SHASHINE'S POV
Sa sobrang pag-aalala namin kay Kuya ay hindi man yata kami dinadalaw ng antok. Kanina pa palakad-lakad si Aunt Lian at hindi siya mapalagay dahil pati si Ate Alecsa ay hindi pa umuuwi. Ano naman kayang nangyare kay Ate Alecsa?
Sa totoo lang...kinakabahan na ko, baka may nangyari na talagang masama sa kanilang dalawa.
"Hindi ko na kaya." Biglang sabi ni Aunt Lian. "Hanapin na natin sila!"
Nagkatinginan sina Daddy at Uncle Simon na para bang nag-uusap sila sa mata, then Daddy looked at Mommy.
"Hon, stay here. Okay?" Mahinahong sabi ni Daddy. Bakas pa rin sa mukha ni Mommy ang sobrang pag-aalala.
"B-Basta bumalik kayo ng ligtas, uuwi ka kasama si Calexy, huh?" Napaawang labing sabi ni Mommy.
Tumango naman si Daddy sa kaniya. "I will, hon. I will save our son no matter what happen." Then he kissed Mommy's forehead. "I love you." He whispered. After that, ako naman ang tiningnan ni Daddy and he kissed me also on my forehead. "Take care of your mom, my princess."
"Y-Yes, Daddy.."
"Shall we go?" Tanong ni Uncle Simon.
"Don't worry, Jini. Maliligtas namin ang mga anak natin."
Tumango naman si Mommy sa kanila. "May tiwala naman ako namakakaya niyo ang lahat. Bumalik lang kayong ligtas, please?"
Sa pag-alis nilang tatlo, naiwan naman kami ni Mommy na tahimik. Umangat ang tingin ko sa second floor ng bahay namin.
Hindi lang pala kami ni Mommy ang nandito, kasama pala namin yung isang kalahi naming Alien na nagmula sa Bituin. Sana hindi siya masamang tao. Mapuntahan nga.
"Shashine, saan ka pupunta? Gusto mo na bang matulog?"
Napahinto ako sa pagpanik ko sa hagdan at niligon ko siya.
Sa sitwasyon po natin ngayon mommy, sa tingin ko hindi rin po ako makakatulog sa pag-aalala kay Kuya Calexy.
"Hindi po. May kukunin lang po ako." Pagsisinungaling ko, tsaka na ako pamanik sa hagdan at tinungo ko ang guest room.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nakita ko na natutulog pa siya. Unti-unti akong lumapit at pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Hahawakan ko sana ang suot niya nang magulat ako nang may kakaibang akong naririnig.
Hinanap ko kung saan nanggagaling ang maliit na boses na iyon at nasa side table iyon sa loob ng isang supot?
Agad ko namang binuksan 'yon at napasigaw ako sa sobrang gulat nang tumalong sa dibdib ko ang kakaibang hayop na to.
"AAAAHHHH!!! Shoo! Shoo! AHHH!!" Sigaw ko sabay hagis ko sa maliit na hayop na hindi ko alam kung saan nanggaling!
"Anak!" Bigla pumasok si Mommy, siguro narinig niya ang biglang pagsigaw ko. "Anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw?!"
"M-Mommy kasi may something na ewan na kanina tumalon sa---" natigilan ako sa pagsasalita nang marinig ko naman yung maliit na boses na iyon.
"Nyiiii~ hikhik!"
Napatalon naman ako sa gulat na nakakapit pala siya sa binti ko. "Aaahh!! Waaah!! Mooommy!!"
"Jusko! Ano yan?!" Gulat din si Mommy nang makita niya kakaibang hayop na nasa binti ko.
Muli kaming natigilan nang magising si---ano nga ba kasi tinawag sa kaniya? OF....ay! Ewan!
"CJ8!" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Fiksi IlmiahHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...
![Starnet Warriors [Next Generation]](https://img.wattpad.com/cover/59466132-64-k341728.jpg)