Chapter 40

2K 48 2
                                    

Chapter 40: Traffic

Natapos ang seminar ng wala akong kibo. Nang dahil rin sa mga iniisip ko ay hindi ko masyadong nasundan ang topic na tinatalakay ng speaker.

My mind's too occupied by the person seating beside me.

Nang natapos ang seminar ay naghanda na rin ako para umalis. Wala na akong plano na magtagal pa rito. I'll be going home at doon nalang kakain.

Kaso bago pa ako makaalis ay...

"Lunch, right?" It was Brent.

"She'll have lunch with me.", malamig na boses ni Chuck ang sumagot sa sinabi ni Brent.

Hindi ako makapagsalita ng dahil sa bilis ng kabog ni dibdib ko. Nakita ko na napatingin si Brent kay Chuck at ngumiti bago tumango.

See? All are normal! Ako lang iyong hindi! Damn it!

Hindi na ako nakapalag ng hilahin ako ni Chuck palabas ng venue. Natulala lang ako sa kamay niyang nasa braso ko. Tangina! Talaga Aiza? Hawak lang niya ay nagkakaganito ka na?

Lumabas kami ng Hotel at dumiretso ng parking lot. Nagulat ako ng huminto kami sa tapat ng isang Ford Everest.

Binuksan ni Chuck ang pinto ng passenger's seat at marahan akong tinulak papasok. Hindi na ako nakapalag pa.

Nang nakaupo na ako ay agad akong napapikit ng mariin. I should be avoiding him! This is not healthy! May girlfriend na siya at gusto kong irespeto iyon dahil iyon ang dapat! But why am I here now? Walang reklamong sinusunod ang bawat sinasabi at ginagawa niya?

Tahimik kami sa loob ng sasakyan. Chuck isn't speaking at ganoon rin ako. Matagal ang naging byahe bago ko naramdaman na tumigil na ang sasakyan. I looked around and see this familiar place.

"Let's go.", ani ni Chuck at naunang lumabas sa'kin. Nakita ko pa ang pag-ikot nya sa side ko para pagbuksan ako pero inunahan ko na siya. Mabilis na akong bumaba ng hindi siya iniintay.

"Leave your bag inside, Aiz."

Lalong nagwala ang puso ko ng dahil sa pagtawag niya sa'kin katulad ng dati.

"O-okay."

Tumalikod ako sa kanya at inilagay sa loob ang bag ko. Dinala ko lang iyong wallet at cellphone ko. Nang humarap ako ay nahuli ko pa ang paninitig niya sa'kin bago siya nag-iwas ng tingin.

Nauna akong dumiretso sa loob, si Chuck ay nasa likod ko lang at sumusunod. Nang makapasok kami sa loob ng kainan ay agad kong nalanghap ang pamilyar na amoy ng sizzling na agad nagpakalam sa sikmura ko.

We sat at our usual table. Hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana pero ito na lang ang available na upuan sa loob. The other tables arr already taken.

"Anong sa'yo?", saad ni Chuck habang tinitignan ang menu at sumulyap sa'kin.

Kahit na naghuhuramentado ako ay pinilit ko na huwag iyon ipahalata sa kanya.

"Yung usual.."

"Okay. Ganoon rin ang akin."

Si Chuck ang nag-order at habang hinihintay namin ang pagkain namin ay tahimik lang kami. Wala sana akong balak na magsalita pero siya ang unang bumasag sa katahimikan.

"Where's your brother? Diba siya dapat ang sa seminar?", aniya.

Tumango ako at, "He's in Tagaytay. May inaayos doon kasama 'yung mga pinsan niya."

This time ay siya naman ang tumango at napansin ko ang bahagyang pagnguso niya. Napatitig ako sa labi niya at nagflash back sa isip ko lahat ng kissing and make out session namin noon.

Shit lang! Dito pa talaga, Aiza?

Pinilig ko ang ulo ko at pilit na nag-iwas ng tingin sa kanya pero hindi ko talaga mapigilan. Napalingon pa rin ako sa kanya! Nahuli kong nakatingin rin siya sa'kin, there's a little smile playing on his lips!

Agad akong napamura. Aiza, whatever you are doing you better stop it now! He's taken! Already have a girlfriend! Already in a relationship!

Dumating na ang pagkain namin at doon lang medyo nawala ang atensyon ko kay Chuck. I started eating at kulang ang salitang 'sarap' para i-describe ang lasa ng pagkain nila. I really missed this, pwera nalang sa..

"Carrots?", bakas sa boses ni Chuck ang pagtawa.

Tumango ako at nagulat ng nagsimula na siyang kuhanin ang mga carrots na nasa plato ko. Inilagay niya iyon sa plato niya at siya ang kumain.

Sa simpleng gesture na iyon ay bumalik lahat sa'kin. How we started as bestfriends and how we ended as enemies. Bigla ay nawalan ako ng gana na kumain. Nabitawan ko ang kutsara at tinidor ko bago ko siya pinakatitigan habang kumakain.

Naiiyak ako pero pinigilan ko iyon. Ayoko na makita niya ang mga luha ko. Ayoko na makita niya akong mahina. Kasi natatakot ako na baka isumbat niya ang lahat-lahat sa'kin and I am not ready for that.

"Are you done?"

Bumalik lang ako sa sarili ko ng magsalita si Chuck at mag-angat ng tingin sa'kin. I immediately nodded.

"Busog na ako.", saad ko.

Tinitigan niya ako. Nakipagtitigan rin ako sa kanya, wanting to find something in his eyes. I want to see that same sparks na palaging nasa mata niya tuwing tinititigan niya ako noon. I want to see that! And I swear to God before he looked away, I saw that!

Daig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro ng dahil sa bilis ng pagkabog ng dibdib ko. I swear I saw it... Alam ko...

"Umuwi na tayo.", ani ni Chuck at nagulat ako ng mauna siyang tumayo sa'kin at naunang naglakad.

Agad na rin akong sumunod sa kanya. Naabutan ko siya na pasakay na ng sasakyan niya kaya mabilis na rin akong naglakad at sumakay.

Hindi katulad kanina ay mukhang badtrip ang ekspresyon niya ngayon. Seryoso siya habang nagdadrive at ni hindi manlang ako sinusulyapan.

Tahimik lang kami buong byahe. Dahil medyo maghahapon na ay na-stuck kami sa traffic. Ilang oras na kami roon at ni hindi manlang kami umuusad. Napatingin ako sa relo ko at nakitang mag-a-alas sais ng ng gabi.

"Tumawag ka na sa inyo baka hinahanap ka na.", lumingon ako kay Chuck at nakitang sa daan pa rin siya nakatingin.

Tumango ako at kinuha ang phone sa bag ko. Dinidial ko pa lang ang number ni Andrew ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad akong napatingin kay Chuck ng marinig ko siyang malutong na nagmura. Sakto naman dahil bigla nang sinagot ni Andrew ang tawag.

"Hello-"

"Tell Andrew na bukas ka na makakauwi. The damn traffic isn't moving. Mag U-Turn nalang ako pagdating natin sa dulo. Sa Hotel na muna tayo."

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon