa ibabaw noon.

"Bakit nagdala ka pa nyan dito? Pwede naman na sa baba nalang.", I told him at lumapit na doon sa kanya.

"Mom insisted. Sabi ko kasi ay masama ang pakiramdam mo.", aniya at naupo na sa ibabaw ng kama. Nang makalapit ako sa kanya ay nagulat at napatili ako nang mabilis niya akong hilahin paupo sa lap niya.

"Huy! Baka makita tayo ni Tita!", suway ko sabay kurot sa kanya.

Hinuli niya ang kamay ko at mabilis iyong hinalikan.

"How many times do I have to tell you? Call her Mom!", kunwaring nagtatampo na saad niya. Dinilaan ko nalang siya sabay inirapan.

We were in that position ng biglang bumukas iyong pinto at iluwa si Tita Olga. Agad kong nakita na nanlaki ang mata niya sa dinatnang itsura namin ni Chuck kaya mabilis akong tumayo at nahihiya siyang hinarap.

"G-Goodmorning po, Tita!", saad ko. Nakita ko na napangiti siya sa inakto ko. Tangina! Nakakahiya talaga 'tong si Chuck kahit kailan!

"Good Morning, Hija!", nakangiting bati ni Tita Olga sa'kin. "Okay ka na ba? Brandon told me you're not feeling well.", aniya at agad akong dinaluhan. Nagulat ako ng mabilis niyang inilagay ang likod ng kamay niya sa noo ko.

"You don't have fever naman.", aniya at muli nang lumayo sa'kin.

"Should I call an OB for you?", nakangiting saad niya. Saglit akong natulala at napanganga sa sinabi niya? 

What?

"Ma!", sigaw ni Chuck na may halong tawa. "Okay na siya! Sige na!", ani nito nang natatawa pa rin bago hinila palabas si Tita Olga. 

"I'm just asking! Ano ka ba Brandon!", narinig ko saad ni Tita habang palabas. "You know you're an only child! We're old enough and we already want a grandchild from you!", saad pa nito hanggang sa tuluyan na siyang makalabas.

Naririnig ko pa ang tawa ni Chuck noong bumalik siya at muling naupo sa ibabaw ng kama. Kinuha niya iyong plate na may kanin at agad na nilagyan noong ulam tapos ay iniabot sa'kin.

"Kain ka na.", aniya ng natatawa pa rin. Ramdam na ramdam ko ang pamumula at pag-iinit ng pisngi ko sa nangyari kanina. Sa irita ko at ilang ko ay hinampas ko kaagad ang braso niya.

"Kainis ka talaga! Ano'ng sinasabi mo kay Tita Olga, Ha?!", sermon ko. Narinig ko ang halakhak niya doon bago sumagot.

"Wala! Wala akong sinasabi, no!", aniya. "Saka, wala pa nga ulit nangyayari- Aray!", hindi niya na natapos ang dapat ay sasabihin niya ng paluin ko na naman ang braso niya.

"Wag ka ngang maingay! Nakakahiya! Kainis!", saad ko at mabilis nang kinuha iyong inaabot niyang plato at nagsimula nang kumain.

"Bakit ka nahihiya e totoo naman na wala pa ulit nangyayari--", pinutol ko ang sasabihin niya sa pagsusubo ng pagkain sa kanya. Kainis talaga ang bibig niya! Sobrang ingay!

Naririnig ko ang tawa niya habang kumakain ako. Puro irap at palo lang ang sinasagot ko sa mga tawa niya. Badtrip! Nagsisisi tuloy ako bakit bumigay ako kaagad sa kanya. Dapat pala ay hindi muna para nananahimik siya ngayon. Tsk!


One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon