★Fifty-three★

181 7 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Sa hindi inaasahan ni Mr.Santos ay biglang hinarangan siya ng ilang pulis pagkalabas niya ng kaniyang opisina, dahil sa kadahilanang pananakaw niya ng pera mula sa bangko sa isang kilalang kumpanya at dahil na rin sa mga illegal business na gianawa niya sa ibang bansa.

"What are you doing this to me?!" Nanggalaiting tanong ni Mr.Santos nang hawakan siya sa magkabilang braso ng mga pulis.

"May warrant of arrest kayo, Mr. Mike Devon Santos sa pagnakaw ng bank accounts mula sa DeFuentes' Delight Corporation at pagsagawa ng illegal business. Magpaliwanag na lamang kayo sa prinsinto."

"Teka! Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo! I will call my attorney to prove you wrong!" Sigaw ni Mr.Santos pero hindi siya makawala sa mga pulis hanggang sa ipasok na siya sa loob ng sasakyan ng pulis.

Si Simon naman ay nakatanaw lang mula sa di kalayuan at nasa loob lang siya ng kaniyang sasakyan.

Partnership ng Hanston ang DeFuentes' Delight Corporation, kaya handa rin nilang tulungan ang DeFuentes' na ngayon ay naghihirap na dahil sa nanakaw na pera ng kumpanya. Kailangang makipagpartner ni Shone dito dahil may binabalak siyang business na pwede niyang ilaan sa kaniyang asawa na si Jini.

At ngayon natulungan na nila ang DeFuentes' sa pag-aresto kay Mike Devon Santos, ay kailangan din nila itong pahiramin ng pera para imapagpatuloy ang negosyo at napagkasunduan naman nila iyon na babayarin din sila ng paunti-unti ng DeFuentes' kapag maganda na ulit ang takbo ng negosyo.

----

"Yes! Yes! Yes! May hotdogs na naman!" Masayang sabi ni Jeric nang makalapit na siya sa hapagkainan.

"Kumain lang kayo ng kumain dahil marami pa yan." Sabi naman ni Jini habang inaabot kina Jeric at Alecsa ang mga pinggan nila.

"Naku! Aunt Jini, hindi naman po yata namin mauubos to. Hehe!" Nahihiyang sabi ni Alecsa.

"Okay lang yan." Tapos ay nilingon niya ang bunsong anak na si Shashine na abala na rin sa pagkain ng spaghetti. "Baby, tawagin mo na Kuya mo."

"Okay po."

Ilang saglit lang ay dumating na si Shashine.

"Mommy, wala po si Kuya Calexy."

Sabay namang nagkatinginan sina Alecsa at Jeric. Si naman Jini ay bigla pumamewang sa sinabi ng anak.

"Anong wala siya? Saan naman siya nagpunta?"

"Hindi ko po alam."

Pagkatapos ay tumingin siya sa gawi nila Jeric at Alecsa. "Pakitawagan niyo nga si Calexy? Ang batang 'yon talaga minsan hindi nagpapaalam, baka nagteleport na naman kung saan."

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon