LORELEI'S POV
Pagpasok ko dito sa Eastward ay agad ko ng tinungo ang soccer field. Hindi ko alam kung sino dapat kong i-cheer. Ang kapatid ko o ang lalaking hinahangaan ko palang? Lalo na't magkalaban pa sila ngayon.
Maraming tao at napansin kong nagsisimula na ang game nila. Agad ko naman nakita ang grupo ng mga Northcliffe's Academy, pero mas marami ang nanunuod na taga dito sa Eastward.
Tuloy lang ako sa paglalakad nang may nakabangga akong babae.
"Oopps! Sorry.." Sabi niya at nagkatinginan kaming dalawa.
Siya na naman? Ano nga ba pangalan ulit nito? Chansey nga ba?
"Ay! Ikaw pala. Pasensiya na, nagmamadali lang ako."
Tumango naman ako na wala man lang ka-ekspresyon sa mukha ko. "Ayos lang. Sige.." Sabi ko at umalis na ko sa harapan niya.
Nilibot ko ang paningin ko para makahanap ako ng mauupuan. Hanggang sa may nahagilap akong familiar na tao mula sa kalayuan. Tama bang si Kuya Tan ang tatanaw ko ngayon?
Gusto kong ngumiti nang makita ko ang pinsan ko na isip-bata at hindi ko inaasahan na nandito din ang pamilya ni Calexy. Pero may nakita akong kakaiba sa pinakalikod bleachers.
Bahagya akong napanganga na makita ko ang isang tao na nakaitim na maskara at may hawak itong baril na tila nakatutok sa mga players. Hindi na ko nagdalawang-isip pa at agad kong sinugod ang tao yun.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba para malaman ko kung sino ito na mukhang may balak sirain ang laro ngayon.
Mabuti na lang hindi niya napansin ang presensya ko nang dahan-dahan akong nakarating sa likuran ng taong to.
Huminga ako ng malalim at nilakasan ko ang loob ko, pagkatapos ay mabilis kong inalis ang maskara niya na agad niya ring ikinagulat. Pero mas nagulat ako nang makilala ko siya.
"Vhal?"
"L-Lorelei?"
Nanlaki ang mga mata ko at siya naman ay napabitawan niya ang hawak niyang baril.
"Anong ibig sabihin nito?" Seryosong tanong ko sa kaniya.
"N-Napag-utusan lang ako, p-pero hindi ko magawa.. H-hindi ko kaya.."
Dahan-dahan kong kinuha ang baril sa lapag at nakita ko kung anong klaseng bala ang nasa loob. Binalik ko agad ang tingin ko sa kaniya.
"Balak mong barilin si Calexy gamit nito? Sumagot ka!"
"O-Oo! P-Pero hindi ko kaya--"
Nagulat ulit kami nang bigla nalang naglaho sa mga kamay ko ang baril at ang ilang piraso ng kryptonite. Pagtingin ko sa likuran ko ay nandoon si Alecsa at napatulala ako na hawak niya ang baril at kryptonite na ginawang bala.
"Sabi ko na nga ba't may something, eh! Hanggang kailan ka na lang ba magiging UTUSAN ni Miguel, huh?"
Napakunot-noo ako nang binalik ko ang tingin ko kay Vhal.
"Anong ibig sabihin na utusan ka ni Miguel?"
"Ipapaliwanag ko at sana pagkatapos nun eh wag kang magalit sa akin." Kabadong sabi niya sa akin, saka siya napayuko.
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Ciencia FicciónHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...
![Starnet Warriors [Next Generation]](https://img.wattpad.com/cover/59466132-64-k341728.jpg)