Chapter 21

1.9K 42 1
                                    


Chapter 21: Completely moved on


Nang makauwi kami sa bahay matapos kami na sunduin nila Andrew sa airport ay nadatnan ko na nandoon pala sila Lolo at Lola. Katulad ng mga pinsan ko ay puro puri ang narinig ko sa kanila. Kesyo ang laki daw lalo ng iginanda ko at kung anu-ano pa. Minsan nga ay nahihiya na ako. I feel like I haven't changed that much pero sila ay masyado na ang pagpuna sa mga pagbabago sa'kin.

"Lola, hindi naman po.", saad ko ng natatawa at yumakap sa kay Lola ng sinabi niya na ang ganda-ganda ko raw.

Nang buong araw na iyon ay sa bahay nag-stay sila Lola. Bukas daw ang uwi nila kasabay ni Kuya Marco at ni Lucas. May titignan kasi raw na lupa sa may San Rafael. 

Kinabukasan ay maaga naman akong nagising. Medyo nag-aadjust pa rin kasi ako sa oras. Ginugol ko ang buong umaga sa paghahanda ng breakfast. Ako kasi ang unang nagising kaya ayun nalang ang naisip ko na gawin.

Mula sa pag-aaral ko sa Culinary School sa Paris ay marami akong natutunan. Alam ko na hindi ako kasing galing na magluto ni Symon pero hindi na rin naman ako nahuhuli sa kanya.

I cooked the typical filipino breakfast. Sinangag tapos ay corned beef, hotdogs, bacon, eggs. Nagtimpla na rin ako ng coffee at hot choco para naman sa kay Symon. Hindi kasi siya nagka-kape dahil sinasama daw ang tiyan niya kapag nakakainom siya noon especially kung morning.

After ko na magluto ay sakto naman na bumaba na sila. Nakabihis na sila Lolo, Lola, at Kuya Marco. Siguro ay aagahan ang pag-alis ngayon. Sunod na bumaba ay si Lucas na kasabay si Symon na parehas na mukhang bagong paligo tapos ay nahuhuli si Andrew na mukhang kakagising lang.

"Good Morning!", bati ko sa kanila at ngumiti. 

Ngumiti sila Lolo at Lola sa'kin bago naupo sa dining table.

"Ikaw ang nagluto?", tanong ni Lolo. Tumango naman ako.

"Nasaan na si Ella? Ayoko ng luto nitong si Aiza! Nakakadala nung huling beses kong nakain ang luto niya! Lasang panis na ewan! Si Chuck lang naman ang umubos noon, e!", litanya ni Andrew na nakapagpatahimik sa'ming lahat. Lalo na sa'kin.

Nakita ko kung paano siniko ng malakas ni Lucas si Andrew. Nagtataka naman at inis na napatingin si Andrew sa kapatid niya bago nagbago ang ekspresyon ng mukha. Siguro ay narealize niya iyong sinabi niya.

"Shit.", I heard him whispered bago nagmamadaling naupo sa dining table. Mabilis siyang kumuha ng mga pagkain at nauna nang kumain.

"Oh! Ang sarap ng luto mo, Aiz!", aniya.

Kinagat ko nalang ang labi ko at bahagyang umiling. It's awkward. Yeah.

Binalewala ko nalang iyong sinabi ni Andrew. Pinilit ko na wag magpaapekto dahil lang sa pagkakabanggit niya ng pangalan ni Chuck. It's fine. I want to tell them pero instead ay nanahimik nalang ako doon at pinakita sa kanila na hindi na ako apektado.

"Hijo, Coffee?", ani ni Lolo noong umiinom siya galing sa tasa niya. Si Symon lang kasi ang walang kape.

"Hindi na po. Hot choco nalang.", ngiti ni Symon at nagsalin sa tasa niya noong hot choco na tinimpla ko.

Buong oras namin na kumakain ay nagtatanong-tanong rin sila Lolo ng plano tungkol sa restaurant. Nakikibalita daw dahil baka sa isang linggo pa sila makabalik dito. Mukha kasing abala na talaga sila sa pagtingin ng mga lupa. Balak daw kasi nilang i-expand iyong piggery.

"Kayo? Ano ang plano niyo?", ani ni Lolo. "May lugar na ba kayo?"

Tumango ako at nagpunas na ng bibig.

"Opo, Lo.", saad ko. "Iche-check nga namin ngayon. Naumpisahan na rin kasi ang construction. In fact, patapos na nga po. Baka next week ay ayos na iyon."

Matapos namin na kumain ay umakyat na rin ako sa kwarto. Hindi ko pa naaayos iyong mga gamit sa maleta ko kaya sa maleta ko mismo ako kumuha ng maisosoot ko.

Habang nagbubuklat doon ay saktong bumukas iyong pinto at iniluwa si Andrew. Bihis na rin siya at mukhang aalis din.

"Saan ka?", tanong ko.

"Dyan lang sa tabi-tabi.", aniya. "Saan na iyong pasalubong ko? Hindi ko nakuha kagabi kasi pansin kong pagod ka na, eh."

Tumingin ako sa kanya at nakita ang nakangisi niyang mukha. Umiling ako bago pumunta doon sa may isa kong maleta at binuksan iyon. Agad ko nang hinanap iyong para sa kanya at agad na iyong ibinagay sa kanya.

"Victoria's Secret, huh?", saad kong natatawa. "Itong shoes mo, si Symon ang namili. Mag-thank you ka naman!", sabi ko sabay bato sa kanya noong paper bag.

Tumawa lang ang mokong bago umambang aalis. Pero nagulat ako ng bago siya makalabas ay muli siyang nagsalita.

"Sorry about sa kanina. You know, kay Jimenez.", aniya at hindi na hinintay ang sagot ko at tuluyan nang umalis.

Saglit akong natulala sa loob ng kwarto ko dahil sa sinabi ni Andrew. 

Do I look like I'm still affected?

Siguro.. Siguro nga.. Kasi kahit na anong deny ko sa ibang tao na okay na ako, alam ko pa rin sa sarili ko ang totoo..

Na hindi pa rin.. Hindi pa rin hanggang ngayon.. 

Oo hindi na kasing sakit noong una.. Pero masakit pa rin, eh. Nag-try ako na mag-move on at alam ko na nagawa ko naman pero hindi pa rin completely moved on. Kapag naiisip ko lahat ng nangyari sa'min noon ay may sakit akong nararamdaman. Hindi ko alam kung para saan.

Panghihinayang? Pagsisisi?

OO... Nanghihinayang ako.. Nanghihinayang ako sa lahat. At nagsisisi na nakipaghiwalay ako sa kanya kasi ang totoo ay hanggang ngayon mayroon pa rin.. Hanggang ngayon aminin ko man sa sarili ko o hindi, hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. 

Sabi nila time heals everything. Pero bakit ganon? Halos kalahating taon na simula ng naghiwalay kami pero bakit hanggang ngayon ganito pa rin? 

Nasasaktan pa rin ako dahil baka may iba na siya doon. At wala akong karapatan na magreklamo dahil ako iyong nakipaghiwalay. Pero hindi naman ako makikipaghiwalay sa kanya ng dahil sa wala lang. I saw his smile with his first love. At sapat na iyon para masabi ko na kahit na kailan, hindi napalitan si Jasmine sa puso ni Chuck. Na kahit na dumating ako, si Jasmine pa rin iyong laman ng puso niya dahil si Jasmine iyong nauna, hindi naman ako.

Matapos ko na mag-ayos ng sarili ko ay bumaba na ako sa kwarto. Naka rompers lang ako at sneakers. Pagkababa ko ay naabutan ko na doon si Symon na parehas ko ay nakabihis na rin.

"Tara na.", saad ko. Tumayo na rin siya tapos ay umalis na kami.

Nang makarating kami sa lugar ay nakita ko na halos tapos na nga iyon. Kulang nalang ng furnitures. Kaunting ayos nalang ay siguradong next week nga ay tapos na nga ito. 

We checked the whole place. Iyong first floor, tapos ay second floor, iyong kitchen pati na rin iyong isang malaking office at iyong counter.

"Kailan daw ang dating ng tables and chairs?", tanong ko.

"Baka mamaya ay dumating na iyon. I texted the shop, e. Sabi this day daw ang delivery."

Naglibot pa kami sa lugar at nakausap pa iyong architect na nagdesign ng restaurant. Buti nalang ay nandito ito ngayon.

"Sinunod ko iyong napag-usapan natin before ka bumalik ng Paris. The materials and the furnitures are the same with those in Olíve sa Paris.", saad noong Architect at pinakita pa sa'min iyong pictures niya ng tables and chairs. Siya pala kasi ang nag-order noon.

Habang busy sa pag-uusap si Symon at iyong architect ay nagpaalam muna ako na aalis para bumili ng lunch namin. Inabot na rin kami ng lunch period dahil sa marami kaming pinag-usapan na details. Hiniram ko iyong sasakyan since marunong na naman ako na magdrive.

"Wag ka nang magtagal. Baka dumating na rin dito iyong furnitures.", saad ni Symon bago ako tuluyan na pinakawalan.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon