★Thirty-one★ 1/2

274 11 0
                                    

3RD PERSON'S POV

-Hospital-

Karga-karga ngayon ni Jini ang  new born baby boy nila Jett Ian at Thea.


"Unlce, ano po ulit name niya?" Tanong ni Shashine kay Jett  na abalang pinapakin ng breakfast si Thea.


"Gian Kayne.." Nakangiting sagot niya, tapos hinihipan ni Jett yung soup tsaka niya ipapasubo kay Thea yung kutsara.


"Sarap naman.. Ate Jini, salamat sa soup, ah.." Sabi ni Thea.


"Ano ka ba? Wala yun.."


"Bakit pala walang pasok si Shine ngayon, ate?" Napabalik ang tingin ni Shashine sa Uncle niya tapos tinignan niya ulit ang Mommy niya na medyo natigilan.. "May problema ba, ate?" Dagdag pa ni Jett.


"Ah... Ano kasi.. H-Hindi muna siya pinapasok ng Kuya Shone mo. May nagbabanta na naman ulit, eh.."


Napakunot noo naman silang mag-asawa, wala ang panganay nila ngayon dahil pinaiwan muna sa Lolo't Lola.


"Sino? Yung Ivan Santos na naman ba? O yung kaklase ni Calexy?"


"Siguro. Sila lang naman may galit sa amin."


Napailing-iling naman si Uncle. "Dapat talaga mahuli na ang lalaking iyon sa lalong madaling panahon! Pero wag kang mag-alala, Ate. Nandiyan na sina Idol Simon kaya no worries kapag kinalaban ulit nila si Ivan. Sigurado hindi lang sa preso ang bagsak nun, kundi sa hukay na!"


"Ian!!" Saway agad ni Jini.


"Tsk! Baliw na ang Ivan Santos na iyon."


Napatikom naman ni Thea ang kaniyang labi nang maalala niya ang kaniyang Ate Bessy na si Bea Keith Mizuno na na-metal disorder din matapos ang pangyayaring labanan ay nalaman niyang ginawang Alien ang best friend niya ng isang leader ng mga masasamang alien noon na nag-exist dito sa Earth.


LORELEI'S POV

Kanina pa kami pinapa-warm up at stretching. Tsk! Nakakabagot na. Pagkatapos ng ilang minuto ay pinahinto na rin kami.


"Okay! Later on, we're going to have a boodle fight! Ayos ba yun?" Sabi ng adviser namin. Humiyaw naman ang mga kaklase ko at ganun din ang section na kapwa kong Third Year. "Syempre, tulungan kayo sa pagluluto para makapagsaing kayo. After that, kung sinong team ang mananalo may plus points sa subject ko. Ayos ba?" Hiyaw ulit nila sa sobrang excited.


Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon