★Eighteen★

290 9 0
                                    

KIRSTEN RIA'S POV

-Soccer Field-

Tsk! Kung anu-ano na lang pinapagawa sa akin ng lalaking stalker na iyon sa akin. Basta sundan ko lang si Calexy dahil kailangan niyang puntahan si Nic.

Haaay! Grabe! Ang gwapo niya talaga! Pero hanggang crush lang, boyfriend ko si Nic, eh! Pero bakit nagmumuni-muni siya  dito kung wala naman siyang practice ng soccer? Parang napakalalim ng iniisip niya.

Nandito ako sa pinakamataas na bleacher at nagtatago para magstalk sa kaniya.

Nakita kong tumayo si Calexy at mukhang aalis na. Papaunahin ko muna, tapos susundan ko na lang siya ng palihim. Hindi pa sinasabi sa akin ni Nic kung anong dahilan niya kung bakit sina Calexy at Jeric Tan ang gusto niyang pagmantyagan. Tapos nadagdag pa yung kapatid niyang sa labas. Tss.. Ang weird ng babaeng 'yun. Meron pang isa, yung babaeng nakabuntot kina Calexy at Jeric...ano nga ba kasi pangalan nun? Alexandra? Ay! Ewan!

Ayoko rin ang babaeng iyon, feeling maganda. Eeww! Mas maganda pa ko sa kaniya. Disguise lang itong pagiging Nerdy Girl ko, no?

Nang makaalis na si Calexy at medyo nakalayo na siya ay natanaw ko siyang paakyat sa hagdan.

*akyat*

*akyat*

*akyat*

Nagpunta siya sa rooftop!! Kinuha ko muna ang phone ko para tawagan ang lalaking iyon na siya dapat ang gumagawa nitong pang-iin-stalk niya.

"Psst!" Biglang may nagpuswit at agad ko naman iyon nilingon. Si Stalker Guy! Ang bilis, nandito na agad siya? "Bat ka nandiyan?"

"Eh dito siya sa nagtungo."

"Rooftop? Pasukin mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "What?"

"Um-acting ka na lang na kunwari may tinataguan ka."

"Okay fine."

Ang sabi lang sa akin ng lalaking 'to noon, mayro'n pa daw ibang katauhan si Calexy. Hindi ako naniwala nung una, pero ngayon curious na ko.

Malay niyo, siya pala yung panget na Alien na sumulpot kahapon di ba? Kung nagkataon mang ganun nga, uwaaaah!! Ampanget pala ni Crush, katakot pa!!

Aakyat na sana ako sa rooftop nang lumingon ulit ako kay Stalker Guy. "Ikaw na lang kaya.."

"Parang sinabi mo na rin na mamatay na ko. Wag ganun. Matapang ka di ba? Kaya mo yan. Pfft!"

"Langya ka, trabaho mo 'to! Sige, kapag ako nilapa ng Alien, mumultuhin kita."

Nagtuloy-tuloy na ko sa pag-akyat patungo sa rooftop hanggang sa bumilis na ang pag-akyat ko na kunwari may tinataguan ako at agad kong binukas ng nalakas yung pinto.

*BLAG*

"Oops!! Sorry!! I thought walang tao rito sa rooftop. Hehe! Magtatago lang ako."

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon