★Twenty-two★ 3/3

247 10 0
                                    

JERIC TAN'S POV

Ikinuwento ko sa kanila ang lahat lalo kung bakit ganun na lang ang dating pagtrato ko kina Calexy at Alecsa.

Yung nakaraan doon sa may taxi. Tapos yung nalaman namin kung sino ang bumaril sa taxi driver. Yun pala si Miguel ang nagligtas sa amin.

*Flashback*

Napaangat ang tingin ko nang bumukas ang pinto kasabay nun ay may humila kay Insan palabas ng taxi at sumunod ako para malaman ko kung sino iyon kahit na ngangatog pa rin ako sa nakakatakot na pangyayari.

Takte! Akala ko sa mga TV ko lang napapanuod ang ganung barilan.

"Ikaw?!" Bulyaw agad ni Insan doon sa lalaking humili kay insan.

"I told that we have a dinner, right? Let's go!" Sabi nung lalaki.

"Ano ba?! Sabi nang hindi ako interedo!"

"But you want to know his name, and you are curious with our Dad?"

Ano daw? Dad nila? What the meaning of this?

"H-Hoy! Sino ka? Bitiwan mo insan ko!" Bulyaw ko rin doon sa lalaki sabay hila ko kay Insan papalayo sa kaniya.

Bigla naman natawa yung lalaki. "Long time, no see. Its been years, nerd ka pa rin, Jeric Tan Gregorio."

Huh?

Nagtaka naman ako dahil kilala niya ko pero di ko siya kilala? Tinignan ko naman siya ulo hanggang paa, tsaka ko nilingon si insan.

"Sino ba 'to? Bat niya ko kilala?"

Pero hindi ako sinagot ni Insan at masama lang siyang nakatingin sa lalaki.

"Tigilan mo kami. Hindi na ko interesadong makilala ang tatay mo."

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon