Epilogue

5.4K 115 14
                                    

Please do support my other stories. Thank you!

Epilogue

"Pasensya na, bro. Ayaw talaga eh.", nahimigan ko na ang inis sa boses ni Andrew ng sinabi iyon ng tumawag ako sa kanya.

Gusto kong magmura at sitahin sila kung bakit ayaw nilang magbigay ng impormasyon tungkol kay Aiza. Her number in Europe. Her address or whatsoever. Pero mas gusto kong magwala dahil alam ko na si Aiza ang may sabi noon sa kanila, ang huwag ibigay sa'kin ang mga iyon.

Damn! Ganoon kadali, ganoon kadali niyang tinapos ang lahat sa'min.

Noong iniwanan niya ako, I was devastated. Hindi ko alam paano ako magsisimula ulit. Saming dalawa kasi, ako iyong mas matindi ang pagmamahal. I know, kasi kung mahal niya ako katulad ng kung gaano ko siya kamahal, hindi niya iisipin na hiwalayan ako.

Ilang beses. Ilang linggo akong naglalasing dahil sobrang sakit noong ginawa niya. Isipin mo? All of a sudden, bigla niyang pinutol lahat ng koneksyon na meron kami.

Yeah, I get it. I was to blame too. Dahil hindi ko inintindi iyong naging desisyon niya. But fuck, I was mad. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa sobrang galit ko. Who wouldn't right? Sinabi niya na pupunta siya sa'kin sa Singapore pero nalaman ko nalang nasa Europe na sya. Is she some sort of kidding me? Of course, nagalit ako. Dahil doon nag-away kami. She said I am too selfish. She said sarili ko lang iyong iniisip ko dahil hindi ko maintindihan iyong desisyon niya. Pero fuck that. Paano naman ako? Paano naman 'yung mga desisyon ko? Ako nalang ba iyong laging iintindi?

I tried to contact her pero hindi niya iyon sinasagot. I know her too damn well. Alam ko na kapag galit siya ay kailangan niya pa ng time para pahupain iyon. So binigyan ko siya ng time. Pero, shit! Sa tuwing binibigyan ko siya noon ay palagi siyang nakakawala sa'kin.

Hindi naman din lingid sa kaalaman ko na nakita niya ang picture na naka-tagged sa'kin sa Facebook. Yeah. I was with Jasmin, and our other highschool friends. Nakipagkita sila doon sa'kin. I wanted to say no kasi hindi pa kami maayos at nakakapag-usap ni Aiza but since I don't wanna be rude ay nakipagkita ako. Isang beses lang naman, hindi na ulit mangyayari.

The picture was a photo of Jasmin and I. It was a stolen shot. Sa picture ay makikita na nakatitig ako kay Jasmin habang nakangiti. Pero damn, the picture doesn't speak for itself! Stolen nga hindi ba?

I was staring at our gay friend na nasa may tabi ni Jasmin. Hindi siya kita sa photo kaya hindi kita na dahil sa kanya at sa kung anong nakakatawang sinabi niya kaya ako nakangiti.

And she saw that goddamn picture. And I swear to God na kamuntik ko ng bugbugin ang nag-upload ng picture na iyon.

When I was ready to talk to Aiza, bigla ko nalang siyang hindi macontact. I searched her FB account pero wala. Even her skype is cannot be found. All her social media accounts are deleted!

Nagsimula na akong kabahan.

Damn, babe. I lost you, again.

Gustong-gusto ko na umuwi na noon ng Pilipinas o di kaya ay ang sundan siya. Pero naisip ko na para saan pa? She already left me. At hindi ako pwedeng umuwi dahil tuwing naiisip ko iyon na gawin ay naiisip ko na sayang iyong opportunity. Aiza is the one who pursued me to take the job here kaya tinapos ko. Gusto ko na ipakita sa kanya na kaya ko. Gusto ko na kapag nakita niya ako ay magsisi siya na iniwan niya ako ng basta-basta.

So I finished the contract.

Hindi na ako nag-renew ng kontrata ng umuwi ako. Sapat na iyong naexperience ko doon. Tama si Aiza, maganda iyong opportunity na iyon dahil sa halos isang taon ko na nandoon ay malaki ang naipon ko.

One of the Boys 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon