WAR

366 15 1
                                    

''bat ba ang aga mong umuwi kahapon?''
kublit ni lorraine sa braso ko habang nagmamadali akong lumabas ng room dahil gutum n talaga ako.

''highblood na ako kayat umuwi na ako ng maaga.'' walang gana kong sagot. wala na talaga akong energy gusto ko nang kumain.

''si Jeff kamusta?''
napalingon ako sa kanya habang nagmamadaling isira ang sling bag niya na kahit canteen lang ng school ang pupuntahan ay hindi niya pa maiwan iwan sa loob ng vlassroom ang bag niya.

bumuka sara ang bibig ko dahil wala akong maisagot.
iniwan ko pala si Jeff kahapon na hindi man lang kinumusta kung napano na siya dahil sa sontok ng menopausal prince na yon.

i just shrug and continue walking.

''andito daw ang deluxe kahapon.'' kublit niya ulit sa braso ko ng makasabay na siya sa paglalakad ko.

''ikaw hinahanap nung apat no? sayang wala si Gino kahapon, sa hospital wala rin siya tapos kahapon wala rin. sigoro may something kayo no?''

''something ka diyan.'' i shake off my shoulder to let go of Lorraines grip.

iyon ang may something, iba ang takbo ng utak hindi kayang intindihin ng powers ko at ako naman ay busy dahil sa pagdating ni Auntie gayong exercise at major diet ang ginawa sa akin pagdating na pagdating niya. kailangan ko na ring magmadali sa pagkain at baka mamonitor ulit ako nun.

'"hoy! earth to jennica! kanina pa ako nagsasalita dito tas ikaw ang tahi tahimik mo.
ano na naman iniisip mo? ikaw ba ay umamin na kung bakit ang apat ay malapit sa iyo at ilakad mo ako isa sa kanila para naman kahit ang hirap mong intindihin ay mamarapatin ko nalang.''

napangiwi ako sa litanya ni Lorraine, ilalakad talaga?
seriuosly?
alam ba niyang malakas ang sapi ng mga taong iyon, minsan mabait, minsan parang may dalaw at beastmode sa kahit kunting bagay lahat mood swings ang aura.

haist hindi pa rin nagbabago.

''miss ka ata ng mga iyon. busy naman sila sa trabaho nilat pag aaral tapos na daanan ka pa nila dito kahit alam nilang magkakagulo sa school dahil sa presensiya nila ay nirisk nila makita ka lang tapos hindi mo sinipot.'' himutok ni Lorraine.

Sabagay, namis ko rin ang mga higanting iyon na isip bata. sigoro kailangan ko na rin silang daanan sa club.

**********
naglilinis ako ng banyo ng may marinig akong tilian sa labas.
grabe na tili iyon na sa ikatlong palapag pa ako ng club tapos rinig na rinig ko.
i climb ontop of the toilet bowl to peep the window.

mga babaeng nakauniporme sa sikat na university?
anong ginagawa ng mga babaeng iyon dito?
ang aga aga pa hindi pa magbubukas ang club ah... maya pang 2:00 pm alas dose palang.

parang nahihirapan si manong Gard sa baba na pigilan ang mga babaeng pumasok sa club, makababa nga.

dahil tinamad akong dumaan sa loob dahil andon ang nakahilata na si Seth sa sofa habang naglalaro ng race car sa playstation, ginamit ko na lang ang spiral stairs na pababa sa club mula sa fire exit ng banyo.

**********
Bwisit!!!!
ano na naman problema ng mga to??
nagluluto ako dito tapos may nagsisigawan sa labas na naman ng club.

sinulyapan ko ang mga batugang isip bata kung papakainin, walang pakialam sa mundo nakahilata at patuloy sa walang kwentang ginagawa.
ewan ko ba sa lima na ito at andito simula kaninang tanghali?
hindi naman ako kinakausap.
nagsabi lang ng guatong kainin kaninang tanghali tapos kumain tapos humilata tapos kinausap ako ulit ng gustong kakainin tapos humilata.

lima sila, which means included ang menopausal prince.
sinusulyapan ko nga kung baka mang aaway naman pero hindi naman namamansin sa akin.
may masama atang hangin na nadaanan tong lima?

That Monster Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon