★Seven★

388 22 4
                                    

LORELEI'S POV

Tulad nga ng sinabi ni Calexy, pinaupo niya ako malapit sa couch nila. Naaliw naman ako sa panunuod ng practice game nila. Usually sa TV ko lang napapanuod ang ganitong soccer game na puro foreign pa ang mga players.

Puro takbo, habol, sipa. May mga ilan pang nadudulas kapag sinipa na nila yung bola sa kalaban para ipasa sa ka-team nila.

Si Calexy malakas sumipa kaya nga natamaan at nabukulan ako, eh!

Bumaba ang tingin ko sa wristwatch ko. Magbebreak time na. Napaangat naman ang tingin nang may pumito, yung couch.

"Water break!"

Huminto naman sa paglalaro ang lahat, hingal na hingal at pawisan silang lumapit sa pwesto ng kanilang couch. Napasulyap ako kay Calexy.

Hindi siya suplado, mukha siyang presko. Pero magandang lalaki naman na may nakakalokong tingin. Tss..

"Malapit na ang tournament at dito gagawin ang laban." Rinig kong sabi nung couch nila.

"Mabuti naman!"

"Masyado kasi nila tayong nadadaya kapag nasa ibang school ginaganap ang tournament, kahit na sabihin na mas magaling pa tayo."

Sabi ng mga dalawang player. Tapos may isa pang player na inakbayan si Calexy.

"Tama. Tsaka nandito naman si Calexy. Lakas sumipa. Haha!"

Napailing na lang si Calexy.

"Inaasahan kita, Hanston. Mag-ensayo kayong mabuti." Sabi nung couch.

"Yes couch!" Sigaw nila.

"Bukas ulit ang practice. You may go."

Kung ganun may magaganap na tournament? Kailan kaya?

Nakita ko naman si Calexy na papalapit sa akin.

"Hey! Sa locker room lang kami."

"Mauuna na ko. Hahanapin ko pa si Kuya Tan." Sabi ko.

"Sabay na tayo. Sandali lang naman ako magpalit."

Tumango na lamang ako. Bakit gusto pa niya ng kasabay? Tss..

CALEXY'S POV

After a quick shower, agad akong nagbihis sa locker room.

"Calexy, sino ang babaeng yun? Ngayon ko lang nakita?" One of my teammate asked.

"Natural transferree kaya nga hindi naka-uniform." Sabi nung isa. Tss..

Nilingon ko sila after I wear my shoes.

"Its Jeric's cousin.." I just said then I grabbed my bag.

"Talaga?"

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon