Chapter 27

1.9K 48 1
                                    

Chapter 27: Enough to make me feel okay

You need to divert your attention to others. Bakit ba kasi hindi mo subukan ang makipag-date?

Iyon ang parehong sinabi ni Klarisse at Monica sa'kin nang magkita-kita muli kami isang linggo matapos ang pagbi-break down ko sa harap ni Klarisse.

Subukan ko man na gawin ang ganoon - makipagdate sa iba ay hindi ko kayang gawin. I feel like it's not me. At isa pa, ayoko na maghanap ng rebound just to forget about Chuck - it isn't right, ang manggamit ng ibang tao.

So instead of going out on a date ay inabala ko nalang ang sarili ko sa trabaho at sa pakikipag-catch up sa mga kaibigan at pinsan ko.

I'm at work in the morning tapos ay sa gabi naman ay lumalabas kami - pero instead na maiwasan ko si Chuck ay mas lalo ata akong napapalapit nang dahil sa tuwing lalabas kami ay palagi rin siyang kasama.

"Dude, sinasabi ko sa'yo. Andrew's under the power of that same girl with a boy name.", humaglpak ng tawa si Kevin at narinig ko kaagad ang mura ni Andrew.

We're all here sa mall at kumakain ng snacks. Nasa isang malaking table. Monica and Klarisse is both beside me.

"Tigilan mo nga ako, Kevin. Bakit ako ang trip mo?", aniya. "Are you gay and jealous?"

Nagtawanan na kami doon habang sila ay nagpatuloy sa asaran.

Hindi ko maiwasan na mapangisi. All of them are normal, miski si Chuck. Ako lang talaga iyong na-a-awkward sa ganito.

What happened to the Aiza before? Iyong walang hiya-hiya kahit na nasa harap ng maraming tao? I guess ganito talaga. May gap na sa amin at pilitin ko man na umakto ng normal ay mahihirapan talaga ako na maibalik ang barkada namin noon.

"Man, akala ko ay kayo na noon?", narinig ko ang boses ni Chuck. Tumaas ang tingin ko pero agad rin akong napaiwas.

Calm the fucking down, Aiza. You're trying to move-on at talagang hindi mo iyon magagawa if you keep on looking at him.

Fuck.

Kumain na kami roon at nagkwentuhan pa. Maya-maya ay nagkayayaan iyong boys na lalabas muna para mag-yosi break. Isa-isa na silang umalis and again, I found myself staring Chuck na naglalakad na palabas. Kung hindi pa ako sinita ni Monica dahil doon ay hindi ko pa mamamalayan na masyado na akong tumititig.

"Paano mo makakalimutan si Chuck, Aiz?" she asked. "You keep on staring at him. Hindi nila lahat napapansin pero kami, nakikita namin."

"Sorry.", iyon lang ang tanging nasabi ko.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin nila Monica - this time ay tungkol naman sa problema ni Klarisse sa boss niya. Nagsusungit kasi ito at daig pa raw ang babae kung sermunan siya.

We're laughing ng dahil sa pagka-asar ng sobra ni Klarisse nang biglang isa-isang magbalikan iyong mga lalaki. Agad na napuna ko ang diretsong tingin ni Andrew sa'kin. He looks like he was about to say something pero agad na naagaw ang tingin ko noong bagong pasok at huling dumating.

It's Chuck, with a girl - Jasmin..

Parang pinipiga ang puso ko habang tinitignan ko silang dalawa. Inalalayan ni Chuck si Jasmin sa pag-upo nito sa tabi nila. Napadako naman ang tingin ko sa pinsan ko na nasa tabi lang ni Chuck. I saw him mouthed Stop looking so I stopped looking.

Ibinaling ko ang buong tingin ko sa mga kaibigan namin na mukang na-awkwardan din ng dahil sa sitwsyon. Ang tanging hindi lang ata na-iilang dito ay si Kevin at Vincent.

Parehas silang nakangiti at mukhang walang pakialam.

"Oo, nagbakasyon kasi kami noon sa Singapore.", ani ni Jasmin nang itanong na nagkita pala sila noon ni Chuck sa Singapore.

Kinagat ko ang labi ko as I stared at her. Ayoko man na aminin ay - talagang maganda siya. She's like a model. Even her skin is almost perfect- flawless. The way she carries herself ay sobrang nakakahanga din. Sobrang hinhin - I hate and it hurts me to admit pero sobrang bagay silang talaga.

Halos mag-walk out na ako doon ng dahil sa hindi ko na makaya ang nakikita ko. I even heard Jasmine laugh noong biniro siya ni Vincent. Tumaas ang tingin ko at agad na nakita ang kamay niya na nakapalupot sa braso ni Chuck. Tumaas ang tingin ko at laking gulat ko nang magtagpo ang mata namin ni Chuck. His lips are slightly parted.

Agad na kumabog ang dibdib ko. I looked away.

I cursed a lot inside my head. Gusto ko nalang na matapos na ang eksenang ito. And it did.

Nang magpaalam si Andrew na mauuna na kami ay hindi na rin ako nagreklamo. They're obviously enjoying Jasmin's company - dahil mabait naman talaga ito. I'm just the only one na bitter pa rin. I'm the only one who looks affected.

"I'm sorry about that, Aiza.", Andrew said when we got inside the car.

Umiling ako.

"Wala naman 'yon.", saad ko. "I'm okay.", ngumiti ako para ipakitang okay lang pero nagulat ako ng marinig ko ang pagpalo ni Andrew sa manibela.

"You're a terrible liar, alam mo 'yon?", he said. "Lumaki tayo ng magkasama - kaya I know from how you say those words - okay lang ako - you're lying."

Napaiwas ako ng tingin. Nag-init ang gilid ng mata ko. I didn't speak. Wala akong sasabihin.

"You all have the right to cry - umiyak ka kasi nasasaktan ka! Hindi 'yung ganito na palagi mong sinasabi na okay ka lang pero hindi naman talaga!"

Doon na tuluyan na bumuhos ang luha ko. Andrew's the closest to me sa kanilang tatlo nila Kuya Marco at Lucas. I can still remember na he used to act like a big brother to me simula pa lang noon - well lahat naman sila. Pero the bond between me and Andrew is really different.

Hindi na muling nagsalita si Andrew matapos noon. Tahimik nalang siyang nagdrive at ganoon rin ako.

When we reached the house ay dumiretso na rin ako sa kwarto ko at nagbihis. Nahiga na rin ako pagkatapos at hindi na rin namalayan na nakatulog pala ako.

Nagising nalang ako ng madilim na. Medyo gutom rin ako kaya nagdesisyon ako na bumaba. Nasa may hagdanan ako ng marinig ko ang boses ni Andrew.

He's in the garden pero dahil nakabukas ang pinto doon ay naririnig ko pa rin siya. Bumaba na ako at hindi na siya balak pansinin pero nang narinig ko ang pangalan ko ay agad akong napalingon sa kinatatayuan niya. He's on his phone habang naninigarilyo.

"That's the point, Lucas. His ass don't deserve Aiza.", aniya. "Kung alam mo lang kung gaano ako nagpigil wag lang masapak si Chuck. I almost exploded. And I know na if you're there, ganoon rin ang mararamdaman mo."

Kinagat ko ang labi ko.

"Isa pa talaga ay sasapakin ko na ang gagong iyon."

Hindi ko alam pero bigla ay na-touch ako. Hindi niya palaging pinapakita sa'kin ang pagmamalasakit niya, pero nang dahil dito sa naririnig ko ngayon ay narealize ko na Andrew's really worried and he really cares for me, just like Lucas and Kuya Marco - and that alone is enough to make me feel okay.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon