3RD PERSON'S POV
Biglang kumalas si Lorelei sa pagkakayakap kay Calexy nang may marinig silang sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto niya, kaya mabilis ulit na kapag invisible si Calexy.
Pagbukas ni Lorelei sa pinto ay si Miguel ang bumungad sa kaniya.
"Ano?" Malamig na tanong niya rito.
"Bat hindi ka pa natutulog?"
"Yun lang ba pinunta mo? Matutulog na ko. Isasara ko na to." Akmang papasok pa si Miguel sa loob ng kwarto niya pero agad niya rin itong hinarangan.
"Siguraduhin mo lang na wala kang tinatago sa akin."
Napangisi naman si Lorelei sa sinabi nito sa kaniya. "Ako? May tinatago? Tss.." Bagot niyang sabi sabay sara na niya agad ng pintuan.
Muling lumitaw na si Calexy na ngayon ay nakatayo sa likod ng pinto.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya maiwasang mamangha sa ginawa ni Calexy na pag-iinvisible.
"Umalis na siya?"
"Oo.. Ikaw rin umuwi ka na.."
Napabugtong hininga naman si Calexy. "Fine, but before I'm leaving.. Are you free tomorrow?"
"Bukas? Bakit?"
"Just come with me after our game tomorrow. I have a surprise for you." Tsaka ito lumapit sa kaniya at hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "Trust me.."
Wala ng nagawa si Lorelei at tumango na lamang siya. "S-Sige.."
"Goodnight, Lei.." Tsaka siya kinindatan ni Calexy bago ulit ito magteleport palabas ng bintana niya.
ALECSA'S POV
Lumabas na ng classroom ang lahat para tumungo na doon sa soccer field para makapanuod ng tournament.
"Teka!" Biglang pigil sa akin ni Jeric, tsaka siya may tinuro. "Ang mga taga Northcliffe's Academy na siguro ang mga yan.."
Napalingon ako sa direksyon na tinuturo niya doon sa main gate. Hindi lang kami ang napatingin, pati na rin ang iba na schoolmates namin ay puro bulungan at tinginan ang sumalubong sa kanila rito.
'Mga Northcliffe's..'
'Hindi na sila makakapangdaya dahil nandito sila sa teritoryo natin.'
'Tama ka diyan. Pero sana nga lang manalo na ang school natin.'
'Oo nga.. Tara na..'
Umalis na yung dalawang lalaking narinig kong nagbubulungan kanina sa likuran ko.
Agad ko namang hinanap si Miguel Dominic Santos sa grupo na to. And there he is, masyadong pa-cool. Lahat sila ay nakasuot na Jersey na color maroon. Tss.. Kung wala lang kami sa school or walang tao sa paligid at siya lang ang naglalakad ngayon ay kanina ko pa siya sinugod.
"Halika na.." Sabi ko kay Jeric habang nakatingin pa rin ako sa direksyon ni Miguel.
"S-Sige.."
![](https://img.wattpad.com/cover/59466132-288-k341728.jpg)
BINABASA MO ANG
Starnet Warriors [Next Generation]
Ficțiune științifico-fantasticăHighest Rank Achieved in Sci-Fic: #31 (02/13/17) Calexy the half-alien and Alecsa the pure alien, they are the new Starnet Warriors. A new battle will come to happen again. A battle between the Warriors against to Human that wants to destroy them an...