★Fourteen★ 2/2

308 14 3
                                    

JERIC TAN'S POV

Napatakip ako ng bibig nang makita ko kung ano ang tinitignan ng mga classmates ko sa hawak na tablet na ng isa pa naming classmate.

A-Alien!!!

Halos nangilabot ang lahat ng classmates ko. Kaya pala umalis yung dalawa!

Lumayo muna ako sa mga classmates kong nagkukumpulan at lumabas muna ng classroom.

"Sigurado mag-aala superhero na silang dalawa--"

"Superhero? Sino?"

"Ahh!!" Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. "I-Insan?"

Halaaa!!

"Sinong superhero?"

"W-Wala!! Kalimutan mo na lang iyon. A-Anong ginagawa mo rito?"

"Break time. Tss.."

Napakamot naman ako ng ulo. "O-Oo nga pala. Tara kwek-kwek!"

"Totoong may Alien?"

"H-Huh?"

Nabigla naman ako sa tanong niya. Ano bang dapat kong isagot? Huhu!

3RD PERSON'S POV

Pinagbabaril na ng mga pulis ang masamang alien, pero naging balewala lang ang mga bala nila. Natakot agad sila dahil parang bakal ang katawan ng Alien.

Nanatili pa rin ang Alien sa itaas ng bubong ng bus at parang may naamoy itong kakaiba sa loob ng bus. Nagsigawan muli ang mga bata sa loob nang biglang basagin ng Alien ang windshield ng bus.

Maraming ng umiiyak na bata at takot na takot silang nagsisiksikan sa pinakadulo ng bus. Ang driver naman nanginginig rin sa takot habang nakayuko sa ilalim ng manubela.

Bumilis ang tibok ng puso ni Shashine sa kaba nang tumingin ang Alien sa kaniya. Pero pinatatagan niya ang kaniyang sarili kahit na tao lang siya at hindi Alien

Bakit ako ang tinitignan niya?

Darating si Daddy, darating sina Kuya Calexy at Ate Alecsa. Ililigtas nila kami.

Mga bulong ni Shashine sa kaniyang isip. Unti-unting lumapit ang alien sa gawi niya.

Nagsisigawan pa rin ang lahat maliban lang kay Shine nakikipagtalasan pa ng titigan sa masamang alien. Nagulat siya nang mabilis tumakbo sa kaniya ang alien.

"AAHHHH!!!" Napasigaw at napapikit na rin si Shashine, pero hindi niya namalayang tinapat niya ang kaniyang palad sa kalaban. Kasabay nun ay may kung anong hugis bilog na may liwanag ang lumabas sa palad niya para mapabagsak niya ang kalaban.

Napadilat si Shine at naramdaman niya kung anong kapangyarihan ang lumabas sa kamay niya. Napatulala siya sa mga kamay niya.

Tumingin si Shine sa mga kaklase't guro niyang napatulala sa ginawa niya at para bang nanghina siya.

Napansin niyang aatakehin na ulit siya ng kalaban pero bigla na lamang itong lumingon sa likuran. At nakita ni Shashine na nasa likod ng kalaban ang isang lalaking nakahelmet, at nalaman niya na ang kaniyang Kuya Calexy ang dumating. Hindi na malamayan ng iba na hinimatay si Shine at si Aiya lang ang nakapansin sa kaniya.

"Shine! Wake up!!"

Mabilis na sumugod ang kalaban kay Calexy at agad niyang sinalubong ng matinding sipa ang kalaban pataas.

Bumukas ang pangalawang pinto ng bus at may pumasok pang isang nakahelmet, si Alecsa. "Get out of here now!!"

Agad sumunod ang mga bata kasama yung teacher. Lumingon si Alecsa sa likuran niya at abalang nakikipaglaban pa si Calexy sa Alien.

"Alien of Planet X.." Mahinang sambit ni Alecsa sa kalabang Alien. Ang Alien na ito ang umatake sa kanila noon sa Starnet. Pero bago siya makialam ay nagulat siyang may naiwan pang bata. "Shine? Shine!!! Wake up!!"

Lumingon siya kina Calexy at nanlaki ang mga mata niya ng bumagsak si Calexy. Akmang dadaganan ng Alien si Calexy nang mabilis siyang tumakbo at tumalon siya para sipain ng malakas sa mukha ang kalaban.

"Calexy, are you alright?"

"Y-Yeah!"

"Si Shine walang malay doon! Kunin mo kapatid mo, ako ng bahala sa kalaban. Dali!"

Agad tumayo si Calexy at pinuntahan ang walang malay na kapatid. Si Alecsa ngayon ang humarap sa kalaban, bigla siyang inatake ng Alien gamit ang matulis na buntot nito na alerto niyang naiwasan agad.

Tumabling siya backward, mabilis naman siyang hinabol ng kalaban pero suntok agad na malakas ang sinalubong niya rito.

"Ang tigas mo! Kainis!" Gigil na sabi ni Alecsa. Napansin niyang matutulis ang mga kamay nito at sigurado makakamatay kapag nakalmot ka ng Alien na ito.

Mabilis niyang iniiwasan ang mga atake sa pagkalmot ng kalaban sa kaniya. Nahawak niya ang isang kamay ng kalaban, sabay sipa niya kaya napalayo ang kalaban sa kaniya, tsaka niya tinutok ang kaniyang flaming bow and arrow na bigla na lang lumitaw sa kamay niya.

"Its my first time to use this. And glad you are the first will going to die." Sabi niya sa kalaban at tuluyan na niyang pinana ang kalaban ng dalawang beses na tuluyang ikinahina nito.

"Let's get out of here!! Sasabog yan kasama ang itong bus." Sabi ni Alecsa kay Calexy na patulala sa ginawa nito sa kalaban, lalo na roon sa Flaming Bow and Arrow na ginamit nito.

Agad binuhat ni Calexy ang kaniyang kapatid. Mabilis silang nakalabas ng bus at sinalubong agad sila ni Shone na agad kinuha si Shine na walang malay.

Ang lahat ay nagsitakbuhan, nagtago at napadapa nang sumabog ang bus.

CALEXY'S POV

Nakina Daddy na si Shine and they going home right now pati na rin kami ni Alecsa.

We didn't expect this going to happened, lalo na si Alecsa. And I admit, I was amazed of what she did, her ability to fight and her flaming bow and arrow.

-Home-

"Bakit hindi sa ospital?" Tanong agad ni Mommy.

Alecsa command us na wag muna naming dalhin sa hospital si Shine.

"Aunt, Uncle... I think there is something you didn't notice about to your daughter." We didn't speak and we just let her continue what she's saying. "Shashine, she has a powers. She's also a half alien. And that's the reason why she collapsed."

And we're shocked.

Shine is one of us, too? Damn I can't believe this would be happened for real.

* * *

ALIEN of Planet X → picture at the multimedia. Pfft!! Hahaha!! Nakakatakot na itsura ngayon. 😂

Sinearch ko yan sa Google, then ganiyan ang lumitaw na Alien. Hahaha!!

Nabigla ako kay Shashine. Akalain niyo 'yon? Hehe!

Starnet Warriors [Next Generation]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon