★Forty-eight★

175 8 0
                                    

A/N: Kung may nagbabasa man nito.. Sorry for waiting, busy lang po sa summer class..


* * *

3RD PERSON'S POV

Tulalang nakatitig si Lorelei sa magulong kamang pinaghigaan ng kaniyang nanay. Itsurang nagmadaling makatakas ang nanay niya at iniisip na lamang niya ngayon kung saan ito nagpunta.


'Sigurdo akong kila Tita Jannelle siya nagpunta.'


Napalingon siya kaniyang ama na abalang may tinatawagan ito telepono nito at hindi mapakali.


"Wag mo ng hanapin si Nanay, hindi naman niya pinipilit ang sarili niya sayo. Ako lang naman talaga gusto mong makuha."


Tinignan siya ng masama ng kaniyang ama nang maibaba nito ang hawak na telepono. Samantalang siya ay wala pa rin ekspresyon ang mukha.


"Hayaan? May sakit ang nanay mo tapos hahayaan ko lang?"


"Alam ko kung saan siya pupunta na mas ikakabuti niya."


"Saan---Ahh! Sa mga Gregorio? Sa kapatid niya?"


"Wag mong subukang guluhin sila, kung hindi....kakalimutan ko na nakilala kita bilang tatay ko." Sabi niya tsaka niya tinitigan ng masama ang ama.


---


Kinabukasan.. Hindi mapakali sa kakalakad si Miguel kakaisip para mapansin siya ulit ni Chansey mamaya sa eskwelahan nila, lalo na't si Chansey nagsisilbing LUCKY CHARM niya kada may laban sila ng soccer sa school. Si Chansey ang nagbibigay sa kaniya ng lakas ng loob para humusay pa siya paglalaro ng soccer, dahil dati-rati ay lagi siyang chini-cheer nito.


Pero sa sitwasyon nila ngayong dalawa. Imposibleng i-cheer siya ulit nito sa susunod nilang laban sa darating na Biyernes, at hindi na siya makapaghintay na makaharap ulit si Calexy.


Mabilis na lumabas ng kaniyang kwarto at sandaling nagtungo sa laboratoryo kung na saan ngayon ang kaniyang Uncle Ivan. Delikado na para lumabas pa si Ivan dahil araw-araw at oras-oras na siyang pinaghahanap ng mga pulis ngayon.


Napakunot-noo siya nang makita niya ang Uncle niya na abala sa pag-iimbento ng kung anong bagay.


"What's that?"


Bigla napaangat ang tingin ni Ivan sa kaniya tsaka siya nginisian nito. "Pasabog.."


"You're ruin my plans once again, uncle."


"I'm not ruin your plans. Mabagal ka lang kumilos."


Napabugtong hininga na lamang siya sa kaniyang uncle at umalis na sa laboratoryo. Muli siyang pumanhik sa hagdan at nadaanan niya ang kwarto ni Lorelei.


Lumapit siya sa tapat ng pinto ng kapatid, tsaka niya ito kinatok.


"Lorelei?" Sabi niya habang kinakatok niya ang pinto kaso tila walang sumasagot kaya pinasok na niya. Pagpasok niya ay napalingon siya sa may bathroom dahil naririnig niya mula sa loob ang buhos ng shower na mukhang naliligo pa ang kaniyang kapatid. "Lorelei, sasabay ka sa akin pagpasok."


Yun na lang nasabi niya nang bigla siyang napalingon sa side table ni Lorelei at doon ay may nakita siyang nakadisplay na Blue Bear.


Biglang may pumasok sa utak niya na agad naman niyang kinuha ang stuff toy na iyon at lumabas na kwarto ni Lorelei. Paglabas niya ay may nakita siyang Initials at Date na nakasulat sa tag sa may likuran ng teddy bear..


'C.L. (062120xx)'


Napaisip naman siya dito dahil itsurang sulat kamay at ballpen lang ginamit sa pagsulat nun sa tag, lalo na kung anong ibig sabihin nitong sinulat ni Lorelei.


Binalewala na lamang niya pag-iisip at nagtungo na rin siya sa kaniyang kwarto kasama ang Blue Bear ni Lorelei.


-Northcliffe's Academy-


Malungkot na lumabas ng music room si Chansey dahil nagpaalam na siya sa mga kagrupo niya sa choir. Pero may isang request ang kanilang coach sa kaniya na kung pwede na siya na lang ang kumanta sa National Anthem sa darating na Soccer Game sa Friday. Pumayag naman siya dahil yun na lang huling pagkanta niya.


Naglakad na siya pabalik ng classroom nila nang bigla siyang may nakabanggaan.


"Naku! Sorry.." Sabi niya, pagtingin niya ay isang di familiar na babae ang nasa harapan niya.


"Ayos lang." Walang ekpresyong sabi ni Lorelei. Akmang maglalakad ulit siya nang bigla siyang kinausap ni Chansey.


"Ngayon lang kita nakita rito.. Transferee ka ba?"


"Oo.."


Tumango-tango naman si Chansey tsaka niya ito nginitian. "Ahh.. Ano palang pangalan mo?"


"Lorelei.."


"Nice to meet you. Ako si Chansey, hope we meet each other around, bye Lorelei .." Tsaka na siya naglakad pagkatapos niyang sabihib iyon kay Lorelei.


Nagtaka naman siya kung bakit parang ang gaan na lang bigla ng loob niya kay Lorelei.


Pagpasok niya sa kanilang classroom ay may mga ilan siyang kaklase na nagbubulungan. Pagdating sa upuan niya ay may tumambad sa kaniya na isang Teddy Bear na sakto naman dahil paboritong kulay pa niya ito na kulay Blue at isang rose.


"Kanino galing to?" Tanong niya sa mga kaklase niya.


"Ayaw niyang pasabi, basta ang bilin niya wag daw namin galawin yan." Sagot ng kaklase niya.


Dinampot niya rin yung rose at may nakaroll na paper doon.


'Please forgive me, Chansey..'

---


After na magawa ni Simon ang laptop niya na makakapagkonek sa Starnet, ay bigla na lamang itong nagpower on.


"Look, may message.." Sabi ni Lian nasa likuran niya.


Natigilan sila nang nakita nila na message na galing kay OFA406. Napaisip tuloy ng hindi maganda ang mag-asawa dahil bago nila iniwanan ang Starnet ay pinagbilinan nila ang isa katiwala nila na si OFA406 na i-mensahe agad sila kung may nangyaring masama sa kanilang planeta.


Clinick na ni Simon ang message, tsaka nila ito binasa ng sabay.


'Paumahin pinuno sa biglang mensahe ko sa inyo at naniniwala akong matatanggap niyo agad ito. Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Nasa panganib ang ating planeta at malapit ng masakop ng mga taga PLANET X.'


Napatulala ang mag-asawa sa nabasa nilang mensahe at slow motion silang nagkatitigang dalawa.


"This can't be.." Sabi ni Simon.


"Talagang THIS CANT BE! Ohmyghad! I read your mind, Simon. Babalik tayo doon? Imposible na makabalik tayo doon dahil hindi pa tapos ang mission natin dito."


Napahilot bigla ni Simon ang kaniyang sentido. "I know.. Nadala lang ako.. We need to tell Gray about this."


"Kinakabahan na ko.. Pakiramdam ko mawawala na ang planeta--"


"Don't say that! It will never happen.. Just trust to our New Warriors.."


"What do you mean? Are you talking about Alecsa and Calexy?"


"Yes.."

* * *

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon