★Forty-five★

231 9 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Inis na inis na si Miguel kaya hinila niya si Lorelei palayo kay Calexy kaya muli na naman niyang itinulak ito. Si Ivan naman ay nakahalukipkip lang at masaya niyang pinapanuod kung paano magdusa si Calexy.



Hindi na rin napigilan ni Lorelei ang maiyak sa galit niya kay Miguel. "TAMA NA!!" Sigaw niya pero tila hindi siya pinapakinggan nito.



Natigilan lang sila ng may bumukas ng pinto, at nagulat sila na sina Alecsa at Kirsten ang sumipa ng pinto kaya ito bumukas.



"Palayain mo, kung ayaw mong itulad ko sayo ang ganito, Miguel." Seryosong sabi ni Kirsten saka niya itinapon ang lalaking na hawak niya sa harapan nito na ginitil ang leeg at wala ng buhay.



Si Alecsa ay hindi maipinta ang mukha sa sobrang pag-aalala niya para kay Calexy. Saka niya sinamaan ng tingin sina Ivan at Miguel. "Mapapatay ko kayo!!!" Susugurin niya sana si Miguel pero pinigilan na muna siya ni Kirsten. "Wag mo kong pigilan!!"



Napangisi naman si Miguel sa kanila. "Nice. Magkakampi na pala kayo?"



"Hawak ko si Chansey.." Agad na sabi ni Kirsten dahilan para mawala ang pagngisi ni Miguel.


"What the f*ck did you say?"



"Wag kang magpaloko diyan, Miguel." Sabi ni Ivan.



"Seryoso ako. Sinaktan mo ko kaya sasaktan ko rin ang damdamin mo."



Hindi na maintidihin ni Lorelei ang pinagsasabi ng mga ito. Hirap na hirap na siyang makatayo para malapitan niya si Calexy, kaso pakiramdam niya namamaga na kaniyang likod dahil sa malakas na hampas ni Miguel sa kaniya.



"Kapag may ginawa kang masama sa kaniya, humanda ka!" Nanggagalaiting sabi ni Miguel saka siya mabilis na lumabas ng hideout.



"Simula palang ito." Huling sambit ni Ivan sa dalawang babae at tumakas na rin ito sa hideout.



Agad nilapitan ni Alecsa si Calexy at mabilis kinalas ang mga tali nito.



"Calexy, please wake up!!"



Inakay agad ni Alecsa si Calexy sa balikat niya. Pero bago pa sila makalabas ay nagkatinginan sila ni Lorelei.



"Mag-iingat kayo. Ako ng bahala kay Miguel. Kapag ginawa niya ulit ito kay Calexy, ako na makakalaban niya."



"Sumama ka na kaya sa amin."



Umiling siya. "Hayaan mo lang ako, wag mo kong intindihin. Babantayan ko mga plano niya laban sa inyo. Alam ko na Alien kayo at alam ko na hindi kayo masama. Sige na, kailangan na niyang magamot."



"Salamat.."



SHASHINE'S POV

Ngayong ako naman ang magaling, si Kuya Calexy naman ngayon ang nakaratay dito sa ospital.



Sabi ng mga doktor miracle daw ang nangyari sa akin. Pero ang totoo, sina Uncle Simon, Aunt Lian at Daddy ang nagpagaling sa akin. They used their Healing Power to me, kaso medyo nawalan sila ng energy kaya hindi na nila magagamit pa kay Kuya Calexy ang powers nila.



Pagkagising ko kanina, nag-apology na rin agad ako kina Mommy't Daddy, and I promised na hindi na ko magiging makulit. Pero mas gusto kong humingi ng sorry kay Kuya Calexy dahil sa hindi ko pagsunod sa kaniya.



Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon