★Fifty-two★

182 7 0
                                        

MIGUEL DOMINIC'S POV

Napayukom ko ang isang kamao ko habang tinatanaw ko sina Calexy at ang buong teammates niya na masayang-masaya sa pagkapanalo nila. Habang ang mga kasama ko ay nanlumo sa pagkatalo namin.


I want to told them na may mandaraya sa team ng Eastward at si Calexy iyon na sigurado ako na gumamit siya ng kapangyarihan para manalo. Pero imposible na may maniwala sa akin at hindi pa sila maniwala na isang ALIEN si Calexy.


"Miguel! Miguel!"


Napalingon ako kung sino yung tumatawag sa pangalan ko. And he's one of my classmates.


"What?"


Hingal na hingal siyang lumapit sa akin at para bang hirap pa siyang makapagsalita sa sobrang pagod.


"S-Si Chansey..... inatake!"


Bigla kong hinila ang kwelyo niya. "Tell me where is she?!"


"D-Doon--este..d-dito sa canteen ng E-Eastward!"


Agad ko siyang tinulak at mabilis akong kumaripas ng takbo. T@ng*na!! Bakit ngayon pa?!


LORELEI'S POV

Hindi ko hinintay pa ang pag-anunsyo kung sino na ang mamanalo sa game dahil lamang na ang puntos ng Team ni Calexy.


Naisip ko yung sinabi sa akin ni Alecsa na magpunta ako sa rooftop. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya kong papuntahin doon o baka may kailangan lang kaming pag-usapan. Mukhang doon na lang ako maghihintay. Kaso nadaanan ko yung canteen dito, pagsilip ko tila may kaguluhang nagaganap sa loob.


"Bawal bumili ang mga taga-Northcliffe's dito!!"


"Bawal din ang mga malalandi dito!!"


Tila may nag-uudyok sa akin na pumasok ako sa loob ng canteen. Kaya pagpasok ako ay biglang kumot ang noo ko sa gulat nang may sumugod na babae kay Chansey na galit na galit tsaka siya nito pinagsasabunutan.


"Sabi na nga ba taga-Northcliffe's ang umahas sa boyfriend ko!!!"


"AAAHH!! Bitawan mo ko! Hindi ko alam ang pinasasabi mo---ARAY!!"


Biglang kumabog ang dibdib ko sa galit. Kahit na sandali ko lang nakilala si Chansey, para sa akin mabait siya. Pero bakit ganito ang asta sa kaniya ngayon? Hindi na ko nakapagpigil pa at mabilis kong tinulak ang babaeng sumabunot kay Chansey. Tsaka ko mabilis kinuha ang isang tinidor na nasa malapit na mesa para hindi nila kami malapitan.


"Subukan niyong lapitan siya, ako makakalaban niyo!"


Nagsimulang magbulungan ang lahat nang may bigla may lumipad na buong spaghetti papunta sa uniporme ko, pagkatapos ay may lalaking sumigaw.


"Yan yung ALIEN na lumipat sa Northcliffe's Academy!!"


Starnet Warriors [Next Generation]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon