4 years later...
"Congratulation, Graduates!!"
Pagkatapos sabihin iyon ng isang panauhin ay masayang nagbatian at nagyakapan si Shashine sa kaniyang mga classmates, lalo na sa kaniyang best friend na si Aiya.
"Hoy! Bakit ka umiiyak?" Natatawang tanong ni Shashine sa kaibigan na bigla na lamang umiyak.
"Eh kasi... Ngayong tapos na tayo dito, iniisip ko na kung gaano kahirap sa college, kaya naiiyak ako. Huhu! Mas enjoy kasi ang Highschool diba?"
Muling niyakap ni Shashine ang kaibigan para patahanin ito. "Napagplanuhan na natin na kahit magkaiba tayo ng course at nasa iisang school tayo, asahan mong tutulungan kita?"
Tumango naman si Aiya at ngumiti na. "Salamat, best friend. Sana Alien na lang din ako para kasingtalino kita. Haha!"
"Haha! Baliw!"
"Shashine?"
Kumalas sa pagkakayap si Shashine kay Aiya nang nilingon niya ang tawag ng kaniyang mommy.
"Congratulation, My Princess!" Masayang bati ni Jini sa anak.
Agad namang niyakap ni Shashine ang kaniyang mommy. "Thank you, mommy.. I love you, po. Hihi!"
"Aysus.. I love you, too.."
"Miss Salutatorian!!" Nilingon ni Shashine ang lalaking boses na tumawag sa kaniya. "Congrats! Saan ka mag-aaral?" Tanong nito na pangisingisi pa.
Sinamaan niya naman ng tingin ang lalaki dahil mortal enemy niya ito. "Thanks, ah! Pero bakit ko naman sasabihin sayo, Mr.Fisrt Honorable?" Sarkastikong sagot niya sa binata.
"Grabe ka naman. Nandyan ang mommy mo oh! Wag mo naman akong ipahiya."
"Tse! Tara na po, mommy."
Natatawang napapailing na lang si Jini sa kanila.
Paguwi nila sa bahay ay isang simpleng selebrasyon lang ang hinanda ng kamag-anak para kay Shashine dahil iyon lang ang gusto ng dalaga.
Pero kahit na ganito sila kasayang mag-ina, hindi pa rin nila makakalimutan ang mga naiwang alaala ni Shone sa kanila at patuloy pa rin silang umaasa sa pagbabalik nila Calexy.
May dalawang buwan pa si Shashine bago makapasok sa kolehiyo kaya kailangan na namu niyang sulitin ang bakasyon niya. Habang ang kaniyang Mommy na si Jini ay inaasikaso ang bagong business na pinatayo para sa kaniya ni Shone na dapat ay isang sorpresa para sa kaniya.
Matapos malaman ng mga tao ang lahat tungkol sa katauhan nila Lian at Simon na kahit kay Shashine na isang half-alien. Tila sanay na mga nakapaligid sa kanila na ituring sila bilang tunay na tao.
Si Jeric naman ay nakapagtapos na rin sa kaniyang kursong Criminology at kumuha ng Law Degree dahil gusto niyang sumunod sa yapak ng tinuturin niyang ama na si Prosecutor Lee. At sa paraan niyang maging Prosecutor ay gusto niyang ipahanap si Miguel kung na saan man ito upang makapaghiganti sa paraang pag-aresto dito.
Binalikan ni Leila ang isang ampunan sa probinsiya kung saan niya iniwan ang kaniyang panganay na anak na babae. Hanggang ngayon ay alam niya pa rin ang pangalan ng kaniyang anak at nakiusap siya na wag baguhin iyon bilang palatandaan lalo walang katulad ang pangalan ng kaniyang anak.
"Wala na ang anak mo dito. Inampon na siya ng mayamang pamilya." Sabi ng isang matandang madre na Sister Cristina pagkatapos bahasin ang lumang record kung saan nakalista ang pangalan ng bata. "Pitong taong gulang anak mo ng kinuha nila dito."
Natulala na lamang si Leila sa nabalitaan niya. Bagsak ang kaniyang mga balikat at ngumiti ng mapait. "Sigurado ako na masaya na siya sa bago niyang pamilya, masaya ako dahil na marangya na siyang buhay."
Nalungkot ang madre dahil naawa siya kay Leila.
----
Star Planet
Nanlulumong pinagmasdan ni TFA065(Alecsa) ang kapaligiran ng kanilang planeta. Hindi niya sukat akalaing hahantong sa ganito ang kinalakihan niya.
Ang kanilang planeta na maihahawig sa mundo ng mga tao na ngayon ay tila unti-unti ng binabalot ng apoy.
"Hindi maaaring maging ganito ang ating planeta. Hindi dapat!" Nanggagalaiting sabi ni TFA065(Alecsa) sa galit, kaya naiyukom niya ang kaniyang mga kamao.
"Sigurado akong nasa paligid lang ang mga kalaban." Sabi ni OFA406
Bigla silang may narinig na kaluskot kung saan kaya naging alerto sila at pinalibutan ng mga Starnet Soldiers si TFA065(Alecsa) upang maprotektahan. Sila lang ang nasa labas ng starship at iniwan na muna nila doon sa loob si Calexy sa kadahilanang nagpapalakas pa ng husto.
Muli na naman silang nakarinig ng kaluskos, pagkatapos nun ay may tatlong masasamang Alien ang biglang umatake sa kanila at agad kinalaban ng Starnet Warriors ang mga kalaban para hindi nakalapit sa Prinsesa.
May isa pang umatake malapit sa kanila ni OFA406, kaya naman agad niyang hinarang ang kaniyang sarili upang maprotektahan si TFA065(Alecsa) gamit ang kaniyang Laser Sword. Kaso hindi na nakapagtiis si TFA065 at tinulungan niya si OFA406 na kalabanin ang kalaban.
Nagulat na lamang sila nang makita nilang tumilapon ang isang kalaban na tila ba malakas na hangin ang ginamit na kapangyarihan para magawa iyon.
Sabay-sabay silang napalingon kung kanino nanggaling ang malakas na kapangyarihang hangin na iyon. Napalunok si TFA065 nang makita niya itong nakatayo sa labas ng Starship.
"AGA071..(Calexy..)" Mahinang tawag niya.
"Sa likod niyo!!" Sigaw ni AGA071(Calexy) sa kanilang dalawa ni OFA406, kaya naman mabilis pinayuko ni OFA406 si TFA065(Alecsa) dahil may sumulpot na namang kalaban na aatake sa kanila.
"Ugh!!"
Hindi na kayanan ni OFA406 ang malakas na atake ng kapangyarihan ng kalaban kahit na hinarang na niya ang kaniyang espada ay binabagsak pa rin siya nito. Agad namang lumapit si TFA406(Alecsa) sa kaniya at si AGA071(Calexy) ang sumugod upang kalabanin ang kalaban.
Tumalon ng mataas si AGA071(Calexy) sa ere at mabilis niyang sinaksak ang kalaban sa likod nito gamit ang kaniyang Katana Laser Sword.
"OFA406, Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni TFA065(Alecsa)
Pilit na tumango naman ang binata bilang sagot. "Oo, mahal na prinsesa. Ayos lang ako, wag niyo akong intindihin."
Umangat naman ang tingin ni TFA065(Alecsa) kay AGA071(Calexy). "Sa tingin ko ay magaling ka na."
Hindi kumibo si AGA071(Calexy) sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nito at nilagpasan sila upang bumalik sa loob ng starship, pero bago pa ito pumasok sa loob ay nagsalita ito na hindi tumingin sa kanila.
"My dad.. He gave me more strength.." Sabi ni AGA071(Calexy) at bahagya niyang nilingon ang mga kasamahan niya sa kaniyang likuran. "And being a Starnet Warrior. We will continue what they have started. This is just the beginning our Generation.."
* * *
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Ciencia FicciónHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...