Hindi katanggap-tanggap ni Jini na pati si Calexy ay mawawalay sa kanila.
"Ayoko! Hindi siya sasama! Dito lang siya!" Sabi niya pagitan ng kaniyang mga hikbi. Kahit si Shashine ay hindi mapigilan ang maiyak kapag nakikita niyang umiiyak ang mommy niya.
"Haine, please, magtiwala ka na babalik sila para sa atin." Sabi ni Simon sa kaniya.
Muling humagulgol sa iyak si Jini at niyakap si Calexy na nakaratay pa rin sa stretcher. "Bakit ngayon pa? Pati ba naman ang anak ko mawawalay sa akin? Ayoko.."
Hindi maiwasan ng lahat ng nakapligid ang maawa sa kaniya.
"Kung gusto mong gumaling at lumakas pa lalo ang anak mo, hahayaan mo siyang isama kay Alecsa. Magtiwala ka na babalik sila ng ligtas, babalikan tayo ng mga anak natin. Please Jini, let them go." Pagmamakaawa ni Lian.
Inilabas na mga Starnet Soldiers si Calexy sa ospital para dalhin na ito sa Starship. Paglabas nila sa hospital ay tumambad sa kanila ang maramimg tao.
"Mrs.Hanston.." Unting-unting nilingon nila Jini, Lian at Simon ang isang lalaki na nakilala agad na isa sa mga empleyado ng sa kanilang kumpanya. "Lahat po kami dito ay nakikiramay at...susuportahan namin kayo dahil mabubuti po kayo. Ma'am Lian, Sir Simon.." Huminga ito ng malalim bago muling magpatuloy. "Para kay Mr.CEO at sa inyo, pagbubutihan pa po namin ang aming trabaho sa kumpanya."
Sabay-sabay ang lahat ng tao na nagpasalamat sa kanila at para sa kanila ay ituturing pa rin silang tao. Na ordinaryong tao na nakakasalamuha nila sa kumpanya.
----
Bago umalis sina Alecsa ay nagtungo na muna siya sa puntod ni Lorelei para huling pakikiramay sa pamilya nito.
Lumapit siya kay Jeric na hindi siya kinikinuan. Pansin niya pamamaga at pangingitim ng mga mata nito kahit na kasuot ang eyeglass nito. Kinuha niya ang palad ni Jeric at may binigay itong kwintas.
"Sana lagi mo kong maalala sa kwintas na yan.. Mahal na mahal kita."
Tumulo ang luha ni Alecsa dahil hindi man lang siya magawang lingunin ni Jeric kaya tumayo na at nagpaalam na.. Pero huli na nang lingunin ni Jeric na nakalabas na si Alecsa ng bahay. Hindi na niya alam ang gagawin kaya tumakbo siya palabas ng bahay nila.
"Alecsa!!" Pahabol na sigaw niya nang makita niyang sumakay na si Alecsa sa motor nito. "H-Hintayin kita hanggang't kaya ko, basta mangako ka iingatan mo ang sarili mo lalo na si Calexy."
Kaagad na bumaba si Alecsa sa motor niya at patakbong tumungo kay Jeric para mayakap ito sa huling pagkakataon.
Tumango naman sa kaniya si Alecsa. "Promise.."
"Mamimiss kita, mahal kong Alien." Natatawang sabi ni Jeric.
Lalong hinigpitan ni Alecsa ang pagkakayakap kay Jeric dahil pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya. "Please take care of yourself.."
----
Nakalipas ang isang linggo matapos umalis sina Alecsa kasama si Calexy patungo sa Starnet at ang pag-crimate kay Shone. Tila nawala na ang sigla ang kanilang tahanan.
Pababa na naghagdan si Jini at bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot at pangungulila.
"Mommy.."
Bumaba ang tingin niya kay Shashine na humawak sa kamay niya. Bumaba ang kaniyang katawan para mapantayan ang anak. "Pasensiya ka na kay Mommy, ah? Medyo hindi na kita naaasikaso. Sorry, anak."
Ngumiti naman ng pilit si Shashine. "Okay lang, mommy. I understand naman po." Pagkatapos ay niyakap niya si Jini.
Marahang bumukas ang pinto ng bahay nila pumasok sina Simon at Lian.
![](https://img.wattpad.com/cover/59466132-288-k341728.jpg)
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Science FictionHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...