★Twenty-three★ 1/2

283 11 0
                                    

LORELEI'S POV

Nagising ako at pakiramdam ko ay nahihilo ako kaya napasapo ko ang aking noo tsaka nilibot ang aking paningin sa paligid. Natigilan lang ako nang makilala ko kung na saang silid ako ngayon.


Nandito na naman ako?!


Agad akong bumungon at patakbo akong patungong pinto pero hindi ko nakayanang buksan dahil naka-lock ata sa labas.


Bwisit!!


Napalingon ako doon sa bintana, napansin kong nakabukas iyon. Agad kong hinila ang isang upuan at hinarang ko iyon sa pinto. Kung ini-lock nila ako sa labas? Pwes! Naka-lock din dito sa loob.


Madali akong dumungaw sa bintana. Sakto lang ang butas at karsiya ako, kaso mataas pala ang babagsakan ko pero damuhan naman. Agad akong napalingon sa pinto nang may marinig akong kung anong kaluskos ng susi. Shit! Binubuksan na!


Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at tuluyan na kong tumalon mula ikatlong palapag. Bumagsak ako sa damuhan pero kahit na ganun ay hindi ko ininda ang sakit ng paa at balakang ko.

"Lorelei!!"


Napaangat ang tingin ko at nakita kong nakadungaw si Miguel sa bintana. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tuluyan na kong tumakbo kahit hirap na hirap ako at puro matataas na talahib pa ang dinaraanan ko. Narinig ko pang ipapahabol niya ako kaya mas binilisan ko ang takbo.


Yumuko ako para magtago sa ilalim ng mga talahib nang may napansin akong mga tauhan niya. Pero na tigilan sila sa paghahanap sa akin at umangat ang kanilang mukha.


"A-Ano yun?" Turo nung isang lalaki sa itaas.


Lumingon naman ako doon sa tinuturo niya at napanganga ako..


Hindi bat UFO raw ang tawag diyan? Seryoso ba 'to?


Habang abala sila sa tinatanaw nilang UFO, ay pinagpasyahan ko ng gumapang ng mabilis para hindi nila ako madaling makita. Mabuti na lang talaga at gabi ngayon.


Tumayo na ko ng makarating na ko sa isang highway, at agad tumakbo ulit ako ng mabilis nang may nakakita sa akin.


"Yung babae tumatakas!!"


Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa may crossing road at nahinto ako nang may rumaragang kotse papunta sa akin.



*beep-beeeepp!!*


Naramdaman ko na lang may humila sa akin ng sobrang bilis papunta sa kabilang daan kaya napapikit ako.


*zooooom!!!* (effect ng pagteleport)


ALECSA'S POV

Paglapag ng Starship sa lupa ay agad na kong napatakbo sa excitement kahit rinig ko ang pagpigil ni Uncle Shone sa akin.


Kyaaaah!! Hindi ko mapigilan, miss na miss ko na sila Mommy't Daddy.


Kasama namin ang mga taong malalapit at may alam sa sikreto nila Uncle Shone. Yung Prosecutor Lee, Officer Police Montel, si Tito Jett at si Jeric. Wala yung best friend ni Mommy yung Marion ang pangalan dahil inaasikaso pa ang boutique branch na bigay daw ni Mommy at ngayon ay may branch na rin sa ibang bansa. Naks!


Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon