Chapter 44

2.2K 50 2
                                    

Note: Follow Chuck & Aizelle on twitter: chuckjimenezz & aizdelcastillo. Thank you!

Chapter 44: Cursing

Klarisse:
Aiza! Dinner tayo nila Kevin! 6 tayo magkita-kita. Miss ka na namin :(

Halos magsisix na ng nabasa ko ang text mula kay Klarisse na ganoon ang nakalagay. Masyado kasi akong nalibang sa panonood ng isang TV series kaya hindi ko napansin ang phone ko.

I missed them too kaya mabilis na akong nagbihis para sa sinasabi nilang dinner. Isang simpleng black dress lang ang sinoot ko dahil wala ako sa mood na pumorma ngayon. Nag-sneakers lang rin ako dahil mas kumportable.

Saktong alas-sais ng matapos ako at ng mag-ring ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at nakita na si Klarisse ang tumatawag.

"Hello?" Saad ko at nilagay iyon sa tainga ko. Naglalakad na ako pababa ng bahay para makaalis.

"Hello, Aiz? Saan ka na?" Aniya sa kabilang linya at narinig ko kaagad na may mga kasama na siya. Meaning, nandoon na sila.

"Sorry, nalate ko kasi nabasa ang text mo. Paalis na ako ng bahay, mauna nalang kayong umorder."

"Sige. Tawag ka pag malapit ka na ah?"

"Sige. See you!"

Ibinaba ko na rin ang tawag at dumiretso sa kitchen. Agad kong naabutan doon si Kuya Marco na may kung anong kinukuha sa ref.

"Kuya, aalis ako ah? Kasama ko sila Klarisse." Saad ko dahilan para agad niya akong lingunin.

"Klarisse.. Meaning Chuck?" Maagap niyang tanong. Tumango lang ako.

"Okay. Dadalhin mo ba ang sasakyan mo?"

"Magta-taxi nalang ako, Kuya. Saglit lang naman rin kami. Dinner lang."

Tumango si Kuya Marco bago ako tuluyang pinakawalan. Umalis na rin ako pagkatapos noon. Buti nalang rin ay hindi ganoon kasikip ang traffic papunta sa meeting place namin kaya medyo nakarating ako ng maaga.

Habang bumababa ako ng taxi ay tinawagan ki na si Klarisse para sabihin na nasa labas na ako. Saktong noong papasok na ako ng restaurant ay nagulat ako ng makita si Chuck na palabas naman. Nang nag-abot ang tingin namin ay may kung anong nagwala sa tiyan ko ng nginitian niya ako.

"You are always late." Natatawang saad niya.

Napangisi nalang ako. Relax, Aiza! Everything is normal. He's normal! And he's your friend so act like one.

Dumiretso na rin kami sa loob at naabutan ko na naroon nga ang lahat. Monica, Klarisse, Kevin, Vincent, Troy and Neo. Wala ang mga pinsan ko at sila David at Francis so I assume na sila ang magkakasama ngayon. Must be hunting girls!

Ngumiti ang lahat sa'kin habang nauupo ako sa isang bakanteng upuan.... Katabi si Chuck. Okay..

"Nag-order na kami kanina pa. Darating na rin naman siguro ang pagkain." Narinig ko na saad ni Chuck. "Gutom ka na ba?" Tanong niya.

Ngumiti ako at iniwasan ang tignan siya dahil ang lapit-lapit naming dalawa at alam ko na tinitignan din ng mga kaibigan namin ang bawat galaw namin.

"Hindi pa naman." Saad ko at bumaling kay Monica. "Monica, kamusta sa trabaho?" Makahulugang saad ko. Kinuwento kasi ni Klarisse sa'kin na mayroon daw nanliligaw sa kanya. At isa pa sa mga boss niya!

"Okay lang naman! Masaya!" saad niya at nahuli ko pa ang pagpula ng pisngi niya. Dahil doon ay agad ko siyang inasar at mukang ilang na ilang siya dahil doon.

"Sinasabi ko sa'yo, Monica! Lolokohin ka lang noon." Nagulat ako ng biglang sumabat si Vincent at ganoon pa ang sinabi. Tumitig ako sa kanya at nakita ko ang pagkaka-inis niya... O sa'kin lang iyon?

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon