KABANATA 83

247 6 1
                                    


Past and present

************

Mahinang katok sa pintuan ang nagpagising sa diwa ni Mrs. President habang nakatingin sa kawalan sa harap nang bintana.
Nang bumukas ang pintuan sa opisina niya ay napaismid lang siya nang makita kung sino ang pumasok doon.
Binaba ni Mrs. President ang photoframe na hawak at maayos na nilapag sa ibabaw nang lamesa niya.

Muli si Mrs. President humarap sa bintana at hindi pinansin ang pumasok na may edad na version ni Gino Bray, si Raphael na ama ni Gino.

Bahagyang sinilip ni Raphael ang kakalapag lang na litrato nang matandang Presidente na babae nang limampung dekada na namamahala ng kanyang kompanya.

Nahagip nang mga mata ni Mrs. President na nakita ni Raphael ang litratong hinahawakan niya kanina at agad na bahagya niya iyong tinakpan ng katawan niya.

"nagmana silang dalawa sa ina nila. Puro walang malaking pananaw para sa ikapapanatili nang kompanya sa itaas na kinapupwestuhan nito ngayon. Hinaluan pa nang lalaking pinili niya ay mas lalong naging kawalang ka kwenta-kwenta silang lumaki." Anya nang Presidente.

"siguro nga." Sagot ni Raphael at inabot ang litrato sa lamesa at pinakatitigan ito. "but Gino is different."

Nilingon ni Mrs. President si Raphael na nakataas ang kilay.

"Gino is like you, lucia." Walang gatol na sinalubong nang titig ni Raphael si Mrs. President at tinawag niya ito sa pangalan nito.

Bahagyang nagulat si Mrs. President sa sinabi ni Raphael.

"mas pinili ni Gino na pahalagahan ang pamilya kaysa sa puso niya. Kagaya mo."

"wala kang alam sa akin, Gonzales. Wag kang mangahas na pangaralan ako sa mga desisyong pinili ko para sa mga anak mo!" Diin ni Mrs. Prsedint.

Napangiti nang pait si Raphael. "tama nga kayo wala akong masyadong alam sa inyo pero tama rin kayo na kayo ang nagdesisyon sa mga anak ko. Inamin niyo ring mga anak ko sila at may karapatan ako dahil ako ang ama nila."

"kung iniisip mong babaguhin ko ang naging desisyon ni Gino na magpakasal sa isa sa anak nang stockholder nang kompanya ay nagkakamali ka, desisyon niya ang pakasalan ang anak ni Mr. Weignn---."

"siguro nga, pinili niyang pakasalan ang anak ni Mr. Weignn pero hindi siya aabot sa hakbang na iyon kung hindi dahil sa inyo. Huwag mo kaming gawing dahilan para pagpilian ni Gino. Alam mo kung gaano kahirap ang pagsasakripisyong gagawin ni Gino dahil sa pagtulak mo sa kanya."

"nararapat lang ang magsakripisyo dahil iyon ang nararapat---"

"ikaw bay masaya sa ginawa mo? Nang gawin mo ang hakbang na ginawa ni Gino ngayon dati ay naging masaya ka ba?"

"how dare you bring out some past i dont even remember??!" Galit na sabi ni Mrs. President.

"paanong hindi ko maalala na iyon naman ang bagay na hanggang ngayon ay naaalala mo pa rin, gaya ngayon sa ipinagawa mo sa apo mo."

"wala kang alam, Gonzales! Makakaalis ka na!"

"kung pilit mong ipagpilitan na mangyayari ang bagay na gusto mo dahil nagawa mo na dati at nagtagumpay kang mabuhay nang dahil iyon ay nagkakamali ka, dahil ang paghihirap na dinanas mo ay ganun rin ang ipinadanas mo sa apo mo. Kahit ilang ulit mong gustong iwasan ang pangyayaring may sumuway sa utos mo ay mauulit at mauulit pa rin ang naging sitwasyon mo dati. History will repeat itself at alam mo mismo kung ano ang mararamdaman ng taong maiipit sa sitwasyon na ito."

Napatahimik si Mrs. President na nakaharap kay Raphael.

"hindi ko papayagang gagawin mo iyon sa anak ko. Ikaw mismo ang nakakaalam dahil mas pinili mong iwan ang lalaking minahal mo para lang protektahan ang kompanyang itinayo nang mga magulang mo. Pinili mong magpakasal sa taong hindi mo minahal kahit kailan at nang mamatay ito naiwan kang mag isa. Gusto mong magiging maayos ang buhay nang apo mo? Huwag mong igaya ang buhay nila sa iyo na mag isang papasanin ang bigat nang responsibilidad at walang mahihingan nang damay dahil wala ka nang ibang binigyan nang puso mo."

That Monster Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon