Chapter 9

2K 52 0
                                    


Chapter 9: Patiently


Mas naging busy si Chuck nang mga sumunod na linggo dahil sa training niya. Kung dati ay nakakapagkita pa kami pagkatapos ng training niya ay ngayon hindi na. Mas tumagal at mas dumami ang araw na kailangan niyang pumunta sa opisina. Alam ko medyo nakakatampo na nga kasi namimiss ko na siya, pero ayoko na sabihin sa kanya iyon dahil panigurado na ititigil niya iyong pagte-training niya para lang makapagkita kaming dalawa. I don't wanna sound like a possessive girlfriend kaya susuportahan ko nalang siya.

"Will he make it, Aizelle?", nilingon ko muli si Mommy at bahagyang ngumiti. Malambot ang ekspresyon niya habang pinapanood ang bawat galaw ko.

Tumango ako. "Opo. Papunta na daw po siya.", saad ko at tinignan muli ang phone ko kung saan nandoon ang huling text ni Chuck sa'kin.

Chuck:

I'm on my way. Last day ko na ng training. Finally! Can't wait to see you! I love you.

Yup. Today's his last day sa training niya. Almost one month din siyang naging busy dito. Sobrang miss na miss ko na din siya dahil sa mga hindi namin madalas na pagkikita.

"Oh, he's here.", biglang sabi ni Mommy. Napatingin ako sa kanya na may tinitignan sa likod habang nakangiti. Sinundan ko ang tingin niya at agad na nagwala ang puso ko ng makita ko si Chuck. Pormal ang suot niya at mayroong bouquet na hawak. Nang mapatingin siya sa direksyon namin ay ngumiti siya at mabilis na naglakad hanggang sa makarating sa table namin.

"I missed you!", aniya at mabilis akong hinila at niyakap kahit na nasa harap namin si Mommy. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at niyakap ko na rin siya pabalik. Sobrang higpit ng yakap niya na parang ayaw niya na akong pakawalan.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng maya-maya ay humiwalay na din siya. Napunta ang tingin ni kay Mommy at napangiti nalang ako habang tinitignan siya habang binabati si Mommy.

"Good evening po, Tita.", ani nito at agad na dinaluhan si Mommy para halikan sa pisngi. "Sorry po late. Traffic po, e."

"It's okay. I understand.", ngiti ni Mommy. "Oh, take a seat na. Let's order food. Parating na rin ang mga anak ko.", aniya at nagtawag ng waiter.

Naupo na rin kami ni Chuck at sobrang nahihiya ako dahil kahit na kinakausap siya ni Mommy ay hindi pa rin niya maiwasan na bumaling sa'kin para ngumiti o di kaya ay bigla akong kindatan.

"I heard you're on training? Para sa work sa Singapore?"

Ngumiti si Chuck at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. "Opo. Aizelle advised me to accept the job. Maganda din po kasi 'yung experience.", saad niya at nilingon ako.

Nanatili ako na pinapanood siya doon. Hindi ko alam pero I'm so proud of him. Sa mga decisions niya at sa pagtupad niya sa lahat ng pangako niya sa'kin noong college pa kami. It's been a year at sobra ang ipinag-mature niya. I feel so proud and lucky because I have him.

Maya-maya lang rin habang nagku-kwentuhan kami at hinihintay iyong pagkain ay dumating na sila Rafael. Naka-jersey pa siya at mukhang galing sa laro. Si Symon naman ay naka t shirt lang at pants. Nang dumating sila ay agad akong dinaluhan ni Rafael at binati.

"I miss you, ate!", aniya at hinalikan ang pisngi ko. He then occupied the seat beside me. 

Ngumiti ako at binalingan siya. "I missed you. How's your day? Saan ka galing?", tanong ko.

"Basketball practice. Makulit e, kaya sinamahan ko.", si Symon ang sumagot noon sa'kin. He's smiling while looking at me tapos ay kay Chuck.

I won't deny it. Sa sandaling panahon na nakilala ko sila ni Rafael ay nagkasundo na rin kami. He's kind at fun to be with. Hindi siya nakakailang kasama.

Pinakilala ko si Chuck sa kapatid ko pati na rin kay Symon. Sandali pa lang nagkakakilala ay close na agad si Chuck at Rafael. Para lang noon kay Xander.

After the introduction ay kumain na din kami. Pinaglalagay pa nga ako ni Chuck ng pagkain sa plato ko kaya hindi matanggal ang pag-iinit ng pisngi ko kasi alam ko na pinapanood kami. Kakahiya talaga 'tong si Chuck. Kung mayroon kasi syang hindi pinagbago simula noong college ay iyong pagiging maalaga niya sa'kin. 

Matapos namin na kumain ay agad na ring nagpaalam sila Mommy na aalis. Medyo na-enjoy kasi namin iyong pagkain pati na rin ang kwentuhan kaya medyo late na kami natapos. Iyan at nag-aaya na agad si Rafael dahil inaantok na raw siya.

"Nice to meet you, Hijo.", ani ni Mommy bago sumakay ng sasakyan. "Thank you for taking care of my daughter.", saad niya bago hinalikan sa pisngi si Chuck.

"No problem po, Tita. It's my job.", sagot ni Chuck bago ako binalingan at kinindatan.

After noon ay umalis na rin sila Mommy. Hindi nagtagal at sumunod na rin kami ni Chuck. 

Habang nasa sasakyan ay hindi nakaligtas ang pagsulyap-sulyap niya sa'kin at hindi ko alam kung bakit ang seryoso ng mga tingin niya sa'kin. Nang hindi na ako nakatiis ay kaagad ko na siyang sinita dahil doon.

"What's with the serious face?", tinaasan ko siya ng kilay.

Kitang-kita ko ang pag-iling niya at bahagyang pagtawa niya dahil doon. Pagkatapos noon ay sumeryoso muli ang mukha niya.

"Ano nga? Your serious face's bothering me!", pamimilit ko. Nakita ko ang pagsulyap niya sa'kin ng isang beses bago siya huminga ng malalim.

"Already got the date of my flight.", seryosong saad niya. Natahimik ako dahil doon.

Bigla ay parang gusto ko nalang sabihin sa kanya na wag nang tumuloy. Pero pinigilan ko ang sarili ko. I'm the one who pushed him to accept the job kaya dapat ngayon na ginawa niya na iyong sa tingin ko ay makakabuti sa kanya ay dapat suportahan ko nalang siya.

"T-Talaga? Kailan?", sabi ko at pinilit na huwag ipakita na apektado ako.

"Next week.", simpleng saad niya at hindi na muling nagsalita.

Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at bumaling sa may labas ng bintana ko. "Magpapadespidida ka?", kunwaring ayos lang na tanong ko.

Narinig ko ang pagsagot niya ng Oo sa tanong ko. Tango lang ang sinagot ko sa kanya at hindi na ako nagsalita ulit. Now I imagined paano ako pag umalis na siya. I'd honestly miss him. Ngayon pa nga lang na andito na siya ay namimiss ko na siya paano pa pag umalis na siya. 

Nang makarating kami sa bahay ay isang halik sa pisngi lang ang ibinigay ko sa kanya bago ako bumaba sa sasakyan niya. Pagkalabas ko ay nagulat ako ng sumunod siya sa'kin. I opened the gate pero bago ko iyon mabuksan ay naramdaman ko na kaagad ang pagyakap niya sa'kin mula sa likuran.

"I miss you. Sobra.", aniya. "Damn, hindi ko alam kung kaya kong umalis.", bulong niya at naramdaman ko ang pagbaon niya sa mukha niya sa balikat ko.

Pinilit ko na magmukhang ayos lang sa'kin ang pag-alis niya. It's for him, kaya titiisin ko kahit na parang di ko rin kaya na umalis siya.

"W-We'll skype everyday..", saad ko. Naramdaman ko ang marahang pagtango niya. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa nagpaalam na siya na uuwi na.

"I love you so much.", aniya at marahan akong hinalikan sa noo bago siya tuluyang umalis.

Parang pinipiga ang puso ko habang pinapanood ko ang sasakyan niya na unti-unting nawawala sa paningin ko. Hindi ko alam pero naiiyak ako kapag naiisip ko next week ay aalis na siya. Hindi ko alam gaano siya katagal doon. One month? Two months? One year? I really don't know. Pero isa lang ang alam ko..

I'd be patiently waiting for him to return. Hihintayin ko siya ulit na bumalik.. Here.. With me...

***

At twitter....

@chuckjimenezz: The thought of not seeing or touching her is killing me. Damn. #onemoreweek


One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon