'teri!' tawag ni lorraine sa akin.
'ano?' sandali akong sumulyap at sumagot ko sa kanya habang nagliligpit ako nang mga gamit ko.
makatawag kasi si lorraine akala mo kung sobrang layo namin sa isat isa gayong nasa front row lang siya habang ako naman ay nasa likuran lang niya.
lumapit siya agad sa akin matapos rin niyang pinasok lahat ang mga notebook niya sa bag niya na wala man lang paki alam kong magkacrample naba ang itsura nang mga iyon.
'sige na kasi' yugyug niya sa braso ko.
'anong sige na?'
'magsabi ka kasi nang totoo kung bakit mo kilala si Kevin Clint Parker.' habang binibigkas niya ang pangalan ni kevin ay para siyang nagdaydaydream na nakatitig sa bubung nang classroom namin.
Magkaklase daw ang ate ni Lorraine at si Kevin dati at may Picture ito kayat crush na crush ni Lorraine si Kevin.napailing nalang ako sa mukha niyang parang ewan.
'ilang araw mo nang iniiwasan ang tanong ko, hanggang ngayon di ka parin nagsasabi nang totoo.' pagmamaktol niya.
nagsimula na akong maglakad pagkatapos kung mabitbit ang mga libro.
'sinabi ko naman sayo diba na katulong nila ako.'
hindi ko siya nilingon dahil alam kong susunod siya sa akin.
'hindi nga ako naniniwala kasi ang yaman yaman mo tapos katulong ka nila? hindi ka naman mukhang naghihirap ah.' umakbay na siya sa braso ko nang mahabol niya ako sa may pintuan.
'im their cook okay.'
'cook! eh di ka naman certified chef cook, ano sila namumulubi sa chef? magsabi ka kasi nang totoo at babalatan kita nang nail cutter.!' habang niyuyugyug niya ang balikat ko sa huli niyang sinabi.
ang kulit!
'wag ka ngang sumigaw at baka iisipin nang iba na mali ang pagkaturo sa atin nang tamang paggamit ng nailcutter.'
'ahhh!! wag mong barahin ang trip ko, magsabi ka nang totoo!' sabay padyak niya kaya tuloy hindi ako makalabas labas sa pintuan nang classroom.
nagtinginan naman ang mga kaklase namin sa amin ni lorraine.'DELUXE TAYO!!!!'
sigaw nang isa sa mga kaklase ko.'ahhhhh.....!!!' nagtilian naman ang mga kaklase namin.
'sama ako!!!!!'
'sama kami!!!''uyy..... sama tayo teri!'
niyuyugyog na naman ako ni lorraine.'ayaw ko.' maiksi kong sagot at tuluyang lumabas nang classroom.
'hindi pwedeng hindi ka sumama! diba sabi mo cook ka nila? eh mas mabuti at makakapasok tayo agad na wala nang maraming tanong sa guard.' habol niya ulit sa akin.
'ayaw ko nga uuwi ako ng maaga dahil mag-aaral pa ako.'
'aral ka diyan!bakit ba kasi parati kang nag aadvance!?' hinila niya ang braso ko kayat napatigil ulit ako sa paglalakad.
'eh kasi, baka bigla na naman akong aabsent. mabuti na iyong mag aadvance para hindi ako mabibitin sa lesson.'
'bakit ba kasi panay absent mo at late ka rin halos parati?' tumigil na rin siya sa mukha niyang parang naiirita at nagpatiuna nang maglakad sa akin.
nakasunod na kami sa umpok nang mga kaklase naming pupunta daw sa deluxe.
'hindi na kaya ako nalalate.'
mula nang makabalik na ako sa condo ko hindi na ako late sa school.'basta sasama tayo.' insist niya.
'ayaw ko nga lorraine. ito na lang sa sunday shopping tayo, its on me. okay?'
'ayaw ko. kaya ko namang bayaran lahat nang bibilhin ko.' nakapout pa siya.
'ill buy you a handphone. saan na bansa gusto mo na gawa galing?name it, bibigay ko sa iyo?'
' dont need! mayroon na ako.' tinaas niya pa ang iphone niya sa mukha ko.
'clothes?'
i sounded desperate in bribing this busy body lady.umiling naman siya.
'kahit pa boung clothing line nang auntie mo ang ibibigay mo, hindi ko tatanggapin.''fine. 'tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.'what do you want kasi? hindi talaga ako pwede ngayong sumama sa deluxe dahil may aaralin pa ako.' i give up.
'fine.' sabi niya na hindi nakatingin sa akin at nagpatuloy lang sa paglalakad habang ako naman ay naiwang nakatayo.
'ipakilala mo ako sa kanila.' sabi niya.'what?'
napahabol ako agad sa kanya dahil sa huli niyang sinabi.'sabi ko pakilala mo ako sa kanila, kung ayaw mong sumama pumunta sa club nila mamaya.' sabi niya na nakatitig na sa mukha ko.
'how?' nataranta ako saglit.'fine ill see about that.'
'anong see about that!?kailan naman mangyayari iyan? next decade?!' nakavolume na naman ang boses ni lorraine. haist ghad bakit ba kasi kaibigan ko itong babaeng to? sobrang active at halos minuminuto tataas agad ang volume nang boses.
'okay.' huminga ako ng malalim na ikinangiti niya. haist di ko talaga matiis ang babaeng to, mabait rin kasi ito. kahit na hindi ako nakikipagkausap sa kanya, lalapit at lalapit lang talaga siya at makikipagkwentuhan hanggat nakasanayan ko na lang.
nasanay kasi akong wala masyadong nakaclose na kaibigan dahil sa palipat lipat ako ng school at lugar na halos iba iba ang lengwahe kayat kung walang photoshoot ay aral lang ang pinagtiyatiyagaan ko sa oras ko boung araw.pag mahuhuli na talaga ako maghohome schooling nalang ako gaya nang ginawa ko last year.
pero sobrang lungkot nang homeschooling walang bago kaya pumasok ako ulit sa school.
kahit pa ilang beses akong pagpilitan ni auntie na sa london na mag-aaral ay hindi ako pumayag dahil mag aadjust na naman ako sa lengwahe at environment.
mabuti na rin at nagbakasyon sandali si miss lawrence kayat bumalik ako agad sa pinas at pumasok sa school. wala nang magawa si auntie dahil nakapag enrol na ako pero kung pipilitin talaga niya pupwede naman akong lumipad agad sa london anong oras.
may fashion run away pang dapat akong pupuntahan pero hindi ako sumipot.
labin-apat na taon palang ako ay nakasali na ako sa fashion run away ng isang clothing line sa paris at doon na nagsimula ang lahat ng pictorials ko sa catalogue ng images na company.nakatitig pa pala si lorraine sa mukha ko at naghihintay nang sasabihin ko.
'on Sunday ill introduce you to them'
sabi ko.nagliwanag naman ang mukha niya at lumalaki ang pagkakangiti niya tapos bigla siyang tumalon at hinawakan ang kamay ko at braso dahil nakahawak ako ng libro sa isa kong kamay.
'promise yan hah! isusumpa kita pag hindi mo ginawa, promise! papabarang kita sa kapitbahay nang lola kong aswang na mambabarang daw sabi nong lasingero naming kapitbahay na araw araw naaabutan namin sa kahit saang daan naabutan ng umaga dahil sa kalasingan!'
napakahaba naman at ang bilis niyang bigkas.
natawa tuloy ako at nginitian siya.kakalabas ko lang nang school gate at napasyahan kong maglakad na papunta sa condo ko keysa sa sumakay ng jeepney.
BINABASA MO ANG
That Monster Prince (COMPLETED)
RomanceTherese Jennica Hynson is a happy-go-lucky girl who always loves to have fun. Gino Bray who is rich, famous and a charmer is a prince which got the characteristic of whatever he wants, he gets. he is the perfect guy for girls who always falls for hi...