★Three★

606 20 1
                                    

LORELEI'S POV

Gabi na.. Nandito na ko sa kwarto ko. Simple pero maganda para sa akin at kasing laki lamang ng sala namin ito sa bahay sa probinsiya.

Biglang tumunog ang phone ko at agad kong inabot na nasa side table. Nakita ko na si Nanay ang tumatawag.

"Nay.."

(Kumusta ka na diyan, anak? Tumawag na sakin ang Tita Jannelle mo na nandiyan ka naNaging panatag naman kami dahil naging maayos ang biyahe mo.)

"Ganun po ba? Ayos lang po ako."

(Mag-iingat ka at magkabait sabi ng Lola mo.)

Napabugtong-hininga ako.

"Opo.. Kayo rin po mag-ingat kayo--Ay nay! May itatanong lang po ako.."

(Oh.. Sige ano yun?)

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako magkapagsalita. Siguro naman may pagkakataon na kong magtanong sa kaniya. Masyado kasi siyang abala sa trabaho at madalang kung umuwi, kapag kay Lola kasi ay iniiba niya ang usapan.

"P-Pwede ko po bang malaman k-kung anong pangalan niya?"

(Huh? Nino?)

"Ng tatay ko.."

Ang lalaking gumahasa sa inyo...

JERIC TAN'S POV

Nakakatamad bumangon kapag Monday, ano? Aist!

'Baby TanTan~ Gising na~'

Rinig kong sigaw ni Mommy mula sa labas. Awww... Nakakatamad pa talaga.

Ako pala si Jeric Tan! Ako best friend ni Calexy, remember? Sa Season 2 balikan niyo kami. Hehe! And I'm still a Nerd. LoL!

--

Lumabas na ko ng kwarto na nakapang-school uniform na. Napansin ko sabay lang pala kami Lei, nasa kabilang lang kasi ang room niya.

"Good Morning, insan!!" Bati ko sa kaniya.

"M-Morning.." Nahihiya niyang sabi pero seryoso pa rin ng mukha niya habang hinihimas ang batok niya.

Hindi pa siya naka-uniform dahil pinapatahi pa, atsaka pina-enroll na siya ni Mommy last week sa school namin. Nakakatuwa kasi may kamag-anak akong schoolmate, yiie~

"Smile ka naman, lagi kang seryoso eh.." Nakapout kong sabi.

"Tinatamad ako, eh.." Walang ekspresyon niyang sabi at nauna na siyang bumaba ng hagdan.

Huh?

Napakamot naman ako sa wala pang suklay na buhok ko. Gwapo raw kasi ang lalaki kapag magulo ang buhok. Haha!

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon