Chapter 11

1.9K 47 1
                                    

Chapter 11: LDR

The pain of parting is nothing compared to the joy of meeting again.

Suminghot ako nag-iwas ng tingin habang naririnig ko na nagpapaalam na si Chuck sa mga kaibigan namin isa-isa. Today's his flight at nagdesisyon kami lahat na sumama para maihatid namin siya.

"You take care, bro.", narinig ko na sinabi ni Kevin nang nagkaharap sila ni Chuck. Nagyakap pa sila at nagbro fist.

"Yup. I will."

Ganoon din ang ginawa niya doon sa iba pa. Nang matapos siyang magpaalam sa kanilang lahat ay ako naman ang binalingan niya. Agad niya akong niyakap ng mahigpit at walang ibang sinabi. He just hugged me tight.

"Mauuna na kami sa labas, Aiza.", ani ni Monica. Tumango ako at tuluyan na silang lumabas.

Nang humiwalay si Chuck ay agad nya naman akong tinitigan. He held my face at saka inilapit iyong mukha niya. He kissed me ng ilang beses bago ulit ako binalot ng yakap.

"Damn, I don't wanna leave.", bulong niya. Ngumiti ako at hinayaan siya sa mga ginagawa niya.

Kahapon palang ay hinanda ko na ang sarili ko sa pag-alis niya. I told myself na hindi ako iiyak kasi after ilang months ay susunod naman ako sa kanya doon. Pero habang pinapanood ko siyang inaayos na iyong mga luggage niya ay hindi ko mapigilan na maiyak.

"I'll call you when I arrived.", aniya at muli akong tinitigan. Iyon ang naging hobby nya simula last week. Ang titigan ang mukha ko na para bang he's memorizing it.

Tumango ako at mabilis siyang niyakap.

"Mamimiss kita.", saad ko.

"Mamimiss din kita.. Sobra.."

Sinamahan ko siya hanggang sa may entrance ng airport. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad. Noong nandoon na kami sa may guard ay agad nitong tinanong kung sino iyong pa-flight samin.

"Hanggang dito nalang kasi iyong maghahatid.", ani noong guard at inasikaso na iyong isang foreigner.

Ito na.. Shit.. Nag-iinit na ang gilid ng mata ko pero pinigilan ko na tuluyang maiyak.

"Your promise, ha?", ani ni Chuck at niyakap na naman ako. Tumango ako. Yes, I'm not forgetting my promise.

"I love you.", aniya at mabilis akong hinalikan. Nagtagal ng ilang segundo iyong halik na iyon bago siya tuluyang lumayo sa'kin. Niyakap pa niya ako ng isang beses bago siya nagpaalam na aalis na.

Habang pinapanood ko siya na naglalakad doon at pumipila ay parang pinipiga ang puso ko. Alam ko na mabilis ang panahon at alam ko na susunod naman ako sa kanya doon pero masakit na sa loob ng ilang buwan ay hindi ko siya mahahawakan, mayayakap, o makikita man lang ng personal.

Kumaway ako ng lumingon siya sa'kin. Kitang-kita ko sa pwesto ko ang pagkindat niya sa'kin at pagngiti. Nagflying kiss pa siya at isang huling lingon lang ang ginawa niya bago siya tuluyang pumasok sa loob at tuluyang mawala sa paningin ko.

Napapikit ako at huminga ng malalim.

I'm gonna miss you so much, Chuck..

Nagtagal pa ako doon ng ilang sandali bago ako tuluyan na lumabas ng airport kung saan naghihintay ang mga kaibigan namin.

The following day ay hindi ako sanay dahil wala iyong umaga pa lang ay tumatawag na sa'kin. Hindi ako sanay na walang Chuck ang sumusundo sa'kin at naghahatid sa trabaho ko. Parang lahat bago sa'kin. Lahat nakakapanibago.

"Uy may namimiss!", pang-aasar ni Klarisse.

"Tumawag na ba?", ani ni Monica.

Tumango ako at naupo na sa upuan ko at sinimulan na gawin ang trabaho ko. Kahit dito sa office ay naaalala ko pa rin si Chuck. Nami-miss ko na siya at hindi na ako makapaghintay na umuwi para makapag-skype na kaming dalawa! Shit!

Nang mag-uwian nga ay madaling-madali ako na dumiretso na ng uwi sa bahay. Hindi pa ako nakakapagbihis ay agad na akong nag-log in sa skype ko at nang nakita na online na si Chuck ay kaagad ko na siyang iminessage.

Ako:
I'm home!

Pagkasend ko noong message ko ay mabilis rin na tumunog iyong skype. He's already calling!

Inayos ko lang ang sarili ko at sinagot na agad iyong tawag. Abot-abot ang pagwawala ng puso ko nang makita ko na siya ulit.

"Hello! I miss you!", his voice was husky. Nakita ko na nakahiga siya kaya siguro ay bagong gising pa lang sya or patulog na.

Ngumiti ako sa kanya. "Miss na rin kita.", saad ko. "Kailan nga pala ang work mo?", tanong ko at saglit na tumayo para hubarin iyong sapatos na suot ko.

"Tomorrow start na ako.", he said. "Kakauwi mo lang?", tumango ako at naupo na ulit sa harap ng laptop ko.

Nagkwentuhan kami doon ng tungkol sa kung anu-ano lang. He also keeps on reminding me about sa promise ko na kailangan ko daw tuparin kung hindi ay uuwi sya dito para lang magkasama kaming dalawa.

"Next month, pwede na?", aniya at nakita ko sumilay ang ngisi sa labi niya.

"Titignan ko pa. Pero kung hindi next month ay baka sa susunod na buwan.", paliwanag ko sa kanya dahil hindi naman pwede na basta-basta nalang ang pagreresign ko.

Natawa ako ng makita ko na napanguso siya ng dahil sa sinabi ko. Ang cute nya! Nakakamiss talaga ang mokong!

"Ang tagal ng two months.", aniya. "Pero sige na nga. Miss na miss na talaga kita e, agad.", saad niya.

Naku! Kung alam lang niya ay mas miss na miss ko na siya kaagad. Naiiyak na nga ako kagabi kapag naiisip ko na hindi ko siya makikita kinabukasan e.

"Kwento ka pa, babe. What happened today sa office?", aniya, sinusubukan na buhayin ang usapan namin.

Katulad ng sinabi niya ay nagkwento nga ako. Habang nagkukwento ay nakita ko ang paghikab niya pati na rin ang pagbalot niya sa sarili niya lalo sa puting comforter. Niyakap niya iyong unan sa tabi niya at ngumisi.

"I wish you're this pillow.", bulong niya sa malambing na tono. Agad na nag-init ang mukha ko.

"Miss na miss na kita, Chuck.", ngumuso ako ng dahil sa paglalambing ko. Nakita ko nakagat nya ang labi nya at nilapit niya iyong phone nya sa mukha niya.

"I'll kiss you.", aniya at inilapit iyong labi niya sa may camera. Natawa ako at mas lalo pa siyang namiss ng dahil sa mga ginagawa niya.

"I love you, Aiza.", aniya pagkatapos. "I know di ka pa pwede sumunod dito kaya for the mean time ay magtitiis muna tayo sa LDR.", ngiti niya na nakapagpawala na naman sa puso ko.

Tumango ako. There's no other option.

Nagtagal pa ng isang oras ang pags-skype namin bago ko nakita na inaantok na siya dahil na rin sa halos mapikit na siya habang pinipilit pa rin na magkwento at lambingin ako. Ayoko naman na mapuyat siya since first day nya bukas kaya labag man sa loob ko na magpaalam na ay ginawa ko pa na para makapagpahinga na siya.

"You're sleepy. You should sleep.", saad ko.

Nakita ko na kinusot niya iyong mata niya bago siya dahan-dahan na tumango.

"Don't end the call. I wanna watch you sleep.", saad niya habang nakangiti.

Pumayag na rin ako dahil miss na miss ko na din talaga siya. Shit! Hindi ko alam kung makakatagal ako ng ganito kami. Baka sa pagkamiss ko sa kanya ay baka next month lang sundan ko na siya doon agad.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon