Chapter 33

2K 49 7
                                    

Chapter 33: Wish

Para akong hinahabol nang kung ano sa lakas nang kabog nang dibdib ko habang tinitignan si Symon at si Chuck na nagsusukatan ng tingin. Hindi ako makapagsalita at laking pasasalamat ko noong dumating iyong saleslady na siyang pumutol sa namumuong tensyon dito.

"Ito na po 'yung binili niyo.", ngumiti ako at kinuha iyon.

Binalingan ko muli ng tingin si Symon at binulungan na kailangan na naming umalis. Bukod kasi sa pinagtitinginan na kami rito ay hindi rin maganda ang pakiramdam ko kung patuloy silang magtitinginan.

I've known Chuck at hindi ko gugustuhin na makita ulit kung paano siya makipag-away. I've seen it in the bar days ago, I can't risk anything now.

"Let's go.", ani ni Symon at inalalayan ako palabas ng boutique. Nakita ko pa kung paano niya sinamaan ng tingin si Chuck hanggang sa tuluyan na kaming makalabas doon.

Nang nasa daan na kami pauwi ay noon lang kumalma ang sistema ko. We're in the car. Symon's driving habang si Andrew ay nasa backseat at dada nang dada.

"I'll burn his ass one of these days.", aniya. "He's an asshole."

You are too. Gusto ko sana na sabihin iyon sa kanya pero hindi nalang ako umimik. Mainit ang dugo nang mga pinsan ko kay Chuck kaya sana ay piliin nalang niya ang tumahimik. Ayokong sumabog si Andrew dahil alam ko ang kaya niyang gawin. He's an asshole too. Alam kong kayang-kaya niyang patumbahin si Chuck.

Nang dumating kami sa bahay ay hindi pa rin maikalma ang sistema ni Andrew. Napapailing nalang ako habang pinapakinggan sila ni Symon na nag-uusap doon. Isa pa ito, sulsol rin sa kay Andrew.

"She's my sister. He's not even allowed to look at her.", ani ni Symon.

"Tangina niya, nagpipigil nalang talaga ako. Karate-hin ko siya, eh. Pain in the ass. Gago."

Umiling ako at natawa nang umakto pa si Andrew na nangangarate. He's crazy, but I love him. Most of the time ay nabubwisit niya ako sa kaharutan at kaabnormalan niya pero madalas din ay natutuwa ako sa pagiging protective niya sa'kin. I love him and I treat him as my older brother just like Symon.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni Symon nang bahay para pumunta sa bahay ng Lolo niya. Birthday kasi nito and since I have no plans ay nagdesisyon ako na samahan nalang siya.

Bumababa pa lang kami nang sasakyan ay sinasalubong na kami nang mga pinsan niya. Stefan's also there. He greeted me the moment he saw me.

"Hello, Aiza! I'm glad you accompanied my cousin.", ngumiti ako at tumango.

Dumiretso na rin kami sa loob kung saan naroon iyong mga Tito at Tita ni Symon. All of them ay nakilala ko na noon sa opening ng Olìve.

Masaya ako sa pagtanggap nila dito sa'kin. I don't feel a stranger at all kahit na ngayon pa lang naman nila ako nakakasama.

"Hija, I'm glad you came!", ngumiti iyong isang Tita niya sa'kin at agad na nakipagbeso.

"Opo. Buti hindi po busy.", ngumiti ako.

Pati ang mga Tito ni Symon at iyong ibang pinsan na ngayon ko lang nakilala ay maayos ang naging pagtanggap at pakikitungo sa'kin. Hindi ko alam pero ang saya maging part nang family nila, they're a big family at lahat sila mababait.

"What am I missing?"

Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan noong mayroong pumasok na matandang lalaki sa dining room. All of them stand at agad na binati iyong dumating, medyo nahiya pa nga ako nang ako ang huling tumayo. Sa akin tuloy napunta ang tingin noong matanda.

"And you are, young lady?", ani nito.

"Lolo, she's Aizelle. Mom's daughter.", si Symon na ang sumagot noon para sa'kin.

Hiyang-hiya ako lalo na noong nakita ko na sa akin lahat sila nakatingin. Nakita ko na tumango iyong Lolo ni Symon.

"I'm Ricardo Sevilla.", ngumiti ang matanda sa'kin.

"I'm Aizelle po.", sagot ko. "Happy birthday po, Sir.", nahihiyang saad ko.

Nagulat ako nang tumawa ang Lolo ni Symon at sumunod iyong mga Tito at Tita niya.

"I like this girl."

Tuluyan na akong namula dahil doon. Pati ang Lolo nila Symon ay mukhang mabait.

"Drop the Sir, Hija. Call me Lolo.", ngiti niya.

Sabay-sabay na kaming nagkainan matapos ang nakakahiyang eksena kanina. When I asked Symon kung bakit tumawa iyong Lolo niya ay sinabi niya na dahil iyon sa pagiging formal ko.

What's the big deal? Kagalang-galang naman ang Lolo niya. He's a retired Senator for Pete's sake! Hindi ko alam kung paano siya tatawagin kanina so I called him Sir, the safest choice.

"Where's Jacob, Trina?", narinig ko na saad ni Lolo kay Tita Trina. Tinutukoy yata iyong isang anak nito na nasa ibang bansa, sabi ni Symon.

"He'll be home next week, Papa."

Nagpatuloy ang kwentuhan at ni minsan ay hindi ko naramdaman na iba ang turing nila sa'kin. Symon's cousin is so kind to me. Lalo na iyong bunsong kapatid na babae nila Stefan. She's 16 at talagang maganda.

Sa sobrang enjoy namin ni Symon doon ay hindi namin namalayan na gabi na pala. Noong nakita lang niya na halos magna-nine na ay doon lang kami nagpasyang magpaalam. Medyo malayo rin kasi ang byahe at baka traffic pa.

"I'm really glad you came, Aizelle.", saad ni Lolo noong nagpapaalam na kami. "You take care of my grandson, alright?"

Tumango ako at ngumiti nalang. Ilang paalam pa bago nila kami hinayaan na makaalis. They just said na bumisita nalang kami minsan or sila ang bibisita sa amin.

Habang nasa daan ay nasulyapan ko si Symon na hindi maialis ang ngiti sa labi. Napangiti na rin ako.

"Today's been a good day.", saad ko. Nakita ko ang pagtango niya.

"Thanks to you."

Umiling ako. "All thanks to you.", saad ko. "Thank you for everything Sy. Alam ko 'di tayo totoong magkapatid pero thank you for treating me as your own sister. And for the past years, thank you for taking good care of Mommy and Rafael."

I hate expressing myself. Pero ngayon ay kinalimutan ko iyon dahil sobra sobra talaga ang pagpapasalamat ko sa kanya at sa mga nagawa niya sa'kin. I appreciate it all a lot at hindi ko kaya na hindi 'yon sabihin sa kanya.

"You are welcome.", aniya. "You are the sister I've been wishing to have. Thank you too, for fulfilling my wish. You and Mom are the most important girls in my life and I'd do everything for the both of you."

Napatingin ako sa kanya matapos ang sinabi niya. I didn't say anything, I just smiled, and he did too.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon