★Forty-one★

232 14 5
                                        

LORELEI'S POV

-Hospital-



Maaga akong bumisita kay Nanay na ngayon natutulog pa lang. Malapit na siyang mapa-surgery. Habang tulog siya ay hinawakan ko ang kamay niyang may dextrose tsaka ko siya pinagmasdan. Masyado na siyang maputla, hindi ko alam kung kakayanin niya pang ang operasyon, pero sana at ipagdadasal ko na makakaya niya.




Naalala ko noong pinapagalitan niya ako palagi noong bata pa ako.



*Flashback*

"Lorelei, tama na ang laro! Pumasok ka na sa loob!" Saway ni Nanay sa akin nang mapahinto ako sa pakikipaglaro ko sa mga kapwa kong bata.



Nalungkot naman ako at agad ko na siyang sinunod na bagsak ang mga balikat kong pumasok sa loob ng bahay namin.



Hindi ko alam kung bakit lagi na lang galit si Nanay sa akin. Wala naman akong maalala na may ginawa akong mali, sinusunod ko naman siya pero bakit parang ayaw niya kong maging masaya?



"Pinapagalitan mo na naman ang anak mo. Hayaan mo ng makipaglaro." Sabi ni Lola na abala sa pananahi. Ako naman tahimik lang ako na nakaupo sa kawayang sofa namin.



"Para ano? Para siya lang masaya? Nakakairita!" Bulyaw ni Nanay tsaka na siya padabog na umalis ng bahay dahil kailangan niya pang magtrabaho.



Walong taon palang ako ngayon pero hindi ko pa kayang intindihin kung bakit ganun na lang si Nanay sa akin.

*End Of Flashback*



Pagkatapos ng limang taon. Pagtunton ko ng trese anyos. Doon na lang lumakas ang loob kong magtanong kung bakit wala akong tatay.



Starnet Warriors [Next Generation]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon