ALECSA'S POV
Patuloy ang pagtawag sa akin ni Mommy ng bigla akong lumabas ng bahay nila Uncle Shone. Nabigla pa ako nang makasalubong ko pa si Daddy.
"Where you going in this middle of the night, Alecsa?" Tanong agad niya sa akin habang nagmamadali akong sumakay sa motor at sinuot ang helmet.
"Something important, Dad. Don't worry, I'll be back safe!" I said then I started the engine.
Pinaharurot ko na ng mabilis ang motor ko. Siguro baka may alam si Jeric sa pagkawala ni Calexy. Kaso magulo pa rin, eh! Bakit pati si Lorelei eh nasa puder na niya?
Pagdating ko sa tapat bahay nila ay agad akong nagdoorbell. "Tita Jenelle, si Alecsa po ito."
Pinagbuksan naman niya ako. "Alecsa? Jusko, mabuti dumating ka pero dalikado pa rin para sayo dahil gabi na."
"Ayos lang po 'yon. Si Jeric po?"
"Nakahiga siya sa salas. Halika, tumuloy ka na muna."
Pagpasok ko sa bahay nila ay nadatnan ko siyang nakahiga sa mahabang sofa nila at tila ba itsura siyang pagod kahit natutulog.
"Nalaman ko ang nangyari mula kay Calexy at Lorelei."
"Bakit po pati si Lorelei nawawala?"
Nagkibit-balikat siya. "Kanina kasi abala ako sa kusina, hinahayaan ko lang muna silang nagkukwentuhan. Nagulat na lang ako nang bigla silang lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit sila lumabas. Bumalik si Jeric dito na naluluha ang mga mata niya, ngunit nagtaka ako kung bakit di niya kasama si Lorelei. Tinanong ko siya pero ang sabi niya kinuha siya bigla ng kung sino o baka si Miguel, pati daw si Calexy nawawala. Totoo ba iyon, iha?"
"Opo.. Pero saan po galing sina Jeric at Lorelei?"
"Ang sinabi niya sa akin, nagpunta sila pinangyarihan kung saan nagliyab ang kotse na si Calexy ang namamaneho doon."
Natigilan ako sa sinabi ni Tita. Siguro masyado silang nag-alala kay Calexy kaya sila napasugod doon.
Lumapit ako kay Jeric at lumuhod ako sa tabi niya.
"Iha, masakit daw ang tiyan nung pag-uwi niya kanina, tinadyak daw kasi siya nung dumukot kay Lorelei."
Akala ko ba kaya na niyang gawin ang self-defense martial arts niya?
Pinatong ko ang palad ko sa kaniyang tiyan, pagkatapos ay pumikit ako. Pagagalingin ko siya gamit ang Healing Power ko.
Tumayo na ko at humarap na kay Tita na para bang nashock sa ginawa ko. "A-Ano ang liwanag na iyon, iha?"
Nginitian ko naman siya. "Healing Power po. Kami pong bahala sa dalawa. I-lock niyo na lang pong mabuti ang bahay. Hindi na po magtatagal, Tita. Goodnight."
Hindi ko na hinintay pa ang respond niya dahil tuloy-tuloy na paglabas ng bahay nila.
Pagsakay ko sa motor, si Miguel agad ang pumasok sa isip ko. Ang walang'yang iyon talaga, matigas pa rin ang bungo. Humanda talaga siya sa akin kapag may ginawa na naman siyang katarantaduhan kay Calexy!
Habang nagmamaneho ako, biglang may humarang sa dinaraanan ko. Hindi ko maanigan ang mukha niya, pero ang katawan niya ay hugis babae. Nanlaki pa ang mga mata ko nang may nilabas siyang dalawang espada mula sa kaniyang likuran. Papalapit na ko sa kaniya nang mapansin ko kakaibang mata niya, color Blue iyon.
Walang sasakyang dumaraan ngayon kaya bigla siyang tumakbo para salubungin ako ng kaniyang espada. Mabuti na lang mabilis akong paiwas kaso wrong move ang pagliko ko sa manubela ko dahil napa-slide ako at natumba ako sa motor ko.
Hindi ako nangamba sa pagkabagsak ko, kundi sa kaniya na tila may kapangyarihan siya na kayang tumakbo ng ubod ng bilis.
Napakunot-noo ako ng unti-unti ko na siyang nakikilala...
"K-Kirsten?"
Akala ko ba kakampi namin siya? Bakit ganito na siya ngayon?
Hindi siya umiimik, blanko ang mukha niya pero seryoso ang mga titig niya sa akin. Pakiramdam ko ay tila may mali sa kaniya.
Hirap akong tumayo. Mabuti na lang nakasuot ako ng leather jacket at skinny jeans. For sure my gasgas na ko sa tuhod, pero sa ngayon balewalain ko muna. Malayo to sa bituka!
"Kirsten, anong nangyayari sayo? Akala ko ba kakampi ka namin?" Sigaw ko, ngunit wala pa rin siyang imik.
Sinimulan kong maglakad at pansin ko ang paghahanda ng kaniyang espada sa akin. Akmang susugod na siya nang mabilis akong nagteleport. Palitaw ko sa likuran niya ay mabilis ko siyang tinadyakan pero muntikan lang siyang napasubsob.
"Bakit di ka magsalita?! Na saan si Calexy?!" Muli kong tanong sa kaniya. Sa sobrang inis ko, hindi ko na namalayang naging pula na pala ang buhok ko. Nagagalit na ko kapag ganito.
Bigla siyang ngumisi at nagulat ako ng bigla siyang naglaho. Teka! Paano niya nagagawa iyon? Sh*t!
"Akala mo ikaw lang nakakagawa ng ganun?"
Bigla kong hinanahap ang boses na yun at huminto ang mga mata ko sa isang lalaki na nakatayo sa isang mataas na lupa habang nakahalukipkip ang kaniyang mga braso. Sino nga ba kasi ito? Heto ba yung Uncle ni Miguel na Ivan ang pangalan?
"Na saan si Calexy?" Bulyaw ko sa kaniya.
Tumawa naman siya. "Bakit ko naman sasabihin? Kahit basahin mo pa ang isip ko, wala kang makukuhang inpormasyon kung na saan siya. Haha!"
"Walang'ya---AAARGG!!"
Susugurin ko na sana ang Ivan na iyon kaso bigla akong sinakal ni Kirsten mula sa likod ko. Mabilis ko siyang siniko sa tiyan kaya napaatras siya, hindi pa ko tapos dahil pinalipit ko pa ang braso niya para mapabagsak ko siya sa semento. Feeling wrestling lang. Mabilis kong naagaw ang isang espada niya, kasabay ng malakas na pagsipa niya sa akin patagilid kaya ako naman itong napahiga sa daan.
Pumaibabaw siya sa akin para hindi ako matayo. Akmang sasaksakin na niya ngunit mabilis kong naharang ang espadang inagaw ko sa kaniya.
"Ughh!!" Sabi ko nang pwersahan ko siyang tinulak. Tumayo agad ako at espadahan kaming dalawa.
Tumilapon ang espada ko. Hindi ko na nagawang kumilos dahil bigla niyang tinapat sa leeg ko ang espada niya. Nabigla naman ako ng binitawan niya ang kaniyang espada sa harapan ko, ngumisi siya at may pinakita sa akin na mas ikinagulat ko. Mabilis ko namang kinapa ang likuran ko.
Sh*t! Paanong napunta sa kaniya ang rope ko?!?!
"AKIN YAN!!" Sigaw ko sa kaniya. "Ibalik mo yan sa akin dahil hindi mo rin mapapagana yan dahil hindi ikaw ang may-ari niyan! Ako lang may karapatan diyan!"
Napasinghap ako nang itapon niya kung saan ang rope ko sa malayo. Tatakbo na sana ng bigla niya akong inambagan ng suntok sa pisngi. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdam ko na nakaroon ako ng galos.
Muli akong tumayo at hindi ko ininda ang sakit na ginawa niya sa maganda kong mukha. Humanda siya dahil gagalusin ko ang buong mukha niya! Traydor!
"Bruha ka!!" Susuntukin ko na rin sana siya nang bigla siyang bumaksak at nawalan ng malay. Pagtingin ko kung sino may gawa nun.. Si Vhal na may hawak na Electric Shock.
"Vhal?"
"Alam ko kung na saan si Calexy. Sumunod ka sa akin, delikado ang sitwasyon niya ngayon."
* * *
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Science FictionHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...
![Starnet Warriors [Next Generation]](https://img.wattpad.com/cover/59466132-64-k341728.jpg)