★Twelve★

289 15 1
                                        

Paki-refresh po ulit itong story. May in edit po kasi ako sa previous chapter(s). Thank you. :D

* * *

LORELEI'S POV

Deretsyo lang akong nakatingin sa kisame. Alas diyes na ng gabi, pero hindi ako makatulog dahil sa inis na paulit-ulit bumabalik ang mga nangyari kanina.

*Flashback*

Nagising ako dahil sa kaonting ingay na rinig ko. Pagdilat ko ay agad akong bumalikwas ng higa. Nasa isang kama ako, pero na saan ako?

Naalala ko na may dumukot sa akin na tinakpan ang bibig ko. Sinong walangyang iyon?

Wala sa loob kong napayukom ko ang kamao ko kasama ang tela ng bedsheet.

Narinig ko agad ang pagbukas ng pinto kaya agad ko iyon nilingon.

"Glad finally you're awake." Lalaking ngumisi sa akin at may dala siyang tray ng pagkain. Nilapag niya iyon sa malapit na mesa tsaka siya naglakad patungo sa akin.

"Sino ka?" Tanong ko habang nakatingin ako ng masama sa kaniya.

Natawa at ngumiti siya sakin. Kinuha niya ang isang upuan para maupo siya sa tabi ko.

"Wanna eat first? I know your tired in your---"

"Sagutin mo ang tinatanong ko." Maawtoridad kong sabi sa kaniya.

"Fine, just call me, Nic. Tama nga ang researcher ko, maganda ka nga talaga. Nice to meet you personally, Lorelei." Nakangiti niyang sabi, pero ang tingin ko sa kaniya hindi pa rin napapalitan.

"Ikaw ba dumukot sa akin?"

"Correction. Pinadukot kita, and sorry for that."

"Para saan ang pagdukot mo s akin? At bakit mo ko kilala?"

Starnet Warriors [Next Generation]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon