Chapter 23

1.8K 44 2
                                    


Chapter 23: Blood Related

Matagal ko nang sinusubukan na isipin ang magiging reaksyon ko sa oras na magkita kami ni Chuck. And when I learned na uuwi na siya ay nagdulot ng sobrang kaba para sa'kin.

I know na nagkahiwalay kami because of what he did. Kahit na noong una ay ayaw ko na aminin, alam ko I'm at fault too. Maybe masyado akong pabaya para maisipan niya na his ex is a better choice. At kasalanan ko iyon. Masyado akong nakampante na his feelings for me wouldn't change.

Pero I was wrong... People change and so do feelings.

"Aiza, we'll be late!", inaayos kong kasaluluyan ang buhok ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. It was Symon.

Katulad ko ay bihis na rin siya ng kanyang formal na damit. Ngumisi siya nang nakita ako.

"Looks good on dresses.", aniya at tumaas ang kilay. "Tara na, andoon na si Mommy."

Tumango ako at kinuha na ang bag ko tapos noon ay sabay na kaming bumaba.

Mom and Tito Anton came home para sa opening ng restaurant namin ngayon. They booked a one week vacation here. Si Rafael naman ay hindi nakasama ng dahil sa school niya.

Habang nasa byahe kami papunta nang venue ay hindi ko maiwasan na kabahan. I know this would be a success pero kinakabahan pa rin ako ng sobra.

Mas dumoble ang kabang iyon noong dumating na kami sa mismong lugar ng Olíve. Marami na kasing tao.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang lipstick ko sa bag. Naglagay lang ako ng kaunti tapos noon ay sabay na kaming lumabas ni Symon sa sasakyan.

"Symon, Pare! Long time no see!", agad kaming sinalubong noong sa tingin ko ay kaibigan or something niya. Nagyakap lang sila noong lalaki bago sila parehas na bumaling sa'kin.

"Woah, girlfriend mo?", tanong nito. Agad akong umiling dahil doon.

"Stefan! She's Mom's daughter!", paliwanag nang natatawang si Symon.

Tumango iyong si Stefan at ngumiti. Nabigla pa ako ng i-offer niya ang kamay niya sa'kin.

"Stefan, Symon's cousin.", aniya. "Nice to meet you, young lady."

Dahil ayoko na maging rude ay sinuklian ko nang ngiti ang mga ngiti niya. I accepted his hand at nakipag-shake hands.

"Nice to meet you too, I'm Aizelle.", ngiti ko.

Bukod sa kay Stefan ay marami pa akong nakilala na kamag-anak nila. And they're all good to me. Iyon nga lang ay palagi kaming napagkakamalan na mag-on ni Symon.

"Tito, she's Mom's daughter po. Not my girlfriend.", ngumiti si Symon sa Tito niya. His Uncle looks apologetic at me.

"Ang gandang dalaga.", aniya. "For a second there akala ko ay girlfriend ka nitong pamangkin ko.", nanghihinayang na saad niya. Ngumiti nalang ako at binati pa ang iilang mga bisita.

Habang tumatagal ay marami-rami pa ang mga dumadating. Hanggang sa mayroong pamilyar na grupo ang dumating. I smiled at agad na nagpaalam kay Symon para salubungin sila.

"Symon, my cousins and friends are there. Pupuntahan ko lang."

Hindi na ako naghintay na sumagot siya at agad nang umalis.

Unang nakapansin sa'kin ay si Klarisse. Agad niya akong nginitian at sinalubong ng yakap, ganoon rin ang ginawa ni Monica.

All of them are here. Si Andrew ay narito. Si Lucas, with Iea, his girlfriend. Tapos iyong mga lalaki na kaibigan namin. Ang wala lang dito ay si Kuya Marco and si Neo.

"Kuya Marco's in Palawan. May inaasikaso ata doon.", ani ni Lucas.

"Okay lang. Nakausap ko na naman siya.", ngumiti ako at binalingan ang girlfriend niya. "Hello, Iea.! I'm glad you came!", saad ko rito at saka siya bineso-an. She smiled at me at mayroong inabot na wine.

"Para sa'yo. Congratulations!", nahihiyang saad nito.

"Naku, nag-abala pa kayo ni Lucas!", saad ko at kinuha ang wine na bigay niya. Sinamahan ko na rin sila sa isang table para sa pwesto nila.

"I-enjoy niyo lang ang foods, ha! I'll just go greet the other visitors.", paalam ko bago ako umalis.

Bumalik ako kung nasaan si Symon. Mom's there with Tito Anton. Nang makita ako ay agad akong tinawag ni Mommy at pinakilala sa mga kausap niya sa may table.

"This is my daughter, Aizelle.", she said.

Binati ko silang lahat at agad na nahiya nang dahil sa mga papuri nila.

"She's so pretty, ha!", ani noong isang sa tingin ko ay Tita ni Symon.

"Oo nga, ang akala ko nga kanina ay girlfriend siya nitong si Symon. Sabay kasi silang dumating and they really look good together.", ani pa noong isa.

Hindi nalang ako kumibo at napatingin nalang sa kay Symon na nasa harapan ko. He is shaking his head tapos ay ngumiti, he's talking to one of his cousins.

"I'll agree! Bagay nga talaga sila nitong si Symon.", nagulat ako nang iyong isang Tito naman niya ang nagsalita ng ganoon. "Pwede naman, hindi ba? I mean, they're not blood related."

Tuluyan nang napawi ang ngiti ko at hindi na muling makangiti pa. I looked at Mom na ngayon ay nakatingin sa'kin at parang humihingi ng sorry. I forced a smile to show her na okay lang iyon.

"Albert, enough of that. Kumain na tayo.", si Tito Anton ang nagsalita noon. Napatingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

Nang nagsimula sila na kumain doon ay nagpaalam na muna ako na aalis. I don't want to be rude kaya kahit na papaano ay nagpapakita ako ng paggalang.

Bumalik ako sa table ng mga pinsan ko at inasikaso sila nang nakita na nagsisimula na silang kumain doon.

"Couz, ang sarap ng shrimp dito, ah! Pwedeng pa-take out?", ani ni Andrew montik ko na siyang mamura pero instead ay ngumisi nalang ako at tumango.

"This will surely hit. Ang sarap ng mga nasa menu niyo. Instead na puro french cuisine ang food niyo ay nilagyan niyo ng kakaibang twist by putting a Filipino all time favorite dish!", ani ni Monica.

Ngumisi ako. Kahit na papaano ay nababawasan ang kaba. I'm glad they liked the food. Ang iba kasi na nasa menu ay kami ni Symon ang nagdevelop.

Dahil hindi pa rin ako nakakakain simula ng dumating ako rito ay sumabay na ako sa kanila. As always ay palaging masaya ang ambiance kapag sila ang kasama ko. This is one of the things na namiss ko noong nagpunta ako ng Paris.

"Aiz, chill time mamaya oh? It's been a while na simula noong huli ka namin makasama na magbar.", said Klarisse.

Natatawa akong tumango. "Oo naman, my treat.", tumaas ang kilay ko at agad na natawa nang sabay-sabay silang naghigh five nang dahil sa pagpayag at panlilibre ko.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon