Chapter 34

1.9K 44 2
                                    

Chapter 35: With her

The following days ay naging busy ako puro halos sa gawain sa restaurant. Symon is also busy going out of town para i-check ang construction ng facilities ng resort at hotel na pinapatayo ng pamilya nila. Ako naman ay nandito sa Restaurant at inaasikaso ang mga kailangan na i-approve at i-review na reports and sales.

"Maam, mayroon pong naghahanap sa inyo sa labas."

Tumaas ang tingin ko at nakita ko iyong isang waitress na nakadungaw mula sa pinto ng office ko.

Who would that be? Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon.

"Papunta na ako.", ngumiti ako sa kanya at tumayo na. Iniwanan ko muna iyong mga sales reports na kailangan kong i-review.

Lumabas na rin ako at agad na nakita sa isang table ang mga kaibigan ko. What day is it today? Probably Sunday that's why they're free to visit me here.

Lumapit na ako sa table nila Klarisse at agad silang binati doon. They're complete. Iniwasan ko na hanapin ng mata ko si Chuck pero hindi ko nagawa... He's absent. As well as Neo.

"Workday even on a Sunday?"

Tumango ako at naghila na nang upuan sa tabi ni Monica. It's lunch time so since I haven't eaten too, ay sasabay nalang ako sa kanila. I'll pay our meals, too.

"Where's Symon nga pala?", asked Klarisse.

"He's on a trip. Nasa Tagaytay.", saad ko at nagtawag na ng waiter. Nang lumapit iyong waiter sa'min ay kanya-kanya na sila nang pag-order pero sa huli ay iyong pinaka-mura ang in-order nila. Hindi ko napigilan at natawa ako.

"Ano? Tight ako ngayon. Nagtitipid!"

Ngumisi lang ako at kinuha na rin ang menu. Kabisado ko naman ang menu dito - hindi lang nga ang presyo ng bawat pagkain.

"Bryan, paki-bigyan kami nito. Tapos ito..", tinuro ko sa kay Bryan ang mga order namin. Nang matapos iyon ay inulit lang niya ang inorder ko tapos ay umalis na.

"Whoa! Whoa. Libre mo?", ani ni Kevin.

Napairap ako pero tumango rin. Nagkantyawan sila matapos noon. Sabi ay minsan lang raw kasi ako manlibre kaya susulitin na. Ayun at nagtawag pa ulit sila ng waiter para magkaron ng additional orders.

Habang pinapanood sila na umoorder ulit doon ay bigla namang nag-ring ang phone ko. Sinilip ko iyon at nakita ang hindi pamilyar na number.

"Excuse me, sagutin ko lang 'to.", ngumiti ako sa mga kaibigan ko bago ko dinampot iyong phone ko at tumayo para maglakad hindi kalayuan.

"Hello?", saad ko.

Nakarinig ako ng tawa mula sa kabilang linya. The voice comes from a guy.

"Hello? How are you?"

Napamura agad ako nang makilala ang boses niya.

"Is this really you?", hindi makapaniwalang saad ko.

Muli ay narinig ko ang paghalakhak niya mula sa kabilang linya. Pagkatapos noon ay nakarinig ako ng pagtunog nang sasakyan.

"Yes, it's really me. Edward."

Napangisi ako. Ang loko! Hindi manlang nagpasabi na magbabakasyon dito. I now wonder if Symon knows about his friend having his vacation here.

"You're kidding! Where are you? Who's with you, huh?", sunod-sunod ang naging tanong ko.

"If you're asking how am I, then I'm fine young lady.", he chuckled.

"We need to hangout!", I suggested.

He laughed. "Of course, we really need that."

I was about to say something again ng makita ko mula sa peripheral vision ko na mayroong bagong pumasok sa loob ng restaurant. I immediately looked at that direction at agad na nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ang pumapasok na customer.

He roamed his eyes at agad na tumigil iyon ng mapunta ang tingin niya sa'kin. He waved his hands at agad na naglakad patungo sa direksyon ko.

"Kamusta?", he then smiled. Hindi ko napigilan at ngumiti rin ako.

Pinatay ko na ang tawag sa cellphone ko at hinarap si Edward. Walang pinagbago sa kanya, kung meron man ay iyon iyong haircut niya. Dati kasi ay medyo sanay ako na longhair siya ngayon ay naninibago ako na nakikita ko siya na naka-clean cut.

"What's with you? Bakit ka nagpagupit?", natatawang saad ko na naging dahilan para bahagya siyang mapasimangot.

"Ayan talaga ang bungad mo sa'kin? Asking me about my haircut? How about a hug?"

Tumawa ako at niyakap na siya. He's been a good friend to me noong nasa Paris pa ako. And besides he's one of Symon's bestfriend kaya alam ko na mabait siya.

I felt him hugged be back. Natawa nalang ako at agad ding humiwalay dahil nakikita ko na ang mga mapanuring tingin ng mga kaibigan ko sa'kin.

"Halika, I'll introduce you to my friends."

Hinila ko si Edward papunta sa table namin. Gladly ay sumunod rin siya agad kaya hindi ako nahirapan. Nang makarating kami sa harap ng table namin ay kitang-kita ko ang paninitig nila Klarisse at Monica kay Edward mula ulo hanggang paa. Natawa pa ako nang makita ko si Klarisse na napakagat labi. Damn this friend of mine! Masyadong halatain!

"Guys, this is one of our friend from Paris, Edward Trivello.", saad ko. "Edward these are my friends. Si Klarisse, Monica..", tinuro ko sila isa-isa at pinakilala. Hindi ko nga lang alam kung nakabisado niya ang pangalan nilang lahat.

"Nice to meet you all.", nakita ko na ngumiti si Edward sa kanila na masayang ginantihan naman ng ngiti nang mga kaibigan ko.

I asked Edward kung kumain na ba siya ng lunch. We he said no ay pinaupo ko na siya para makasabay sa'min. He's seated beside me.

"You can order what you want. It's on me", saad ko. Handang handa na sana ako na tumawag ng waiter nang magsalita siya ulit.

"Don't insult me, Aizelle. You know I don't let girls pay for me.", natatawang saad niya bago siya ang tumawag ng waiter.

Bahala siya. Kahit naman sabihin niya na siya ang magbabayad ay hindi ko pa rin papayagan. I won't let him pay for the food I ordered a while ago lalo na at kakadating pa lang niya. I should be the one treating him.

Nang nakaorder na siya at habang nag-hihintay kami sa order namin na dumating ay nagkwentuhan muna kami doon. Just about random stuffs and such. Klarisse and Monica would ask Edward things na alam ko na naman.

"My mom's German. Yung father ko iyong Filipino that's why my surname doesn't sound foreign.", ngumiti pa siya na naging dahilan para makatanggap ako ng palihim na kurot kay Klarisse.

Tinignan ko siya at pinandilatan ng mata. Agad naman siyang lumapit ng bahagya at bumulong. Buti nalang ay busy si Edward sa pakikipagkwentuhan doon sa mga lalaki. They're talking about of course, girls and sports.

"Bakit 'di mo sinabi na may friend ka na pogi sa Paris?", ani ni Monica.

Napangisi ako. "Hindi ka naman nagtanong."

Nagpatuloy ang kwentuhan sa table namin ng mayroong biglang sumigaw. She's calling I don't know who pero agad pa rin kaming napatingin doon lahat at nalaglag ang panga ko ng makita si Jasmine na naroon, of course with her is Chuck Brandon Jimenez.

"What the hell? Anong ginagawa niyan dito?", I heard someone from our table said.

Yeah, what the hell?

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon