Chapter 5

2.4K 51 2
                                    


Chapter 5: Birthday


"Are we here?", tanong kong muli habang nararamdaman na huminto na kami sa paglalakad. I heard Chuck chuckled.

"You're too excited.", aniya at naramdaman ko na kinalas niya iyong pagkakatali noong blindfold sa likod ng ulo ko.

Ngumuso ako. Kung hindi niya naman ako biglang kinidnap sa bahay at biglang nilagyan ng blindfold na ganito ay hindi naman ako maeexcite ng sobra. 

"Sinasabi ko sa'yo ha, pag ito isa na naman sa mga kalokohan mo-", I opened my eyes at agad na nalaglagan ng panga ng ang bumungad kaagad sa'kin ay ang mga nakangiting mukha ng mga pinsan ko at mga kaibigan ko.

"Happy birthday!", sabay-sabay nilang sigaw.

Natawa ako at hindi napigilan na lingunin si Chuck nang maramdaman ko ang pag-akbay niya sa'kin.

Sinimangutan ko siya habang siya ay titig na titig habang nakangiti sa'kin. Kaya pala ayaw niyang magsalita kahit na kanina ko pa siya kinukulit ay dahil ganito! And he didn't even tell me na magsuot ng maayos! Isang maong shorts at t-shirt lang ang suot ko saka tsinelas. Ang akala ko kasi ay sa malapit lang kami pupunta pero I was wrong!

"Happy birthday, babe.", sabi niya at mabilis akong hinalikan sa harap ng maraming tao. Nag-init kaagad ang mukha ko at rinig na rinig ko ang kantyawan noong mga kaibigan namin sa'min.

Nang humiwalay siya sa'kin pagkatapos ng halik niya ay mabilis kong pinalo iyong braso niya pero mabilis din siyang niyakap. I'm extra happy dahil andyan siya sa tabi ko.

"Just dinner, Aiz. May pasok ako ng maaga bukas.", saad ni Klarisse habang nasa lamesa na kami at kumakain. Inilibot ko ang tingin ko buong lugar at nakita na halos puro kaibigan at kakilala namin ang nandito sa buong restaurant. Now I wonder kung ni-rentahan ba ni Chuck ang buong lugar para sa birthday ko.

"Happy birthday, Aiza!", lumingon ako kaagad sa bumati sa'kin at agad na nakita si Neo na nakangiti at mayroong dalang paper bag. Tumayo kaagad ako at sinalubong siya ng high five.

"Thank you!", saad ko. "Kailan ka pa nakabalik?", tanong ko. Ang alam ko kasi ay nasa Japan siya para sa seminar na dinaluhan niya dahil sa trabaho.

"Last night.", kibit-balikat niya. "Can I hug you?", aniya. Tumawa ako at handa na sana siyang yakapin kung hindi lang biglang sumingit si Chuck.

"Bastusan, bra?", aniya at tumayo na rin. "Oh, ako nalang yayakap sa'yo. Isipin mo nalang si Aiza.", aniya at mabilis na umamba ng yakap kay Neo. Ngumiwi si Neo kaya nagtawanan kaming lahat ng nasa table.

Neo took the sit beside Monica. Nagsimula na rin siyang kumain at nagkaroon din ng kaunting inuman iyong mga boys. Ang alam ko ay by ten uuwi na rin sila. May mga pasok kasi sa office kinabukasan. Buti nga at natapat ng Sunday ang birthday ko kaya nakapunta pa sila.

"Aiz, una na kami ni Lucas. The fucker won't calm his tits.", ani ni Andrew noong biglang lumapit sa'kin. Kagagaling lang niya sa may table kung saan nandoon iyong mga lalaki. Kita ko na nakatayo si Lucas habang nasa tainga iyong phone.

"Nag-away yata sila noong girlfriend niya. Ayan tuloy! The fucker is being a bitch.", aniya at humagalpak ng tawa. Kaagad ko siyang sinapak at tumingin ulit kay Lucas na ngayon ay palapit na sa pwesto namin.

"Aiz. Una na kami. Hahatid ko lang si Andrew sa bahay.", tumango siya at binalingan iyong si Chuck na katabi ko. Nag-high five sila bago tuluyang umalis.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon