★Thirteen★

319 13 1
                                    

ALECSA'S POV

Ngiti-ngiti kami ngayon ni Calexy habang naglalakad na kami papasok sa school. Naka-earphone pa nga loko. Tsk! Tsk!

Okay na kasi sila ng mommy niya. Tapos nakakaguilty lang para sa akin kasi ngayon palang nagsinungaling si Calexy---Ay teka!! BAKIT NAMAN AKO MAGIGUILTY EH SIYA MAY KASALANAN!! pfft--! Edi 'yun, nasabi na namin ni Calexy ang totoo about Lorelei last night. Then nagsorry na si Calexy sa mommy niya, edi bati-bati na sila.

"Hey! Ano pinapakinggan mo, huh?" Tanong ko kay Calexy, wala pa kong phone.

*pout*

"Rock song.."

"Parinig naman.." Sabi ko sabay hila ko sa isang earphone na nasa isang tenga niya. "Ay! Bongga!"

"Tsk! Buy your own." Sabay bawi niya sa earphone sa akin at muli niyang sinaksak sa tenga niya.

"Tss.. Oo!! Bibili talaga ako ng phone, papaiingitin kita kapag mas maganda sa akin, tandaan mo yan! Hmp!" Pasigaw ko sa tenga niya.

Teka! Na saan pala si Nerdy boy?

*lingon sa paligid*

Yae na, baka male-late lang yun.

SHASHINE'S POV

Tinanggal na ni Daddy ang seatbelt ko. Huminto na kasi kami sa tapat ng school ko, ang Freinier's School of Bully, jokie jokie! Haha!

"Ahm, daddy.." Hindi ko pa nasasabi na exam ko ngayon lalo na sa field trip namin next week.

"Yes, my princess?"

"Hehe!! Wala po." Sabay kiss ko sa cheek niya. "Bye bye po. Take care." Pagkatapos bumaba na ko kotse.

"You too. Goodluck!" Daddy said sabay flying kiss. Agad ko naming sinalo tsaka ko tinapal sa noo ko. "Why did you put in your forehead?"

"Para po tumalino ako sa exam. Hehe! Love you, daddy! Babye!!" Natawa naman siya. I waved at him then patakbo na kong pumasok ng gate ng school, late na ko kaya hindi ko na hinintay pa ang response niya.

Okay na yung flying kiss, maging effective sana. Ahuhu!!

JERIC TAN'S POV

Umiinom ako nang Yakult. Na-late ako, obvious na zero ako sa quiz ng first subject namin. Di bale bawi na lang next time.

Naglalakad na ko papunta sa classroom ko nang may tumawag sa akin.

"Gregorio!!"

Nilingon ko naman agad, si Vhal. Nginitian ko naman. "Hello!"

"Bakit absent si Lorelei?"

Napakamot naman ako sa ulo. Nag-absent si Lorelei kasi masama pakiramdam niya, pero sa palagay ko tinatamad lang siya.

"Sinumpong ng hika." Joke lang yun.

Naalala ko rin bigla yung sinabi ni Alecsa tungkol kay Vhal.

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon