Chapter 45

2.3K 47 2
                                    

Chapter 45: No

Matapos kong ayusin ang sarili ko sa CR ay guminhawa na ang pakiramdam ko. Masakit pa rin ang ulo ko pero dahil sa pagsusukang ginawa ko ay medyo nabawasan iyon.

Lumabas na ako pagkatapos kong magmumog at nagulat pa ako ng maabutan ko si Chuck na naroon pa rin. Nang makita niya ang paglabas ko ay kaagad siyang umayos ng tayo.

Gusto ko man siyang titigan ay iniwasan ko pa rin siya ng tingin. I don't know, kapag kasi tinititigan ko siya ay hindi ko maiwasan na hilingin na sana ay hanggang ngayon kami pa rinZ . At alam ko na hindi na pwede iyon so I'm choosing the safest choice to avoid getting my heart broken.

Magkasabay kami na bumalik ng table namin at nakita ko pa ang mapanuksong tingin ng mga kaibigan namin na naiwan doon. Umiling agad ako ng ngumisi si Monica at Klarisse nang paupo na kaming dalawa sa kaninang inuupuan namin.

Nagkwentuhan lang ulit kami ng nagkwentuhan doon. Hindi na sila masyadong umiinom at ganoon rin ako. Hindi namin pare-parehas namalayan ang oras kung hindi lang tumunog ang phone ni Troy dahil sa isang tawag.

"Nalibang ako masyado. Magtu-twelve na pala." Tumawa siya. Agad kong tinignan ang phone ko at napamura pa ako ng marealize na mag-a-alas dose na pala! Late na late na!

Nagkayayaan na rin kami na umuwi ng umalis si Troy. After we paid for our drinks ay sabay-sabay na rin kami na lumabas.

Ang plano ko ay sumabay nalang kila Monica sa sasakyan o sa kung sino man ang maghahatid sa kanila. Pero nang makalabas kami at bigla akong hinila ni Chuck ay daig ko pa ang napipi sa kawalan ng kibo.

"Ako na kay Aiza, Vincent. Ikaw na dyan kila Klarisse" Saad niya at narinig ko na pinatunog niya na ang sasakyan niya.

"Sige, pare. Una na kami." Ani ni Vincent. "Aiza." Tumango siya sa'kin.

Sumakay na sila sa sasakyan niya kaya naiwan na rin kami ni Chuck rito. Bago ako sumakay sa sasakyan niya ay napabuga muna ako ng hangin.

Calm down! This is just a friendly gesture!

Buong byahe namin ay kinakabahan ako. Kahit na iyong tugtog lang ang ingay sa sasakyan ay nararamdaman ko pa rin ang pagkabog ng dibdib ko. Talaga, ganito ang epekto niya? Wala naman siyang ginagawa ay ganito ang nararamdaman ko?

"Pwede ba akong bumisita sa trabaho mo bukas?" Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. Nakahinto kami ngayon dahil sa stoplight.

Mas lalong nagwala ang puso ko. Gusto kong magtanong kung ano ang dahilan pero tanging pagtango lang ang nagawa ko.

"Ayos lang."

Tangina, ayos lang? Ayos lang talaga, Aiza? Pero bakit ka ganyan makareact?

Pagkatapos noong stoplight ay dire-diretso na ang naging byahe namin. Hindi ko na kinailangan na ituro pa ang daan sa kanya dahil pamilyar naman na siya doon. Pagkahatid niya sa'kin ay hinintay niya pa akong makapasok sa loob bago siya tuluyang umalis.

Nang gabing iyon ay mabilis ang naging pagtulog ko. Siguro ay dahil na rin sa pagod.

Kinaumagahan ay hindi ko alam kung bakit ang aga ng naging gising ko. I prepared breakfast and showered early. Habang nakaharap ako sa closet ko ay hirap na hirap ako na pumili ng isusuot ko.

"No. Not this." Sumimangot ako bago ibinalik ang hawak kong damit pabalik sa loob.

Sampung minuto na akong nakatayo roon pero hindi pa ako nakakapamili ng damit. Sa huli ay malakas akong napamura nang marealize ang ginagawa ko. Kumuha lang ako doon ng isang dress at iyon na ang sinuot ko.

Tinampal tampal ko ang sarili ko dahil sa inaakto ko.

Sige lang, Aiza! Paasahin mo ang sarili mo. I kept telling that to myself. Umiling nalang ako at ipinagpatuloy ang paggayak ko.

Dahil nga maaga akong nakatapos at nakapagbihis ay maaga rin akong dumating sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit ang good mood ko ngayon. Ayoko na isipin na dahil iyon sa pagbisita ni Chuck mamaya kaya iisipin ko nalang na good mood ako dahil sa maganda ang naging gising ko.

Tumulong ako sa kitchen at sa pagse-serve ng pagkain. Masyado akong nalibang roon na hindi ko na namalayan na lunch hours na pala.

Napatingin ako sa phone ko at nakita ang isang text doon. Wala sa sarili kong binuksan iyon at agad na nag-init ang pisngi ko ng mabasa ang laman noon.

Chuck
See you later, Aiz.

Matagal ko na pinag-isipan kung rereplyan ko ba siya sa text niya. Sa huli ay kahit na sinasabi ng isip ko na huwag na ay kusang nagtype ang daliri ko ng sagot.

Ako
See you!

What's with the exclamation point, Aiza? Tss!

Bumalik ako sa pagtatrabaho ko sa kitchen. Nag-aayos ako ng plating ng bigla akong tinawag ni Ailene.

"Ma'am iyong kaibigan niyo nasa labas." Ngumiti pa siya ng mapanukso.

Agad akong kinabahan. Kanina ay hindi ako nag-aalala kung ano na ang amoy ko o ano na ang itsura ko, ngayon ay halos amuyin ko na ang sarili ko para lang masigurado kung ano na ang amoy ko.

Iniwanan ko ang ginagawa ko kanina sa isang staff na naroon. Pagkahubad ng apron ay dumiretso na ako sa office ko. Hindi na ako nagulat ng maabutan roon si Chuck na nakaupo sa couch na naroon ay may kung anong binabasa. Nang makita ko na isang photo album ko ang hawak niya ay nakagat ko pa ang labi ko.

"Kanina ka pa?" I said to caught his attention. Tumaas ang tingin niya sa'kin at bahagyang ngumiti.

"Kakadating lang." Saad niya at ibinalik ang tingin sa hawak niya.

Habang ginagawa niya iyon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na ayusin ang sarili ko. I didn't spray some perfume dahil baka kung ano ang isipin niya. Nag-alcohol lang ako at nag-ayos ng mukha at buhok bago ko ulit siya hinarap. Nagulat pa ako ng makita ko siya roon na nakapangalumbaba at titig na titig sa'kin.

Was he staring at me the whole time I'm fixing myself?

"Are you done?" Aniya at nahuli ko pa ang bahagya niyang pagngisi. Napatango nalang ako ng dahil sa kahihiyan.

"Magpapahanda ako ng lunch. Sa labas mo ba gusto?" Gusto ko sanang dugtungan iyon ng kung dito niya sa loob ng opisina gusto. Pero agad kong narealize na bakit naman kami rito kakain?

"Pwedeng dito nalang?" Aniya. "Para masolo kita."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang pisngi ko dahil doon. I wasn't expecting to hear something like that from him lalo na ngayon na 'pagkakaibigan' lang naman ang namamagitan sa'ming dalawa.

Wala sa sariling napatango nalang ako bago ako nagtawag ng waiter sa office ko. Naupo ako sa harapan ni Chuck habang iyong isang waiter ay nakay Chuck ang atensyon dahil sa pagkuha ng gusto nitong kainin.

Titig na titig lang ako kay Chuck at hindi ko maiwasan na isipin na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa'min ay narito pa rin ako at mahal pa rin siya.

Titig na titig ako sa kanya habang hinihiling na sana ay mabigyan kami ng pagkakataon ulit. Na sana ay kami pa rin.

Alam ko na masama ang humiling ng sobra. Noon ay hiniling ko sa Diyos na bigyan ako ng lakas ng loob na sagutin siya. Nang naghiwalay kami ay hiniling ko na sana ay hindi na ako masaktan. Tapos ngayon ay hinihiling ko naman na sana ay kami ulit.

"Ano'ng sa'yo, Aiza?" Nag-iwas ako ng tingin ng biglang lumingon si Chuck sa'kin. Tapos na siya sa pagorder niya at ako naman ang iniintay ngayon.

"Kung ano nalang din ang sa'yo." Ngumiti ako.

Kung saan man ang patutunguhan nitong pagiging 'magkaibigan' ulit namin, hindi ko iyon kokontrahin. Kung kami pa rin pagkatapos ng lahat, hindi ko iyon kokontrahin. Kung sakaling humingi ulit siya ng isa pang pagkakataon, ibibigay ko iyon sa kanya.

Why? Kasi kung iyon naman ang makakapagpasaya sa'kin, bakit ko pipigilan ang sarili ko? Kung iyon lang ang gusto ko, bakit ko pa lilimitahan ang sarili ko?

If Chuck is who I really want, then why would I say 'no' to him?

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon