the monkey eating egg

749 32 3
  • Dedicated kay Pauline Alcansado
                                    

''Gino!! Gising ka na!!!!mabuti naman gigisingin sana kita pagbaba ko.''  all smile pa.
tssss hindi talaga ako makapaniwala sa babeng ito.

Ang lawak- lawak ng ngiti niya. Napansin ko pantulog pa ang suot niya.

She dont have to be loud dahil ang lapit lang ng puno sa bintana ko.

''anong ginagawa mo diyan!''

''tinitingnan ko lang naman ang pugad ng ibon doon sa taas oh, sisilipin ko lang kung anong nandun. " sabay turo sa dulo ng puno.

''hoy!! bubuwit!! bumaba ka diyan. Tingnan mo sa baba o ang ingay-ingay nila. Nanggigising ka ng taong tulog pati patay halos magising sa kakasigaw nila.''

Tumingin siya sa baba at nadulas siya mabuti at nakahawak pa siya ng mahigpit sa branch.

"OPPSS."

iyon lang ang sabi niya. Tapos ako halos mahulog rin ang puso ko sa nakita ko sa kanya,  tapos ngingiti-ngiti lang siya???.
Whatthef???!!!!

May diperensiya ata ito sa utak.

"HOY!! Dahan-dahan naman diyang bumaba, pag mahulog ka at mamatay... wala naman akong paki-alam... pero pagmamatay ka talaga, responsibilidad ko iyon dahil dito ka naktira. Kayat huwag na huwag mo akong bibigyan nang karagdagang problema naiintindihan mo!!'' mariin kong sabi.

At tumalikod na ako. Kahit nagagalit ako sa kanya nakakatakot parin ang ginagawa niya. Kayo kayang makakita nun? Isang babae umakyat nang puno na napakataas may lahi ata itong unggoy.

Hindi na ako makatulog ulit kaya't nagbihis nalang ako't lumabas ng room.

"Gino tingnan mo oh ang cute!'' may hawak siyang dalawang maliliit na itlog, hinihingal pa siya.

''Anong ginagawa mo sa mga itlog na iyan?''

"ito iyong itlog sa itaas ng puno, ang cute no?'' sabay gigil niya.

''Ang sabi ko anong gagawin mo sa mga itlog na iyan?''

''Pinakita ko lang naman sa iyo, huwag kang mag-alala isasauli ko naman ito sa pugad.''

        Isasauli? Ibig sabihin aakyat siya ulit?

''Akin na iyan!'' dagli kong sambit.

''Bakit naman? Isasauli ko na ito, nakita mo na eh.'' nagpout pa!

''Akin na sabi!'' pilit kong inaagaw sa kamay niya ang mga itlog na hawak niya.

''Bakit nga, eh isasauli ko na.''

''Huwag mo nang isauli, akin na iyan."

''takot ka bang umakyat ako ulit?'' taas kilay niyang sabi.
tss!

''Che! bakit naman? Nananalangin nga akong mamatay ka na at matapos na ang torture ko.'' nagpout siya ulit.
pfftf!

''Eh bakit naman ayaw mong isauli ko ito?''

''Hindi mo na kailangang isauli iyan dahil ipaputol ko na ang punong iyon.''

''Ano??'' tumalikod na ako.

"Huwag Gino kawawa naman ang ibon.''

''Ngayon ka pa naawa. Sa tingin mo mapipisa pa ang mga itlog gayong hinawakan mo na?''

''Bakit pagnahawakan ba ang itlog hindi na mapipisa?''

"OO!!''    Isip-bata talaga, bubuwit nga.

Makaalis na nga talaga at badtrip na talaga ako.

Pagkatapos kong kumain pumasok ako sa library at nagbasa ng magazine, bigla naman siyang tumabi sa akin.
Umusog ako,
umusog rin siya,
umusog ako ulit
umusog rin siya ulit.

''Ano bang sa tingin mong ginagawa mo?!!'' i glare at her .

''Binabasa ko rin ang binabasa mo.''

''Hoy bubuwit! Marami diyang pwedeng basahin oh, huwag mo nga akong kulitin.''  tumahimik naman siya.

"ang ganda nila noh?''     tinuro niya ang models ng libro.  
  ''Ang tatangkad nila alam mo tatangkad rin ako gaya nila.''

" hoy mangarap ka na lang! Hindi ka na tatangkad hanggang pangarap na lang iyan, habang buhay ka nang bubuwit.''

''Hindi ahhh! tatangkad ako mga 2 inches siguro.'' nangangarap niyang sabi.

''Hanggang 5 flat ka na lang.''

"hindi ah, 5'8 kaya ako at magiging 5'10 ako.''

''hanggang diyan ka na lang.''

''Tatangkad  pa ako sabi.'' lumapit siya't pinagdiinan ang sinasabi niya sa mukha ko.

''Hindi na.'' pinagdiinan ko rin sa mukha niya.

"Tatangkad nga.''

"Hindi na.''

'Tatangkad!.''

''Hindi!!''

''Tatangkad."

''hindi."

''Tantangkad!''

''HINDI.''

''TATANGKAD!.''

''HINDI.''

''TATANGKAD!.''

''HINDI.''

''TATANGKAD!.''

''HINDI.''

''ANO BANG PROBLEMA NIYO? kanina pa kayo diyan nagsisigawan. Hindi niyo ba napansin na kanina pa ako dito nagbabasa rin?!!
Ang lapit pa ng mga mukha niyo kunti nalang maghahalikan na kayo.'' bulong ni kuya sa huli niyang sabi.

''Kuya tatangkad pa ako diba?'' walang sense niyang sabi.

''Hindi na sabi.'' then i walked out of the room.



That Monster Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon