KABANATA 69

287 8 1
                                    

18

***********

Sa probinsiya.

Marami nang nagbago ang dating mga kalaro ko ay nagsisipag asawa na o dikayay hindi na dito nakatira.

"TJ." Tawag ni teta amilia sa akin pagkapasok ko sa bahay ni dad kung saan ang nakalagay ang lamay niya.
Ako naman ay sa bahay ni lola nakatira.
Hindi naman ito pinabinta ni dad dati, pinapaupahan lang para mapanatili dahil ancestral house na ito ng mga kanunuan nila lola.
Ang apat naman na nakabuntot sa akin ay sa bahay ni auntie mandy(nag alaga sa akin) ko pinatira, malaki naman kasi iyong apartment at pinapaupahan lang rin ng mga turistang dumadayo sa lugar namin kayat nananatili itong maayos at maaaring tirhan kung gugustuhin kong bisitahin.

"Kamusta ang mga kaibigan mo? Maayos ba ang pahinga nila?"
Pagkarating namin ay pinagpahinga ko muna sila dahil halata namang napagod sa byahe.
Hindi ako nagpapasundo kina teta amilia kayat pampasaherong van lang ang ginamit namin papunta sa barangay namin.

Alam kong gustong magreklamo ng apat ngunit tabingi na lang silang ngumingiti pag tinatanong ko.

"Okay na po sila pupuntahan ko mamaya. Kamusta po dito?"
Malalakad lang naman ang bahay ni aunty sa bahay nila daddy at ang bahay rin ni lola.
Buhay pa palang shop ni daddy.

"Ang kapatid ko ang nagbabantay na nitong shop." Sabi ni teta amilia. Napansin ata niyang nililibot kong paningin ko sa kabuuan ng shop.

"Sasamahan na kita ate tj na puntahan sina kuya Jun, kuya Seth, kuya Roy at kuya Kevin." Presinta ni patty.

***********

"Patty." Napatigil ako sa paglalakad ng maabot na ng tingin ko ang 3 storey apartment ni aunty. "May naaksidente ata sa daan."

"Oo nga ate Tj, ang raming tao."

Binilisan ko ang paglalakad ko, habang papalapit na papalapit ako ay nakikita kung wala namang naaksidente sa kalsada sadyang marami lang mga taong paparoot paparito na nagkumpol kumpol sa harap ng apartment ni aunty.

"Grabe may artista ata?"

"Hindi ba bumalik na ang anak ni Ricardo?"

"Oo nga, sumasalangit nawa ang kaluluwa ni Ricardo. Rinig koy ang ganda ng anak niyang iyon."

"Oo nga. Model na raw iyon. Siguro mga artista iyang andiyan?"

"Ay naku tama talaga iyan! Nakita ko kanina, ang kikinis na mga lalaki, ang gagwapo, ang tatangkad!"

Napasimangot ako sa narinig kong mga bulong nang nadadaan ko.

Magbubulong bulungan lang naman ang lalakas naman.

Alangan naring ngumiti si patty sa akin ng tingnan ko siya dahil alam ko na kung anong pinagkakaguluhan ng mga kapitbahay ko dito.

Lumabas naman sa veranda ang lalaking nakawhite shirt with fitted faded jeans sabay kaway sa mga nakatingala sa kanya na mga tsismosa kong kapitbahay.

Napailing ako sa tili at kinikilig na reaksyon na naririnig ko.

"Tj!" Napakalakas na tawag mula sa kakabukas na gate ang sumalubong sa akin galing kay Seth.

Naglabasan agad ang dalawa pang lalaki na nakasunod kay Seth.

"Bubuwit. Tayo na? Saan bang bahay ng papa mo?" Kevin sabay tingin sa mga tao sa paligid.

"Magandang hapon ho." Sabi ni Jun na may ngiti sabay taas ng kamay at bilang pag gabay galang sa mga nakapaligid sa amin.

Kelan pa nito nagawang pumapansin ng mga tao sa paligid niya gayong nakapoker face parati tong magaling kong pinsan?

That Monster Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon