★Forty-seven★

209 13 0
                                    

LORELEI'S POV

Napatulala at napakurap-kurap ako sa mga pinagsasabi ngayon ni Calexy sa akin, kasabay ng biglang pagtibok ng puso ko ng sobrang bilis.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon at mararamdaman ko.

Paano naman niya nagustuhan ang isang katulad ko?

Napayukom ko ang mga kamay ko. Para kasi akong kinakabahan na...Ewan.. Kaya agad akong tumayo.

"Lei.." Tawag niya sa akin.. Nakayuko lang ako dahil naiilang akong tumingin sa kaniya.

"Aalis na ko. Hindi na ko pwedeng magtagal. Magpagaling ka na lang." Sabi ko tsaka ko siya tinalikuran pero pinagilan niya ako.

"I'm serious.. Believe me.. But I didn't force you to love me back. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko para sayo, Lorelei.." Sabay bitaw na niya sa braso ko. "Hope we meet again next time.."

Naglakad na siya palayo sa akin hanggang sa sundan ko siya ng tingin.

Pagdating ko sa bahay, dumeretso agad ako sa aking kwarto at napaupo ako sa gilid ng kama ko... Habang patuloy pa rin sa isipan ko ang mga sinabi ni Calexy.. Hindi lang ako makapaniwala na isang katulad niya, na may lahing Alien ang magkakagusto sa akin.

At ni minsan... Hindi pa ako umibig..

Natauhan na lamang ako nang biglang tumunog ang hawak kong cellphone. Agad kong sinagot nang malaman kong si Tatay ang tumatawag.

"Hell--"

(Lorelei, ang nanay mo nawawala!!)

"Huh?" Gulat kong tanong.

Anong pinagsasabi nito?

JERIC TAN'S POV

"WHAT'S THE MEANING OF THIS?!" Sigaw ko bigla pagpasok ko sa loob ng bahay namin.

Sinong hindi magugulat sa nakikita ko ngayon na magkayakap sina Mommy at .... Prosecutor Lee?! Waah!! May namamagitan sa kanila!!!

Mabilis silang napatayo mula sa sofa at humarap sa akin.

"Oh my!! I'm sorry, Baby Tan. I'll explain everything just calm down. Okay??" Natatarantang sabi ni Mommy.

"Y-Yes, we will explain everything to you.." Sabat ni Prosecutor Lee.

Sa totoo lang noon ko pa napapansin si Mommy na parating blooming. Yun pala IN LOVE.. At kay Prosecutor Lee pa talaga, huh?

Pero hindi naman ako tututol kung magmamahal ulit si Mommy, basta wag lang siyang lolokohin. Masyado lang akong nagulat at lalong hindi makapaniwala na ngayon na may namamagitan pala sa kanila.

"Kailan pa po?"

Nagkatinginan naman silang dalawa sandali.

"Last month lang, anak.." Sabay kamot ni Mommy sa ulo niya. "Sorry. Hindi namin nasabi sa iyo kasi nahihiya ako. Baka tumutol ka."

Hindi ko alam pero bigla na lamang akong napangiti sa kanila. "Ayos lang po mommy.." Tumingin ako kay Prosecutor Lee. "Seryoso po ba kayo kay Mommy ko?"

"Oo naman. Seryoso ako sa mommy mo, iho! Mahal na mahal ko to.. Haha!"

"Hindi naman po ako tutol. Basta wag lang lolokohin mommy ko."

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon