Chapter 18

1.7K 48 4
                                    

Chapter 18: Suffer


Dalawang araw. 

Dalawang araw na halos simula nang nakapag-usap kami ni Chuck. Nag-message naman na ako sa kanya kahapon pa lang na mag-usap kami pero sa tingin ko ay hindi pa niya iyon nababasa. Hindi pa kasi siya nag-o-online.

Let's talk.

Binasa kong muli ang chat na ni-send ko sa kanya. It's been two damn days at wala pa rin akong nakukuhang sagot. Inaabala ko na nga lang ang sarili ko sa pamamasyal dito, pagkauwi ko ay diretso online kaagad ako para makita kung online na ba siya at kung nakita niya na ba ang chat ko pero dalawang araw na ay hindi ko pa rin siya nakikitang online.

"Bukas daw, bisita tayo sa Olíve.", tumango ako sa sinabi ni Symon. Kakagaling lang namin sa labas dahil namili kami ng mga gamit.

Olíve ang pangalan noong restaurant nila Mommy dito. It was named after Tito Anton's great grandmother. Naipasa na ito ilang beses at bilang si Tito Anton ang eldest na anak ay sa kanya ito napasa. Palagi nga niyang sinasabi na balang araw ay ipapasa niya rin ito kay Symon kaya halos ngayon pa lang ay sinasanay niya na ito.

Pumasok na ako sa kwarto ko at agad na binuhay ang laptop ko. Hindi naman kami gaanong nagtagal sa labas kaya hindi ko na rin in-off ito. 

Pagkabukas ko ay agad akong nag-online una ay sa skype, tapos ay sa facebook. Una kong tinignan ang skype ko at nakita na offline pa rin si Chuck. Sinunod ko ang facebook. And still, he's offline.

Napahinga ako ng malalim. 

Miss na miss ko na siya at hindi ko na matagalan itong away namin. Gusto ko na siyang makausap para ipaliwanag na hindi naman ako magtatagal dito. Pagkatapos ng pasko ay baka dito ako magmula paglipag ko sa Singapore.

Habang hinihintay ang pag-oonline niya ay lumabas muna ako ng kwarto at nagtungo sa kitchen sa first floor. Nang pumasok ako doon ay nadatnan ko kaagad si Symon na may kung anong niluluto doon. Yup, he knows how to cook. At hindi lang know, magaling din siya doon.

"What are you cooking?", I asked him at naupo doon sa high stool sa harap niya. Umiling niya at bahagya kong nakita ang pagngisi niya.

"Just some filipino dish."

Tinignan ko iyong niluluto niya at nakitang isang Filipino dish nga iyon. Caldareta yata or menudo.

I watched him as he cook. Magaling talaga siya dito. Kitang-kita na tinuturuan talaga siya nila Mommy at Tito Anton. Kung ako iyan ay kanina pa ako nag-browse ng internet para lang tignan kung paano lulutuin iyong gusto kong ulam. 

Napangiti ako. I suddenly remember the first time na nagluto ako. It was a disaster. Maging si Andrew na sarili kong pinsan ay masyado ang naging pintas sa niluto ko. Si Chuck lang ang tanging nagsabi na masarap iyon at nakuha pang ubusin talaga ang niluto ko.

Nang matapos na magluto si Symon ay kumuha na kaagad ako ng pagkain. He cooked beef caldareta with cheese. Sabay kaming kumain since wala dito si Rafael. Kasama niya kasi si Mommy at nasa mall yata sila at namimili for the Christmas Eve.

"Ako na ang maghuhugas.", saad ko matapos kaming kumain. "Maligo ka na amoy ka nang ulam!", pang-aasar ko kay Symon.

Tumawa siya at agad na lumapit sa'kin. "Smell my underarm, then?", paghahamon niya.

Umiling ako at agad na siyang pinaalis doon. He's kind, that's one thing na nagustuhan ko sa kanya kaya kami kaagad nagkasundo. He really treats me as his own younger sister. Hindi naman siya ganoon katanda kaya 'di ko siya tinatawag ng Kuya. Kasing-edad lang siya halos ni Andrew.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon